part 8

1.8K 53 4
                                    


Monday morning

Author's POV

Naunang nagising si Becky para maligo. Habang si Freen naman ay tulog na tulog pa rin. Dahil pagod itong naghakot ng mga gamit ni Becky. Pagkatapos maligo at magbihis ni Becky ay ginising na niya si Freen.

"Freenie, hey Freenie. Gising na. 6:30 maligo ka na" ani becky. Gumising naman si Freen at nagdirediretso sa banyo.

Habang nagbloblower ng buhok si Becky ay parang babaliktad ang sikmura niya. Kayat tumakbo siya banyo habang tinatakpan ang bibig. Pero isang pagkakamali ang pagpasok niya sa banyo dahil kasalukuyang naliligo si Freen. Nang mailabas na niya ang lahat ay bigla siya napaharap kay Freen na tinitignan siya. At muli niya nanamang nakita ang hindi dapat makita.

"Liked the view?" tanong ni Freen na nagpabalik kay Becky sa ulirat.

Namumula si Becky na tumakbo palabas ng banyo.

"Hoy! Wag ka ngang tatakbo baka madulas ka!" sigaw ni Freen

"Bat ba kasi di ka marunong maglock?" tanong din ni Becky

"Malay ko bang papasukin mo ko" pang aasar ni Freen

Hindi na sumagot ai Becky. At pinagpatuloy na lang ang pagbloblower ng buhok. After a while ay lumabas na si Freen na nakatapis lang. Ngunit di na ito pinansin ni Becky. Pagkatapos magbihis ni Freen ay lumabas na sila para mag agahan. Naroon na ang parents ni Freen na kumakain.

"Good morning mom, dad" - Freen

"Good morning po mommy, daddy" - Becky

"Good morning mga anak" - Hera

"Freen, this is your first day as a vice president. Act like one" saad ng daddy ni Freen

"Yes dad" sagot naman ni Freen

"Oh and I want you guys to know that I already arranged a wedding coordinator. We need to rush the wedding, hindi naman pwedeng malaki na ang tiyan ni Patricia tapos dun kayo magpapakasal" ani Hera

"Anything you want mom. Sabihan mo na lang kami kung kelan" tugon ni Freen

"The wedding is in two weeks. No need for the two of you to be absent on your works. I'll be the one handling it." nagulat ang dalawa dahil sa sinabi ni Hera.

"Hindi naman halatang excited ka Honey" saad naman ni Helios sa asawa.

Pagkatapos kumain ni Freen ay tumayo na ito agad at akmang aalis na ngunit pinigilan siya ni Hera.

"Hindi mo man lang hihintayin si Patricia?" ani Hera at agad namang bumalik si Freen sa upuan at hinintay matapos kumain si Becky.

"Tara na tapos na ako kumain" binilisan na ni Becky ang kumain para makapasok na sila sa office.

"Patricia anak, if you need something just tell Freen, okay?" pahabol ni Hera kay Becky.

"Opo mommy" sagot naman nito.

"At ikaw magaling na bata. Kung anong gusto ni Patricia o kung anong ipapabili niya bilhin mo. Ayokong malaman na tinatanggihan mo ang mga hiling niya. I have my eyes on the front, and I have my eyes in the back. Watching you." pagpapaalala naman ni Hera kay Freen.

"Opo heneral" tugon nito sa ina at umalis na sila ni Becky.

Becky's POV

At the office

Pagdating namin sa basement parking ay agad akong bumaba at nauna nang pumunta sa elevator. Saktong pagtapat ko ay bumukas na ito kayat sumakay na ako. Nang pasarado na ito ay patakbong pumasok si Freen. Well wala kaming imikan mula pa nung gabing natulog na ako sa bahay nila. Nauna ang floor ko kayat lumabas na ako ng elevator, naiwan naman siya dahil sa sa 12th floor ang office ng Vice President at sakun naman ay 8th floor.

LOVE IN MISTAKEWhere stories live. Discover now