£18 - sweetheart, we'll get through this

4.2K 53 24
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


✞ £ ✞


"Ano kayang nangyari?"


Napasulyap ako sa dalawang babaeng malapit sa amin na nakikiusosyo rito sa harap ng dorm building ng department namin. Nagbubulungan ang dalawang ka-department ko tungkol sa mga spekulasyon nila kung bakit may ambulansya at mga pulis sa school ngayon.


Dumaan ang ambulansya sa harap ng department namin. Kasunod nito ang ilang sasakyang may logo ng paaralan. Sinundan ng tingin ng lahat ng nasa labas ang sasakyang dumeretso hanggang sa makalabas ito ng gate.


"Go back to your dorms, students!" utos ng isang propesor namin at tinaboy na kami papunta sa loob ng aming dorm.


Inakbayan ako ni Ali na nasa tabi ko at nakikitanaw rin sa mga dumaan na sasakyan. Nang dumating ang propesor na pinababalik na kami, natuon dito ang pansin niya.


"Let's go," aya niya sa akin.


Tumango naman ako at hinayaan na siyang hapitin ako pabalik sa dorm room ko.


It didn't take too much time before the ambulance arrived. May kasama pa itong mga pulis. Simula ng marinig ang sirena ng mga sasakyan na dumaan sa main road ng school na nasa gitna at kita ng mga department, nagsilabasan na ang lahat para makibalita at malaman ang nangyayari.


Dahil curious kami ni Ali, bumaba kami. Pero ang nakapagpababa talaga sa amin ay ang suhestyon ko na umarteng wala talaga kaming alam. And by going down to hear gossips, we'll look more innocent and we won't be suspected that we were also there in the forest.


Nang makabalik kami sa dorm ko ay tahimik lang kaming pumasok. Dumeretso kami sa living room at magkatabing umupo sa couch. I rested my head against Ali's shoulder while he rested his head against mine.


"We should get some sleep," he said.


I blinked to test my sleepiness. "I don't think I can sleep."


"But we have to." Inabot nito ang kamay ko at hinawakan. He intertwined our fingers, our palms perfectly fitting one another.


I took in a breath. "Let's just eat first."


sweetheart, where's my reward?Where stories live. Discover now