£14 - sweetheart, what the fuck?

5.2K 57 27
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


✞ £ ✞


"Kanina pa kita tinatawagan."


Hinahabol ko ang hininga ko nang huminto ako ng takbo sa harap ni Nurse Luna. Humawak pa ako sa tuhod ko at napayuko habang ang malalamig na pawis na namuo sa noo ko kanina ay tumulo pababa papunta sa sahig.


"Sorry, I left my phone in my room. May inasikaso ako," hinihingal kong sagot.


Naramdaman kong may humimas sa likod ko kaya umangat ang tingin ko kay Ali na tumakbo rin kaso siya ay hindi ganoon kapagod. His face is worried as his eyes roamed on me to check my state. I gave him a smile before standing up straight.


Humugot ako ng malalim na hininga at binalik ang tingin sa head nurse na kumakalinga sa aking mga magulang. "Ayos na si Mama?"


She glanced at the hospital room behind her before heaving a sigh. Sa hinga palang na 'yun ay nababakas ko na ang pagod niya.


"Stable na siya ngayon ngayon lang," sagot niya at napunta ang tingin sa akin. "Tinawagan kita ulit kasi hindi ka sumagot kanina. Mukhang busy ka kaya nagpalipas pa ako ng ilang oras. Inasikaso ko rin kasi ang Papa mo na nag-panic."


Mabilis at paulit-ulit akong tumango. "Thank you."


Ang mabilis na pagtibok ng puso ko na nagiging sanhi ng sakit sa dibdib ko ay unti unting humupa dahil sa narinig. Nakahinga na rin ako nang maluwag. Akala ko ako na ang mapuputulan ng hininga sa pagtakbo na ginawa ko mula sa dorm ko palabas ng malaking campus ng school. Magkahalong panic at pagod ang naramdaman ko sa haba ng tinakbo ko pero hindi naging alintana sa akin 'yun.


"You can go to their room later. Hindi nga lang ngayon," ani Nurse Luna. "I'll be back to check on them. May aasikasuhin lang ako."


"Okay. Thanks again."


Bahagya akong yumuko bilang respeto sa kanya bago ito umalis. Nang makalayo na siya, pumikit ako at napamura.


"Fuck..." I whispered under my breath like a deep sigh.


"It's going to be alright." Tinapik muli ni Ali ang balikat ko. "They're fine now."


Dumilat ako at nilingon siya. He has a small smile on his lips even though I can still see him being worried.

sweetheart, where's my reward?Where stories live. Discover now