Kabanata 20

15 0 0
                                    

Kabanata 20










Sa kabila ng mga pananakot sa akin ni Doncillo para iwan ko si Dante ay wala akong ibang ginawa kundi ang ipaglaban ang karapatan ko.


Wala man iyong tinig. Pero makikita mo na kaagad sa mga ikinikilos ko.



Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas kong iyon.



Pero natutuwa akong malamang kaya ko pa lang lumaban.



"Labas tayo. Bili tayo ng mga damit ni baby. " aya sa akin kinaumagahan ni Dante na siyang nagpatalon sa puso ko dahil sa tuwa.




Nag aayos ng necktie si Dante non sa harap ng salamin. Kaya nilapitan ko ang drawer na nasa tabi lang ng kamang hinihigaan ko at kinuha ang ultrasound kasama ang gender ni baby.



Nilapitan ko siya at inabot sa kaniya iyon. Ako na rin ang gumawa ng pag-aayos sa necktie niya para makita niya ng ma-ayos ang ultrasound.



"Ako na. "


Napangiti siya sa ginawa ko at niyakap ako sa baywang ng isa sa mga braso niya.





Hindi ko alam ang dahilan pero napangiti rin ako. Aaminin kong namiss ko siya. Masaya ako at magaan ang pakiramdam ko ngayon kasi nandito na siya.




Natigilan siya habang nakatitig sa hawak niyang ultrasound. "Babae? " hindi makapaniwalang tanong niya sa akin pero mukha siyang masaya kahit pa nagulat siya. Kagat labi naman akong tumango, nagpipigil na huwag mapangiti.





"Alam kong ayaw mo sa babae... " hinalikan niya ako sa noo kaya napatigil ako sa pagsasalita. Malamlam ang kaniyang mga matang nakatuon sa akin.





"Tatanggapin ko siya dahil galing siya sa'yo. "




Natigilan ako. Naramdaman ko na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko. Pero alam kong masaya ako. Lalo na ang puso ko.



Siguro nararamdaman din iyon ng baby namin. Kasi gumalaw siya sa t'yan ko. Kaya naman nang maramdaman iyon ni Dante ay bumaba ang kamay niya sa t'yan ko at marahang hinaplos iyon.



Biglang naglaho lahat ng sama ng loob ko sa kaniya. Kasi nandito na siya. Hindi siya umalis sa tabi namin ng anak niya.





Masaya ako kasi magiging isang mabuting ina ako sa anak namin. Mamahalin ko siya nang buong-buo.






Nakarinig kami ng katok sa pintuan kaya sabay namin iyong nilingon ni Dante at nakita namin ang isa sa mga kasambahay nila rito sa mansyon.





"May bisita po kayo, Miss Mharissa. Mommy niyo raw po. "





Tumalon ang puso ko nang banggitin niya si Mommy. Parang biglang nilusob ng saya at kaba ang puso ko. May pananabik rin doon.






Unti-unting dumulas ang pagkakahawak ko kay Dante. Sa tuwing naririnig ko ang lahat tungkol sa kaniya hindi ko maiwasang 'di manghina sa kaba.






Naramdaman ko ang pag hawak sa akin ni Dante sa pisngi kaya lumipat sa kaniya ang tingin ko.




Matamis niya akong nginitian. "Babain mo na. Panigurado akong namimiss kana niya..."






Pero posible ba iyon? Natatakot ako kasi baka saktan niya ako.






"Natatakot ka? " marahang tanong niya sa akin kay lambing ng kaniyang tinig.






In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon