Kabanata 9

28 1 0
                                    

Kabanata 9



"Gusto mo pa rin siya, di ba? " marahang tanong sa akin ni Dante habang nakatingin kayna Faith at Abraham na nasa malayuan.

Nakatingin lang ako sa kanila at hindi pa rin sinasagot si Dante.

Pero maya-maya lang ay nag salita ako. Pero hindi sagutin ang tanong niya, kundi ang tanungin siya.

"Eh, ikaw. Bakit gusto mo akong makitang ngumiti? "

"Kasi gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko kung gaano ka kasaya. " maagap namang sagot niya.

"Kapag nakikita kitang nasasaktan. Nasasaktan din ako. " humarap siya sa akin.

"Mas gugustuhin ko pang ako ang masaktan kaysa sa ikaw ang masaktan. "

"Hindi kita maipaglalaban kay Mom-"

"Ako ang lalaban para sa'yo. Ilalaban kita. "

Wala akong ibang naisip kundi ang salitang complicated. Mahirap ang sitwasyon namin. Apo siya ni Doncillo, at nasa angkan naman ako ng mga Bilarmino. At anak ako ng taong may galit sa pamilya nila. At sa anumang oras na malaman ni Mom ang tungkol dito ay paniguradong paglalayuin niya kami ni Dante. Napaka hirap ng sitwasyon naming dalawa. Ngayon palang ay nahihirapan na ako. Paano pa kaya kung naging kami na?

Yumuko ako. Umihip naman ang malamig na hangin sa pagitan namin.

"Dante. I'm sorry... " sabi ko at nag-angat ng tingin sa kaniya.

Makikita mo kaagad ang lungkot sa kaniyang mga mata pero dinadaan niya lang ang lungkot na iyon sa isang matamis na ngiti.

Half of my soul wants to cry. Dahil sa katotohanang hindi ko maaaring mahalin ang isang Suriaga na katulad niya. At magiging hadlang lang siya para mapatunayan ko kay Mom ang aking sarili.

"Bakit hindi nalang ako? " bakit gano'n? Bakit parang nasasaktan ako?

"Hindi kita kayang ipaglaban—"

"Ako ang lalaban para sa'yo. Ipaglalaban kita. "

Hindi ako kaagad nakapag-salita. Pero kumplikado ang sitwasyon namin. At natatakot ako. At isa pa, ayaw ko siyang maging hadlang para patunayan ko ang sarili ko kay Mom. At ayaw kong masaktan kaming pareho gaya na lang ng ngayon.

"Ikakasal ako sa kapatid mo, Dante. "

Pumungay ang kaniyang mga mata. Umiling siya. "Babawiin kita sa kaniya, " pursigidong tugon niya.

Nag iwas ako ng tingin. "Hindi mo kaya... "

Dumaan ang pait sa kaniyang mga mata kahit pa man hindi ko tignan iyon. Nararamdaman ko man base sa pag galaw nito kanina na tila nanghihina.

"Then try me. Subukan mo, Mharissa. Kaya kitang bawiin sa kaniya. "

Hinawakan niya ang kamay ko. Nagulat ako kaya hindi ako kaagad nakapag salita. Hinila niya ako sa likod ng building at biglang hinalikan sa leeg na may karahasan.

Nagulat ako at nagpupumilit na nagpupumiglas. Sinuntok ko siya sa dibdib at balikat pero hindi pa rin siya tumitigil.

"Tama na! " hikbi ko at pagmamakaawa habang pilit siyang tinutulak.

Humigpit ang hawak niya sa baywang ko. Lalo akong napaiyak, hindi ko inaakalang magagawa niya sa akin ito. Akala ko iba siya sa lahat. Pero nagkakamali ako. At sa puntong ito ay sinisi ko ang sarili ko. Na palagi ko namang ginagawa.

Masyado na akong nanghihina kaya unti-unti rin akong tumigil sa pagpupumiglas.

Walang makakarinig din naman sa amin kaya wala akong takas sa kaniya at masyado siyang malakas.

Balot na balot ang puso ko ng sama ng loob. Sakit. Pagkadismaya. At habang binababoy niya ako ay wala akong ibang ginawa kundi ang lumuha at kasuklaman din ang aking sarili.

Ganito din pala ang nararamdaman ni Miriam noon. Ito pala yong pakiramdam na wala kang magawa habang ginagagago ka. Hindi makapag-salita. Hindi makagalaw. Parang hinigop ang lakas ko at kaluluwa. Pero walang-wala iyon sa sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko pinagtaksilan ako.

Parang dati lang tinatawanan ko yung nangyari kay Miriam. Pero ngayon, nangyayari na sa akin...

"Mag bihis kana. "

Nanginginig kong sinampal si Dante pagkatayo niya at siyang pagbawi ko ng lakas.

Tumabingi ang ulo niya. Nanginginig ko siyang dinuro sa galit. "W-wala k-kang puso! " puno ng hinanakit kong sabi at sinampal siyang muli. Hindi pa ako nakuntento at hinila ang kuwelyo niya at sinapak siya, pero nanatili lang siyang nakatayo at hindi man lang pumalag. Pero ngumisi siya.

"Wala ka ng magagawa. Akin kana. "

Sunod-sunod na nagsitulo ang mga luha sa aking mga mata at dahan-dahang napaupo sa sobrang pagkadismaya.

Daig ko pa ang pinagtaksilan sa nararamdaman ko. Nalinlang ako... Niloko ako... Ginago ako. At higit sa lahat ay binaboy ako. At hindi alam ni Mommy...

Sinapo ko ang aking mukha at doon umiyak. Wala akong ibang ginawa kundi ang galit siyang murahin at makakapa mo ang galit at pagkamuhi roon.

Lumuhod sa aking harapan si Dante kaya sinamaan ko siya ng tingin pero ni hindi man lang siya nagpakita ng emosyon. Ibang-iba siya sa Dante na nakilala ko nitong nagdaang linggo.

Hinawakan niya ang pisngi ko na mabilis kong tinabig. "I hate you, " galit na sabi ko sa kaniya pero nginisian lang niya ako na tila ba hindi na apektuhan sa sinabi ko.

Binalik niya ang kamay sa aking mukha. Hindi ko kaagad iyon natabig sapagkat dumiin ang hawak niya sa aking panga. Huli na para alisin iyon.

Napatingin ako sa mga mata niya na puro galit lang ang makikita.

"And now... Hindi na mag tatagumpay ang babaeng iyon sa pagsira sa pamilya namin. Dahil ako ang sisira sa pamilya niyo. At magsisimula ako..." tumigil siya sa pagsasalita para diinang muli ang pagkakahawak sa aking panga. "Sayo... "

Masaganang tumulong muli ang luha sa aking mga mata habang nakikilagtitigan sa kaniyang mga mata. Parang may dumaang emosyon sa mga mata niyang iyon at para siyang natigilan. Pero panandalian lang iyon, dahil muling bumalik ang galit sa mga mata niyang iyon.

Padabog niyang binitawan ang panga ko. Niyakap ko naman ang aking sarili. Itinapon pa niya sa akin ang uniform ko bago ako iniwan. Wala akong ibang nagawa kundi sng yakapin ang aking sarili at umiyak at makaramdam ng awa sa sarili.

Lumakas lalo ang pag-iyak ko ng maisip na wala man lang akong nagawa. Paano na ako nito? Mag sisimula na naman ba ako? Pero paano? Wala pa akong nasisimulan.

Humigpit ang hawak ko sa aking palda at yumuko. Iniyak ang pagkabigong nadarama.

Those eyes. I used to like those eyes. But now, It's full of hatred.

Wala na talagang pag-asang lumaya ako. Pakiramdam ko malapit na akong mag hirap. Dito naba ako tuluyang mawawala?

--

Oy naiiyak ako, kasi parang wala siyang rights sa part na ito and parang isisisi sa kaniya lahat without knowing na ginanon siya. Like halos galit sa kaniya mga pinsan niya without knowing na sobrang nasasaktan siya at sinasaktan emotionally and physically. I cannot mga mhie...

Parang mahihirapan akong ipagtanggol si Dante😭

Don't forget to vote, comment and share your thoughts my shinecils^^

In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora