part 29

763 34 1
                                    

Freen's POV

Nandito ako ngayon sa balcony kasama ang tatlong chikiting pati na rin ang mga yaya nila dahil pinapaarawan namin sila Uno, Jiro, at Thirdy. Si Becky naman ay mahimbing pa ang tulog kagabi dahil nagkapuyatan kami dahil sa triplets. Aba nagsiiyakan kagabi nagugutom ayaw sa bote gusto kay mommy, mga anak naman magtira kayo ng para kay daddy.

"Sir ok na po, pwede na natin sila ipasok" saad ni yaya bang saakin.

Kayat pinasok na namin ang tatlo sa kanilang kwarto. Ako naman ay babalik muna sa kwarto namin ni Becky. Nang bubuksan ko na ang pinto ay biglang may nareceive akong text galing sa private investigator. Kayat nagpunta muna ako sa study room ko upang basahain ang mga nakalap niyang impormasyon tungkol kay Belinda.

Pagpasok ko sa study room agad kong binuksan ang computer ko at isinend doon ang file at inopen ito. Habang nagbabasa ako ay nadaanan ko ang isang family picture, kung saan mayroong dalawang lalaki na magkamukhang magkamukha at parehong may hawak na bata. Nang titigan ko itong mabuti ay namukhaan kong si Becky yung bata, dahil nga rin sa magkamukha sila ay hindi ko alam kung sino sa dalawang bata si Becky at Belinda.

"Namatay ang tatay ni Belinda sa isang aksidente? Parang yung cause of death lang din ng mga magulang ni Becky ah. Tapos ang nanay naman ni Belinda ay nakulong 8 years ago dahil sa pagbebenta ng bawal na gamot." patuloy ko lang binabasa ang mga impormasyon tungkol kay Belinda.

Nang mapadpad ako sa impormasyon tungkol sa tatay niya ay dun ko nakumpirma na ang tatay ni Becky at tatay ni Belinda ay magkapatid. At hindi lang basta magkapatid, kambal ang mga ito.

Pagkatapos kong basahin ang lahat ng impormasyon ay mayroong teoryang nabuo sa isip ko tungkol sa aksidenteng ikinamatay ng parents ni Becky. Sa parehong araw at parehong lugar nangyari ang aksidente na ikinamatay din ng papa ni Belinda.

Tinawagan ko ang private investigator para mangalap pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa aksidente at kay Belinda.

"Kailangan kong makausap si Becky tungkol sa pinsan niya. Kahit naman anong mangyari pinsan pa rin niya ito" sambit ko sa sarili.

Mamayang hapon ko siya kakausapin. Dahil baka kapag kinausap ko siya ngayong umaga eh baka masira ang buong araw niya.

Fastforward

It's 4 in the afternoon at napagpasyahan kong kakausapin ko na si Becky about kay Belinda. Dahil kahit na anong mangyari ay kapamilya niya pa rin ito. Nandito ako ngayon sa study room ko kayat tinext ko siya na pumasok dito.

"Babe come here sa study room. We need to talk about something important." I messaged her.

Maya maya lamang ay nandito na siya. Sinalubong ko naman siya at pinaupo sa couch then kinuha ko sa table ang folder na naglalaman ng impormasyon tungkol kay Belinda.

"Anong pag uusapan natin babe?" tanong niya.

"Ahm babe remember when I asked you about your relatives?" i started.

"Yeah babe, why?" she asked

I reached out the information about her father and its twin, and gave it Becky. I can see from her reaction na nagulat siya sa nalaman niya.

"I didn't know na may kakambal si papa, kasi hindi naman siya nagkukwento about sa family niya" sambit ni Becky.

"Do you also remember nung nanganak ka, when I went to fix the bills and when I came back I asked you if you leave your room?" i asked her again.

"Oo babe, nambabae ka ata nung time na yun eh" pabiro nito.

"Babe, this is not the time for a joke" saad ko

LOVE IN MISTAKEWhere stories live. Discover now