Kabanata 19

13 0 0
                                    

Kabanata 19









"Ito ang paa niya... " tinuro ng doktora ang paa ng baby ko sa screen. "At ito naman ang kamay niya at ulo niya... "





Namamasa ang mga mata ko habang nakatingin sa screen na kung saan nakikita ko ang anak ko.





Kasi mukha siyang malusog. Na eexcite tuloy ako sa kung sino kaya sa aming dalawa ni Dante ang magiging kamukha niya?






Malaki-laki na ang tyan ko. Tatlong buwan na akong nagdadalang tao. At walang araw na hindi ako pinapahirapan ng anak ko.




Sumisipa na rin siya sa loob ng t'yan. At sa tuwing nararamdaman ko iyon ay parang may humahaplos sa puso ko. Ganito pala ang pakiramdam ng pagmamahal ng isang ina.






Ipinapangako ko na magiging isang mabuting ina ako sa anak namin ni Dante. Mamahalin ko siya nang buong puso at wala akong ititira sa sarili ko.





Kahit hindi ko naranasan ang masaya at buong pamilya sa piling nina Mommy ay sa magiging pamilya kong ito na lamang iyon ko gagawin. Kahit pa hindi ako sigurado sa nararamdaman ni Dante sa akin minsan. Kahit nagbibigay kalituhan sa puso't isip ko ang mga galaw niya ay mahal ko pa rin siya. Walang araw na hindi ko siya minamahal. At walang araw na hindi ko nararamdaman ang pangamba sa tuwing ako'y mapag-iisa sa mansyong ito. Dahil pakiramdam ko pinapatay ako ng mga tingin nila sa akin. Dahil sa mga mata nila pakiramdam ko ay manganganib ng wala sa oras ang buhay naming dalawa ng anak ko.








"Kailangan ako ni Miriam. Baka mapaano siya, " natatarantang sabi ni Dante habang hindi magkandaugaga sa pag suot ng simpleng t-shirt.





Habang natataranta siya ay pinapanuod ko lang siya. Habang nababasag ang puso ko.






Sa puntong ito, pakiramdam ko ako pa rin ang nakikihati ng oras niya kahit pa may karapatan ako. Oo, minsan lang naman. Pero bakit ngayon pa? Ngayon pa na kailangan ko siya?





Yumuko ako at niyakap ang aking t'yan. Ilang minuto akong gano'n. Wala na siya. Iniwan na niya ako.



Pero ramdam ko pa rin ang puso ko na parang pinipiga ng daan-daan.



Dahan-dahan akong humiga sa kama nang patagilid ang posisyon. Pikit-mata kong hinila ang kumot dahil sa lamig na nararamdaman ko.





Punong-puno ng tampo ang puso ko. Bakit ngayon pa siya nawala kung kailan gusto ko siyang makausap tungkol sa anak namin? Wala siya noong mga oras na nag pa ultrasound ako. Wala siya sa tuwing nagpapacheck-up ako.





Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na babae ang anak namin. Kahit pa sinabi niya minsan sa akin na ayaw niya sa babae. Pero dinugtungan naman niya na kahit ano pa ang maging gender ng magiging anak namin ay tatanggapin pa rin niya.





Pero ngayong wala na siya sa tabi ko. Pakiramdam ko pasan-pasan ko na naman ang mundo at pakiramdam ko malapit na naman sa akin ang panganib.






Hinimas ko ang tatlong buwan kong t'yan. Apat na buwan na ang t'yan ko sa January 5. At magpapasko na nasa t'yan ko si baby.




Sa kabila ng mga luhang tumutulo galing sa aking mga mata ay nagawa ko pa rin ngumiti para sa baby ko. Hindi niya dapat maramdaman na malungkot ang Mama niya kasi baka malungkot din siya.






"Baby, huwag mong pansinin si mama, ha? Huwag ka sanang lumaking iyakin... Intindihin na lang natin si Papa mo... "





Hindi ako nakatulog nang gabi kaya naman nag linis na lang ako ng kwarto. Pampaantok ko kasi rin iyon.






Nag tupi din ako ng mga damit ni Dante at nilagay sa closet niya at habang nag-aayos ako ay nahagip ng mga mata ko ang camera niya.





At dahil sa naku-curious ako ay kinuha ko iyon at tinurn on. At bumungad kaagad sa akin ang mga mukha ni Miriam halatang stolen shoot. Nanginginig ang kamay ko habang nililipat ang slides ng mga pictures.






Para akong nabunutan ng tinik. Hindi ko alam ang bagay na ito. Pero bakit naman niya sasabihin sa akin eh may pake lang naman siya sa akin dahil sa bata?






Hindi ko man lang namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Bakit ba ako umiiyak? Eh wala naman akong magagawa kung mas gusto niya si Miriam kaysa sa akin. Bakit ba umasa ako at nag assume na gusto niya rin ako? 





Sobrang bigat ng dibdib ko. Bumibigat sa sama ng loob. Bumuntong hininga ako. Hindi dapat ako mag tanim ng sama ng loob kay Dante kasi baka lumabas ang baby ko na puno nang sama ng loob. 



Excited na akong lumabas ang baby ko. Kahit pa may kalahati sa akin ang natatakot na maging ina sa kaniya kasi baka magaya ako kay Mommy. 





Pakiramdam ko wala akong puwang sa mundong ito, parang wala akong lugar sa kanila dahil sa pag-trato nila sa akin. Mahirap para sa akin ang mahusgahan, dahil sa mura kong edad nagkaanak ako. At ang maisip na muntik na akong maging kabit ni Dante ang pinaka mahirap para sa akin na tanggapin. 





Minsan naiisip ko na siguro malas talaga ako sa pag-ibig. Parang wala akong karapatang sumaya. Pero sa tuwing kasama ko si Dante, pakiramdam ko ako ang pinaka suwerte sa mundo. Kahit pa siya ang dahilan kaya nagkalayo kami ni Mommy. Pero siya naman ang taong nag paramdam sa akin na hindi ako nag-iisa kahit pa minsan hindi ko talaga naiintindihan ang tunay na nararamdaman niya. 



Sa kabila ng gulong nararamdaman ko nanatili siya sa tabi ko kahit puro pang-aakusa at panghuhusga lang ang palagi niyang natatanggap mula sa akin. 



Kaya kung sasaya siya kay Miriam ay handa akong ipaubaya siya. Pero hindi ko maipapangako sa sarili ko na tatanggapin kong lubusan iyon. 



Dahil minsan din siyang naging akin. Kahit pa hindi ko siya naipaglaban sa puntong iyan. 





At hindi ko matatanggap na walang amang tumayo sa anak ko. Siguro sa puntong ito tatanggapin ko ang akusa sa akin dati ni Jennyrose na selfish ako kung ipagkakait ko na talaga si Dante kay Miriam. Dahil ama na si Dante. At kahit pa pagbaliktarin pa ang mundo ay may responsibilidad pa rin siyang panagutan ako. 



At hindi ko ipagkakait ang responsibilidad na iyon. At kahit pa anong gawin niya. Ay habang buhay akong tatatak sa memorya niya. 





















Don't forget to vote, comment and share your thoughts my shinecils^^

In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Where stories live. Discover now