£10 - sweetheart, what's the reason?

5.3K 62 21
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


✞ £ ✞


"Hmm..."


Bumiling si Ali sa kanyang higa kaya naman nabaling ang tingin ko sa kanya mula sa bakanteng espasyo sa study table ko. He curled up closer to my side, hugging my waist.


Umayos ako ng upo sa tabi niya at pinaglaruan ang kanyang buhok. Tinanaw ko ang orasan sa pader ng aking kwarto at nakitang halos alas-diyes na.


Never nagising nang ganitong oras si Ali kapag nakikitulog siya rito sa akin. Usually, siya ang nagigising nang maaga at ako pa ang tulog nang ganitong oras lalo na kapag walang morning classes o kaya ay weekend.


But today, the roles have changed. Si Ali ang lasing at siyang tulog pa rin. Ako ay hindi masyadong nakatulog sa kakaisip sa nangyari sa aking manika. And also, I was too delighted to get a wink of sleep. I don't even feel tired. I just feel ecstatic looking at the empty space on my study table.


Luck is on my side if my whole plan worked. Pero, hindi naman lahat ng plano ay masusunod hanggang sa pinakamaliit na detalye. I'm still hoping though. Pero sure naman na may epekto ang plano ko na 'to one way or another. We just have to observe carefully on the traces left by the culprit.


Pinagpatuloy ko ang paglalaro sa buhok ni Ali habang malalim ang iniisip at nakangiting parang tanga. Nai-imagine ko na kung sino ang gumawa nito at kung paano ko sila kokomprontahin.


Nasa kanya pa kaya ang gawa ko o sinira na ito o 'di kaya naman ay nabenta na? I'll only know once I find out who it actually is.


Ali's hair tangled around my fingers. Gumalaw muli si Ali kaya pinanood ko ito. Umusad ito at bumiling sa kanyang likod. Bumukas ang kanyang mata pero agad niya ring pinikit 'yun nang madiin kasunod ng pagmasahe ng isang kamay sa noo niya.


I laughed, seeing his state. Nang marinig ang aking tawa, para itong nabalik sa reyalidad at agad akong tiningala mula sa pagkakahiga niya.


"Are you awake now?" tanong ko habang patuloy na pinaglalaruan ang buhok niya.


Dumaan ang maraming emosyon sa mukha niya. Galak ang una bago ito nabalutan ng pangamba. Tapos nagkaroon ng guilty-expression ang mukha niya. Tapos sumunod naman ang pagtataka then ang lungkot bago bumalik sa saya na laging ekspresyon niya kapag kasama ako.

sweetheart, where's my reward?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon