Kabanata 15

13 1 0
                                    

A/N: hala what if?










Kabanata 15










"Dito na muna tayo kayna Grandpa habang wala pa akong nahahanap na trabaho. " imporma ni Dante habang nagmamaneho at paminsan-minsan pa ay sumusulyap sa akin mula sa salamin.





Hindi ko siya sinagot. Tanging nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan.





Umaambon din at kahit pa nasa loob ako ng sasakyan ay na-aamoy ko ang malungkot na ulan.







Pakiramdam ko dinadamayan ako ng ulan na ito. Kagaya ko ay nasasaktan din siya.






Napapaisip ako kung bakit ito nangyayari sa akin. Naguguluhan din ako kung mahal ba ako ni Dante o ginagamit niya lang ako laban kay Mommy. Minsan kasi nararamdaman kong mahal niya ako. Pero ayaw kong mag assume dahil mukhang malabo. At yung mga ipinakita niya sa akin nong unang  ay purong pagpapanggap lamang.






Natatakot ako na malamang titira kami sa puder ni Doncillo. Halos nandoon lahat ng mga Suriaga. Makikita ko silang lahat. Natatakot ako na baka saktan nila ako.





Yumuko ako at wala sa sariling napayakap sa sarili dahil sa takot. Bigla na lang akong nakaramdam nun. Takot na takot...







Napansin naman iyon ni Dante kaya tinanong niya ako. "Okay ka lang? " nahimigan ko ang pag-aalala sa boses nito.





Hinawakan pa niya ako sa braso ko na mabilis kong tinabig dahil sa takot. Nakita ko ang gulat sa kaniyang mukha dahil sa ginawa ko pero mas nanaig ang sakit doon.





Nag iwas siya ng tingin at bumalik ang tingin sa harapan. Habang ako naman ay balisang umiwas ng tingin at ibinaling muli ang tingin sa labas.






Ilang minuto kaming gano'n. Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan. Haanggang sa naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan at ang pag salita niya.





Tumingin ako sa kaniya.





"Nandito na tayo, " mahinang sabi niya habang malungkot ang tingin sa harapan.






Nag iwas ako ng tingin. Binuksan naman niya ang pinto ng sasakyan na kinaroroonan niya at kumuha ng payong mula sa likod pagkatapos ay nagpunta sa p'westo ko para pag buksan ako ng pinto.





Nagkatinginan pa kami nang buksan niya ang pinto at sabay din kaming umiwas ng tingin. Lumabas na ako sa sasakyan at humigpit ang hawak ko sa sling bag ko dahil sa takot na namumuo pa rin sa dibdib ko. At tensyon na nararamdaman ko ngayong nandito na ako sa puder ng taong kinagagalitan ni Mommy ng sobra.




Naramdaman ko pa ang pagbaba ng tingin ni Dante sa kamay kong iyon na nakahawak sa sling bag ko nang mahigpit. At malungkot muling umiwas ng tingin na para bang siya ang nahihirapan para sa akin.






Hindi ako mapakali habang papalapit kami sa mansyon nila. At aaminin ko din na maganda rin ang Hacienda nila at may lion fountain pa sa gitna at sa baba naman ay mga isda. At paikot na daan para sa mga sasakyan. Hindi ito kagaya ng sa amin na ang makikita mo kaagad ay ang mga maisan at maputik na daan sa tuwing umuulan. Simentado ang kanila pero hindi iyon basta-basta lang simento.






At sa bungad naman ay nakita ko si Doncillo na nakangiti sa amin habang may kasama naman itong dalawang babae at isang lalaki at sa tabi ng isang babae ay nakita ko ang kapatid ni Dante na si Lily na masama ang tingin sa akin.








In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon