part 25

1.6K 56 14
                                    

Author's POV

Nag aagahan na si Freen para makapasok na sa office upang magbilin sa kanyang mga staff. Habang umiinom siya nang kape ay bigla niyang narinig si Becky na sumigaw, dahil dito ay natapon ni Freen ang kape sa legs niya

"AAHHHHHHHHH! FREENIEEEEE!!" sigaw ni Becky sa taas ng kwarto.

"Eto na eto na. Aray hoo hoo ang init" saad niya habang tumatakbo patungo sa kwarto nila.

"FREENIEEEEE!" sigaw muli nito.

Pagpasok ni Freen sa kwarto ay nadatnan niyang nakatayo si Becky, nakacross arms at salubong ang kilay.

"Bat ang tagal mo?" tanong nito

"Sorry nag aagahan kasi ako, eto oh natapunan pa nga ako nang kape nung narinig kong sumigaw ka. Akala ko naman manganganak ka na" sagot nito

"Bat wala ka sa tabi ko paggising ko?" salubong pa rin ang kilay nito. Lumapit naman si Freen at pinaupo ito sa couch, lumuhod naman si Freen sa harap nito.

"Nag aagahan lang ako babe. Mahimbing kasi ang tulog mo kaya di muna kita ginising. Saka pupunta ako saglit sa office para magbilin lang sa secretary ko" paliwanag naman ni Freen

"Sama ako" sambit ni Becky.

"Babe dito ka na lang sa bahay. Baka mapagod ka lang kapag sumama ka pa sakin. Ayaw kong napapagod kayo ni baby" sumimangot na lamang si Becky at nag iwas nang tingin kay Freen. "Okay, okay. Let's go na. Isama na rin natin si Sky para makagala siya" saad pa ni Freen.

"Bihis lang ako. Sabihin mo na rin kay yaya na bihisan na si Sky. Saka ikaw na rin, tignan mo nga yang slacks mo ang dumi. Para kang bata" sambit ni Becky at dumiretso na sa banyo para magbihis. Lumabas na rin si Freen para puntahan ang anak.

Pagpasok niya ay agad siyang sinalubong ni Sky, at nagpabuhat ito. Agad din naman niyang binuhat ang anak.

"Ya pakibihisan po si Sky, sasama po kayo samin ni Becky" saad ni Freen sa yaya

"Nagpumilit nanaman po bang sumama si Maam?" nakangiting sambit ng yaya

"Nako, alam mo naman ang Maam Becky mo, hindi mapakali kapag di ako nakikita. O siya sige magready na kayo ni Sky" utos nito

"Sige po sir. Sky halika na bihis na tayo. Gagala ang baby na yan" kinuha naman ng yaya si Sky mula sa daddy nito.

Pag alis ni Freen ay nagready na rin si yaya at Sky. Dahil sobrang malapit si Sky sakanyang yaya ay talagang dito na rin natutulog ang yaya niya, maski gamit nito ay nasa kwarto na rin ni Sky. Napagdesisyunan nila Becky at Freen ito upang hindi mahirapan ang yaya ng anak nila.

Si Freen naman ay bumalik na sa kwarto nila at nagbihis muli. Pagpasok niya sa banyo ay nadatnan niyang nahihirapan si Becky na ibuckle ang bra nito. Kaya't agad itong lumapit upang tulungan ito.

"There" saad ni Freen pagkabuckle niya ng bra ni Becky.

"Thanks babe" sambit ni Becky sabay ngiti kay Freen. Isinuot na ni Becky ang dress niya at lumabas ng banyo, nagpalit na rin ng damit si Freen. Paglabas nito ng banyo ay naghihintay na si Becky sakanya.

"Let's go babe" aya ni Freen kay Becky. Inalalayan niya itong makatayo dahil sa laki ng tiyan nito. "Sure ka babe di ka mahihirapan look oh bigat bigat niyang trio natin" pag aalala ni Freen

(Author: yes you've read it right. Trio. As in triplets😁)

~Flashback~

Becky's POV

LOVE IN MISTAKEWhere stories live. Discover now