part 26

1K 42 1
                                    

Author's POV

"Babe, magpaCS ka na lang kaya. Ahhh aray ko! Aray ko po!!" sambit ni Freen habang hawak ni Becky ang buhok niya. Hinila naman ni Becky si Freen palapit sakanya.

"Anong CS ang sinasabi mo?! Eh kung ikaw kaya ipaCS ko ha?!" sigaw ni Becky sa tapat ng tenga ni Freen

"Nagbibiro lang naman ako babe. Aray aray aray! Wag na kasi sa buhok humawak masakit na anit ko. Aray! Dito ka na lang humawak sa braso ko" binitawan naman ni Becky ang buhok ni Freen at humawak sa braso ni Freen.

"Okay mommy you're ready to push. 1, 2, 3. Push" pagkasabi ng midwife ay nag umpisa nang umire si Becky.

"AHHHHHHHH!! Babe! Aray ko!" sigaw ni Freen sapagkat nakagat ni Becky ang braso nito na kanina pa niya hawak.

Makalipas ang mahigit isang oras na pag ire, pagsigaw, at pagkagat ni Becky sa braso ni Freen ay successful nitong nailabas ang kanyang mga anak. Dahil na rin sa sobrang pagod ay nawalan na nang malay si Becky matapos niyang mailabas ang ikatlo niyang ipinagbubuntis.

Kasalukuyan nang nasa private room niya si Becky. Natutulog ito, maski na rin si Freen ay mahimbing ang tulog na nakahiga sa couch. Naalimpungatan si Becky nang pumasok ang mga kaibigan nila.

"Hi Patricia, congrats!" bungad na bati ni Nam

"Fren, grabe congrats!" sambit ni Irin at sabay yakap sa kaibigan.

"Congrats Patricia girl!" - Kade

"Congrats Patricia. Buti kinaya mo yung tatlo" - Noey

"Congrats Pat. Nga pala nasan si Freen?" saad ni Heng

"Ayun oh tulog na tulog. Akala mo siya ang napagod umire" sambit ni Becky sabay turo kay Freen na natutulog sa couch.

"Hay nako, paanong di mapapagod yan eh nung umalis kayo sa opisina eh hawak hawak mo siya sa buhok. Tawang tawa nga mga empleyado ni Freen. Kasi ang angas angas daw niya sa company, pero pagdating kay Pat eh tiklop siya" saad ni Irin at nagsitawanan silang lahat.

Habang nagkukwentuhan sila ay may kumatok sa pinto. Agad naman itong pinagbuksan ni Heng, dahil siya ang pinakamalapit sa pinto.

"Oh heto na pala ang mga baby eh" sambit ni Heng. Nagsigawan naman sila Irin, Nam, at Kade kayat biglang nagising si Freen.

"Ha! Ano!? Ano!?" sambit ni Freen dahil sa pagkagulat.

"Oa naman Freen. Anjan na mga anak mo" saad ni Nam.

Agad namang ipinasok ng tatlong nurse ang mga bata na nakalagay pa sa kanikanilang crib.

"Wait, bakit puro blue?" takang tanong ni Irin.

"Ano pa nga ba? Edi tatlong Freenie nanaman" sagot ni Becky

"Walang nakalusot kahit isang babae?" malungkot na tanong ni Nam.

"Syempre di ko pa nabubuo ang basketball team ko kaya wala pang muse" sagot naman ni Freen na lumapit agad sa mga anak niya.

"Hoy! Tama na yan. Akala mo ata eh madali lang umire. Ginagawa mo naman akong baboy" reklamo ni Becky.

"Pwede naman ako ang muse sa basketball team niyo no" singit ni Kade

"Nako, kung ikaw lang din. Wag na lang" pang aasar ni Noey

"Magtigil nga kayo. Syempre si Becky ang muse namin" sambit ni Freen, sabay lapit kay Becky at hinalikan ito sa noo.

"Teka. May ipapangalan na ba kayo sa mga anak niyo?" tanong ni Noey

LOVE IN MISTAKEWhere stories live. Discover now