part 18

1.5K 41 1
                                    

Many months later

Becky's POV

It's sunday today so it's family day. Pupunta kami ngayon sa park. Naging gawain na namin ito ni Freenie, na every sunday ay igagala namin si Sky. Kahit na sobrang busy namin sa office pareho we always make sure na free kami lagi ng sunday, oh and by the way nakabalik na pala ako sa office dahil pinilit ko si Freenie buti at pinagbigyan niya ako.

"Ready na ba ang Sky ko?" tanong ko sa yaya niya.

"Opo maam. Nabihisan ko na po siya saka eto po yun mga gamit niya, nanjan na po lahat ng kailangan niya" sagot naman nito

"Okay sige yaya. Magpahinga ka na lang muna today dahil alam kong pagod ka sa kakulitan ni Sky" sambit ko dito.

"Sige po maam salamat po. Enjoy po kayo" tugon niya. Pumasok naman si Freenie sa kwarto ni Sky

"Ano ready na ba kayo?" tanong niya

"Yes daddy. Eto buhatin mo na gamit ni Sky, ako na magbubuhat sakanya" inaabot ko sakanya ang bag ni Sky ngunit dumiretso siya sa loob at kinuha si Sky.

"Ano ka? Si Sky ang bubuhatin ko diba my baby boy, hmmm" at pinanggigilan nanaman niya ang anak namin. Masasabi kong close silang dalawa dahil every night kapag uuwi kami galing office ay kay Freenie agad ito pumupunta.

"Oh edi kayo nang mag ama. Tara na nga" saad ko at bumaba na kami. Nakita naman namin sila mommy at daddy sa sala at nanonood.

"Mom, Dad alis po muna kami. Igagala lang po namin si Sky" paalam ni Freenie

"Osige mag iingat kayo ha, yung apo ko ingatan niyong mabuti" paalala naman ni daddy samin

"Ingat kayo mga anak. Si Sky ha, wag masyadong ibibilad sa araw, saka wag niyong hahayaang pagpawisan, magbaon kayo ng madaming damit niya" paalala din ni mommy. Akala mo ay sila ang parents ni Sky kung magpaalala sila. Basta tungkol kay Sky ay hindi na nagdadalawang isip na umoo ang dalawang matanda. Bakit nga naman hindi eh kaisa isa nilang apo and lalaki pa.

"Mauna na po kami mommy, daddy" paalam ko din sakanila and lumabas na kami ng bahay. Nilagay ni Freenie si Sky sa may backseat sakanyang carseat. Sumakay na din ako. And umalis na kami at nagtungo sa park.

Pagdating namin sa park ay madaming tao, hindi na nakakapagtaka dahil sunday ngayon. Humanap kami ng malilim na pwesto at sinet up na namin ang mga dala namin.

"Ah mommy naglagay ka ba ng kutsara't tinidor?" tanong niya sakin nung nilabas na niya ang mga baon namin.

"Bakit? Wala bang nakalagay jan?" tanong ko din

"Wala eh, teka bibili lang ako" sambit niya

"Ako na lang daddy, magccr din kasi ako eh" pagpresinta ko

"Hmm sige" tugon niya then umalis nako.

Freen's POV

Pag alis ni Becky ay binuhat ko si Sky mula sa kanyang stroller at nilapag siya sa may damuhan para alalayang humakbang. Dahil kaya na nitong humakbang pero kailangan pa ring alalayan.

"Yown ang galing naman talaga ng baby boy ko na yan!" pagpupuri ko sakanya. Mahigit sampung minuto ko siyang pinaglakad lakad, pagkatapos ay umupo na kami sa mat at pinapakain ko siya nang baon niya mansanas.

After ng halos bente minutos ay wala pa rin si Becky.

"Nasan na kaya yun? Siguro naflush na yun sa toilet?" sambit ko sa sarili. Bigla na lang umiyak si Sky at gusto nitong magpakarga. Kayat binuhat ko ito at pinatong sa may balikat ko. Tuwang tuwa ang anak ko habang naglalakad lakad kami.

LOVE IN MISTAKEWhere stories live. Discover now