part 4

1.5K 48 1
                                    

Freen’s POV

Nagulat ako sa sumunod na nangyari habang pilit kong tinatanggal ang seatbelt ni Becky. I was leaning on top of her and our lips binds. We stayed in that position for a few seconds because we were shocked. Ako na ang unang tumayo, sakto ding natanggal ko na ang seatbelt niya. Gago ano ba tong nangyari. Bumaba na siya sa sasakyan ko.

“ahm… ah.. ehh. Ano.. hmmm thank you sa paghatid” halata sa boses niya na nahihiya siya sa nangyari.

“oh, ah ahm wala yun, and sorry sa nangyari” sagot ko.

“sige goodnight” nagpaalam na ako dahil sobrang awkward ng nangyari.

"Gago Freen, anong nangyari?! Pano ko kaya siya haharapin bukas. Sobrang awkward nito bukas. Aghhh. Bahala na" I mumbled to myself as I was driving.

Next morning

Becky’s POV

Nandito na ako sa office. Sobrang aga ko kasi hindi ako nakatulog dahil naaalala ko yung nangyari kagabi. At habggang ngayon ay pauli ulit na nagflaflashback sa isip ko yung kiss kagabi. Shocks pano ko kaya haharapin si Freen mamaya. It's gonna be so awkward. But, hindi naman sadya yun eh, no one wants that to happen, neither him nor I. Habang nagooverthink ako maya maya lang ay nagsidatingan na ang mga office mates ko.

“oy fren napaaga ka yata?” tanong ni Irin

“ah oo may mga need pa kasing tapusin, kahit na kakatapos lang ng event natin” sagot ko dito.

“malapit na mag 8 ala pa rin ang bebe mo” pang aasar nito sakin.

“sira! Bebe ka jan.” pagkasagot ko sakanya ay biglang dumating si Freenie. Biglang nagflashback sakin yung kagabi. Nabalik lang ako sa reality ng magsalita siya.

“good morning Becky” nakangiti nitong sabi.

“ah good morning din Freenie” ganti kong bati.

That whole morning sinubsob ko ang sarili ko sa work dahil nao-awkward talaga ako sa nangyari kagabi. Yes, we’re close na pero that one was unexpected. Ok lang sana if may gusto kami sa isa’t isa, pero wala. We’re just friends. Nung lunch time na ay mauuna n asana akong pumunta sa cafeteria ngunit bigla akong hinila ni Freenie hanggang sa makarating kami sa parking lot at sinakay niya ako sa kotse niya. Pumunta kami sa isang restaurant dahil ang sabi niya ay ililibre niya daw ako.

At the resto

Habang kumakain kami ay nagsalita siya.

“ah Becky, pwede bang humingi ng favor sayo?” hmm bago to ah, ngayon lang siya manghihingi ng pabor sakin.

“sige, kung kaya ko why not” tugon ko sakanya.

“pwede ka bang magpretend na nililigawan ko?” napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya at napatayo ako.

“what?!” dahil nga napatayo ako ay hinila niya ang kamay ko para paupuin ako. “Freenie humingi ka na lang ng ibang pabor, hindi ko kaya yang gusto mo” sagot ko.

“please Becky, hindi naman totoo eh. Kunwari lang. ayaw kasi akong tigilan nung ex-girlfriend ko. Eh kagabi sinabi ko sakanya na may someone na ako, and hindi ko alam kung sino ang ipapakilala ko” halata sa mukha niyang desperado na talaga siya.

“Freenie as much as I want to help you, pero ayokong magpanggap na nililigawan mo. Diba may friends ka namang girls sila Nam at Kade, oh sila na lang” sagot ko.

“lalong hindi ako titigilan ni Chloe kung isa kina Nam at Kade ang ipapakilala ko sakanya, dahil alam niyang parang kapatid lang ang turing ko dun sa dalawang yun. Please Becky help me. Please” saad nito with paawa effect sa face.

LOVE IN MISTAKEWhere stories live. Discover now