Kabanata 11

8 1 0
                                    

Kabanata 11



My life is messed up because of him. Pero bakit parang iba 'yung nararamdaman ko? Alam kong mali pero bakit ako nasa harapan niya?

Sumilay ang munting ngisi sa mga labi niya habang nakatingin sa ’kin. May katabi siyang babae na mukhang binayaran niya para lang paligayahin siya. Na ngayon ay masama ang tingin sa akin.



Hindi ako makapaniwala na ganito pala ang ugali niya. Para siyang demonyo na nagtatago sa mukha ng isang anghel.



Binalingan niya ang mga babaeng nasa tabi niya. "Leave, " malamig na utos niya at tinatamad pa ang klase ng tingin niya sa mga ito.




"Pero—" napatigil sa pagsasalita ang babae nang hawakan siya ng babae sa kamay para patigilin at tumingin kay Dante na masama ang tingin aa may halong banta. Kahit pa kalmado ang awra nito.






Nagbuga ng malalim na hininga ang babae at padabog na tumayo at saka ako masamang tinignan. Nang dumaan siya sa akin ay bahagya pa niya akong binunggo. Hindi naman ako natumba. Nagalaw lang ng bahagya ang katawan ko.




Nang mawala na sila ay saka ko binalingan ang lalaking kaharap ko na kanina pa nakatingin sa akin.



May mapaglarong emosyon sa mga mata nito at tila nasisiyahang makita pa ako.




Lihim akong napakuyom ng kamao. At humugot ng lakas. "Stop this bullshit, Suriaga, " mariing saad ko at mas lalong kumuyom ang kamao ko nang ngisian ako nito.




Mapaglaro niyang inikot ang daliri sa bunganga ng kaniyang kopita. At namamanghang ibinalik ang tingin sa akin.





"Hmm. " tumayo siya at nilapitan ako. Hawak-hawak niya ang kopita at umikot sa akin at hinawakan ang buhok ko. Tinabig ko naman iyon at masamang tumingin sa kaniya. He was teasing me.






Nag aapoy ang mga mata niya na tila nantutukso.




"I like your smell like sweet flowers. "






Nag tagis ang aking bagang. "Stop changing the topic, Suriaga. And I don't need your compliment. "





Umupo siya sa sofa at marahang tinapik ang tabi niya at nanunuksong tumingin sa akin. Na may pagkanuya.




Damn this man. Ano bang gusto niya? May balak ba siyang hawakan ako sa leeg para makontrol ang buhay ko?





"Sit."



"I'm not your dog. " agarang sagot ko at mas lalong sumama ang tingin sa kaniya.





"I didn't say you were a dog. Because you are mine. " paliwanag niya at nag de quatro. Inubos niya rin ang natirang alak sa kopita niya habang nasa akin pa rin nakatutok ang bughaw niyang mga mata.






Kumuyom ang kamao ko. This man, I knew he was just teasing me and would use me against my mommy.





"Ulol..." kulang sa hiningang saad ko dahil sa galit.







Imbes na galit ang makita ko sa mukha niya ay pagkamangha ang nasaksihan ko.




Ngumisi siya. "That's great, Mharissa. Fight back. Don't lose, " namamanghang aniya.




"Ano bang kailangan mo?" May halong inis sa boses na tanong ko.





"You. "




Bahagyang kumibot ang labi ko sa iritasyon. "Gagamitin mo'ko laban kay Mom—" napatigil ako sa pagsasalita nang makarinig ako ng pagkabasag.




Kaya naman nagbaba ako ng tingin sa sahig na kung na saan si Dante. Basag sa kamay niya ang kopita na kanina ay hawak niya. Nagdudugo din ang kamay niya.


Namilog ang mga nata ko at nagmamadaling nag hanap ng p'wedeng itakip sa kamay niya para matigil ang pagdurugo.




Nakahanap ako ng towel na nasa tabi lang ng wine kaya naman kinuha ko iyon kaagad at pinuntahan siya.




Akmang luluhod na sana ako para makapantayan ko ang kamay niya nang hulihin niya ang baywang ko at pinaupo sa kandungan niya.




Sa gulat ay napahawak ako sa malapad at matigas niyang dibdib. Tumingin ako sa kaniya at sa mga mata niya lumanding ang mga mata ko. Nagbabaga iyon pero naroon ang kalungkutan.





Humigpit ang hawak niya sa baywang ko. "Walang-wala iyang sakit na nararamdaman ko sa sakit ng puso ko. " makabuluhang sagot niya habang nakatitig sa akin.





Naitikom ko ang bibig ko. Tinangka kong umalis pero mas nilapit lang niya ang katawan ko sa kaniya.




Nanigas ako sa kinaroroonan ko ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa leeg ko.





"It's for our sake, baby. Kaya huwag ka ng lumaban, mahalin mo na lang ako, " he said and his voice was rough-sounding. And seemed to be begging with tenderness.





Parang nabitawan ko ang towel na hawak ko nang maramdaman ang bahagyang pag halik niya sa leeg ko.




Niyakap niya ang baywang ko at nag angat ng tingin sa akin. Hinawakan niya ang t'yan ko.




"If anything can be formed here I will wholeheartedly accept it, " ang gaan ng boses niya. Makakapa mo din doon ang pagiging sensiridad niya at parang gusto niya pa talaga na magkaroon ng laman.





Lumayo ako sa kaniya at hindi na niya ako napigilan sa pagkakataong ito.





His eyes were drunk as he looked up at me. "Stop this nonsense! " napasigaw na ako.






Pagak siyang natawa nang mahina. "For me it has value, Mharissa. This is for our future."




"Hindi future natin ang ipinunta ko dito! " sikmat ko.




Biglang nag dilim ang mukha niya at kumuyom ang kamao niya.




"I hate that man, Mharissa... I hate him... Because he was your first love and you still love him. I hate him for hurting you... " natigilan ako. Kaya naman puno ng pagkamuhi niya akong tinignan.







"Do you want me to destroy their relationship? " tila isang tukso para sa akin ang alok niyang iyon.








Biglang bumalik sa akin ang lahat ng nangyari sa akin. Kung paano nila ako niloko. Kung paano sila patagaong nagkita. Pero sa lahat ng iyon, pakiramdam ko ako ang naging kabit. Parang ako ang nakikihati ng atensyon ni Abraham. At sa lahat ng iyon, sa akin ipinagkait ang pagmamahal niya.








Nakakatukso ang alok ni Dante. Pero naisip ko din ang mararamdaman ni Faith. Bata pa siya at isa pa alam ko namang hindi pa siya handa sa ganitong relasyon. May pader na nakaharang sa pagitan nilang dalawa. At nasisiguro kong hindi rin sila mag tatagal.




At hindi ako sakim at naninira ng relasyon ng iba para lang makapag higanti.






Tumingin ako kay Dante na kanina pa nag hihintay sa sagot ko. Umatras ako. "Hindi ko kaya, Dante. At hindi rin siya ang rason kung bakit ako nandito... "








Lumambot ang ekspresyon ng kaniyang mukha.





Lumunok ako. "Dahil ikaw ang rason kung bakit ako nag punta rito. "












Don't forget to vote, comment and share your thoughts my shinecils^^

In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon