Kabanata 17

11 1 0
                                    

Kabanata 17






"Bakit kapa nagtatahi ng gloves ng magiging baby natin kung p'wede naman tayong bumili? At kamay pa ang pinanggagamit mo. Paano na lang kung matusok ka niyan ng karayom? " tanong na panenermon sa akin ni Dante.


Naka sandal siya sa pinto ng terrace. Nilingon ko siya at maliit na nginitian. Bumalik ang tingin ko sa mano-mano kong tahi.

"Huwag kang mag-alala. Magiging masaya kaya si baby kasi ako ang gumawa ng gloves niya. Mararamdaman niya ang init ng kamay ko, ang presensiya ng Mama niya," paliwanag ko habang nagtatahi.


Nilapitan niya ako at pinanuod akong magtahi.


Nakatitig siya sa akin habang nagtatahi ako kaya hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng ilang. Kaya naman tumigil ako sa pagtatahi at hinarap siya para tanungin siya.


"Bakit ka nga pala nandito? Hindi kaba papasok? "




"Wala akong pasok, " sagot niya habang hindi pa rin umiiwas ng tingin.


Nakapangalumbaba siya sa tuhod niya habang nasa gawi ko ang bughaw niyang mga mata na namamanghang nakatingin sa akin. Na parang ako lang ang nag-iisang kayamanang nakikita niya sa dami ng nakapaligid sa kaniya.


Napatango-tango ako. "Ah, okay. Ano naman ginagawa mo dito? " tanong ko sabay kain sa maja ko para maka-iwas sa kaniya.



Kinuha naman ni Dante ang tinidor na pinag gamitan ko sa pagkain ko ng maja. Nagtataka pa ako no'ng una. Pero nang hiwain niya sa mismong tinidor ko ang maja at kinain ay doon na nasagot ang katanungan ko.


Ngumiwi ako. "Nalawayan ko na kaya yan..."



Pinasadahan niya ng dila ang kaniyang labi. "Ah... Kaya pala masarap."

Natigilan ako pero nagulat na lang ako nang hilain ko ang patilya niya. Napaigtad naman siya at napadaing sa sakit. Sumama naman ang tingin ko sa kaniya sa kabila ng pagkabigla sa ginawa ko.


Nakanguso naman niyang hinimas ang kaniyang patilya. "Ang sakit naman nu'n. " mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya dahil sa mapang-asar niyang sagot.


Inangat niya ang dalawa niyang mga kamay na tila sumusuko na. Ngumisi siya. "Sorry na. Ito na nga oh, sumusuko na. "



Nanliit ang tingin ko sa kaniya. Kaya naman napanguso siya. Binaba niya ang mga kamay niyang naka-angat sa ere at humalukipkip.



"Titigil na muna ako sa pag-aaral ko para makapag trabaho. Para na rin hindi na tayo tumira rito. " paliwanag niya at nagpakawala nang tila pagod na buntong-hininga.



Hinawi niya ang buhok na humarang sa kaniyang noo.



Yumuko siya. "Mamimiss kita, " parang batang amin niya at sumimangot ang guwapo nitong mukha sa akin.




Sumikdo naman ang puso ko. Pero ngumiti rin ako sa huli.



"Responsibilidad mo yan, Dante. Kaya tiisin mo ang pagka-miss sa akin. " kinagat ko ang nanginginig kong labi.





Napatitig siya sa akin at biglang natahimik. Kaya naman napawi ang ngiti ko at napatingin sa kaniya.



"Mamimiss mo rin ba ako? " biglang tanong niya para akong malalasing sa bughaw niyang mga mata.



"Oo... " wala sa sariling sagot ko na ikinangiti niya.



Bigla naman akong pinamulahan sa hiya. Parang nawala ako sa sarili dahil sa mga mata niya.



In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon