Kabanata 25

24 1 0
                                    

Kabanata 25




Mukha siyang payapa habang natutulog sa hita ko. Nilapag ko siya sa kama ko pero ginawa naman niyang unan ang hita ko at yumakap sa baywang ko.



Hindi ko na tinangka pang alisin iyon dahil sa higpit nang pagkakayakap niya sa akin.



Pinasadahan ko ng daliri ang buhok niya patungo sa kaniyang ilong. Sumilay ang malungkot na ngiti sa labi ko, habang tinitingnan ko siya roon ko lang napagtanto na sobrang na-miss ko siya. Matagal ko na rin kasing iniiwasan na may masagap na balita tungkol sa kaniya.



Kasi parang ang hirap sa akin na tanggapin kung sakali mang may babae na siyang minamahal. Pilit ko ring iniiwasan ang pag-tingin niya noon sa akin, kasi natatakot ako na baka masira ko lang iyon. At maging masama siya sa akin at mabasag ko siya. Pero sa sitwasyon naming ngayon pakiramdam ko nabasag ko na ang lahat.


Bumaba ang tingin ko sa bulsa ng pants niya dahil may nakausli roong pitaka. Wala sana akong balak na pansinin iyon pero may nahagip na kakaiba ang mga mata ko.


Tumingin muna ako kay Dante bago kunin ang wallet niya. Hindi siya basta-basta lang wallet. Kasi pag binuksan mo ay may makikita kang picture.





Parang tumigil ang mundo ko nang tuluyang nakita ang larawan. Ako iyon habang nakaupo sa terrace at tinatahi ang gloves para sa baby namin, mukhang stolen shoot pa. Nanginginig ang kamay ko, bibitawan ko na sana iyon nang may sumilip na picture sa likod.



Ayaw kong tingnan. Kasi kalahati palang alam ko na kung ano iyon. Naninikip ang dibdib ko at pakiramdam ko tutulo na ang mga luha ko.




Ultrasound ko iyon. Parang may pumiga sa puso ko habang nakatitig sa ultrasound lalo na sa baby namin. Ito 'yung matagal ko nang iniiyakan and until now I can't stop myself for being emotional again.



This is my daughter, our precious daughter.


Kung pinili ba ako ni Dante noon maliligtas kaya ang baby namin?

May kasalanan ba si Dante? Pero mali naman na iwan niya ako, di ba? Naghihirap din naman ako noon, ah? Pero bakit hindi ako ang pinili niya? Gano'n naba siya kadesperadong mahalin siya ni Miriam? Isa rin ito sa rason kung bakit ayaw kong maniwala na mahal niya ako. Kasi baka nakikita niya lang ako bilang si Miriam, hindi sa tunay na ako.



Ibabalik ko na sana ang picture ng ultrasound ng aksidente ko iyong naitalikod kaya nakita ko ang sulat na nasa likod niyon.





At kahit nasasaktan ako ay parang unti-unting nawawala ang sakit na nararamdaman ko nang mabasa ang nakasulat.




Mag-iingat ka sa loob ng t'yan ni Mama mo, baby. Kapag lumabas ka mahalin natin siya kasi hindi niya naranasan iyon, kaya iparamdam nating dalawa sa kaniya ang pagmamahal na ipinagkait sa kaniya, okay?

- Papa Dante.




"Mharissa... " narinig kong pag tawag niya sa akin at naramdaman ko ang daliri niya na pinupunasan ang basa kong pisngi.




Tumingin ako sa kaniya. Hindi siya nakatingin sa akin kasi nagbaba siya ng tingin sa hawak ko. Napatigil siya bigla sa pagpupunas sa basa kong pisngi at umiwas ng tingin.




"Sorry... "



Humigpit ang hawak ko. Gusto ko siyang sampalin kasi panay siya hingi ng tawad, dahil hindi pa iyon sapat para sa akin.



In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora