Kabanata 22

9 1 0
                                    

Kabanata 22






"What's the biggest mistake you've made? " basa ko sa huling pahina na binabasa ko. Sana pala hindi ko na lang binili ito.



Siguro wala. Hindi naman sila kasalanan para sa akin. At wala rin akong pinagsisisihan.



Tiniklop ko ang libro at nilapag pagkatapos ay tumingin sa salamin.



Namayat ako nang kaunti. Namumutla na rin maging ang balat ko kahit pa ilang taon na ang nagdaan. At hindi ko na rin pala naayusan ang sarili ko. Sa ilang years na nagdaan hindi ko pa rin masabi sa sarili ko nb diretsahan na okay ako, na totally healed na ako. Dahil alam kong hindi pa.





Maiksi na rin ang buhok ko. Pakiramdam ko nga no'ng nagupit iyon nawala 'yong bigat na pinapasanpasan ko. Pero yung sakit at kirot nandito pa rin sa puso ko. Hindi namawawala.




There is still a wound in my heart. And no one can heal that wound. Parang nagkaroon ng peklat, ang hirap matanggal ng peklat na iyon. At hindi lang iyon basta-basta peklat.



Sometimes, I hate myself for thinking about them and him. Pero naisip ko na kung patuloy kong kamumuhian ang sarili ko mas lalo lang akong mahihirapan. Sa sarili nagsisimula, kaya paano ako makakarecover kung maging ang sarili ko ay kamumuhian ko rin?



Sa lahat ng laban ko. Wala akong karamay kundi ang sarili ko lang. Doon ko natutunan na kahit iwanan ka ng lahat at kung mahal mo naman ang sarili mo doon mo mari-realize na hindi sila kawalan, na kaya mo pang mag lakad para sa susunod na kabanata ng istorya mo na hindi nasusugatan. Kasi malaki ang tiwala mo sa sarili mo at mahal mo ang sarili mo, malaya mong matatanggap lahat. At malaya mong matatanggap na iyong taong dati lang ay sobrang mahal na mahal mo ay kaya mo ng palayain kasama ng mga memories niya nang walang bigat sa puso at pag-aalinlangan.



Natutunan ko mang mahalin ang sarili ko ay hindi pa rin nawawala ang bahagi sa akin ang katotohanang may nararamdaman pa rin ako sa kaniya. At ang pagbabalik nang lahat ng sakit sa tuwing maiisip ko siya. Isa lang ang ibig sabihin ng mga iyon. Same feelings, same person and same pain.





Nagpakalayo-layo ako. Umalis ako na may taong nagagalit sa akin. Ang kapatid kong si Monique. Hinayaan ko siyang magalit sa akin. Kahit pa hindi ako 'yong klase ng tao na makakayanang matulog sa gabi na malamang may taong nagagalit sa akin.




Iniwan ko siya kay Mommy kasi alam ko namang mapapangalagaan siya nito.




Halos wala akong balita sa kanilang lahat. Lalo na sa kaniya. Ayaw ko ring mag tanong, kahit pa kasama ko ang Kuya niya. Kasi alam kong masasaktan lang ako lalo, pakiramdam ko kasi mawawala lahat ng iyak at hinanakit ko sa ilang taon kong pagpapakalayo ko sa kaniya sa isang salita niya lang. Pakiramdam ko kapag nakita ko siya iiyak ako sa mga balikat niya at yayakap sa kaniya.




"Sigurado kana bang kaya mo?" tanong sa akin ni Dario na nag-aayos ng necktie sa harap ng salamin.



Lumipat sa kaniya ang tingin ko at dahan-dahang tumango.





"Oo naman. Handa na ako," sagot ko at nag iwas ng tingin.



Ramdam ko ang pag titig niya sa akin sa salamin. Kaya tiningnan ko siya at kita ko kung saan siya nakatingin.



Nakatingin siya sa kaliwang pulsuhan ko na may tattoo na semicolon. Pasimple ko iyong itinago sa gilid ko para mawala ang tingin niya roon.



"A symbol of hope... Buti kinaya mo..." Mahinang sambit niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nababakas ang lungkot at paghingi ng tawad sa kaniyang mga mata dahil sa ginawa ng kapatid niya sa akin.





In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora