part 30

784 34 2
                                    

Freen's POV

Nakahiga na kami ngayon ni Becky at ready na matulog. Alam kong excited at kinakabahan siya for tomorrow. Dahil first time niyang mamimeet ang isa sa mga relative niya.

"Babe, do you think magkakasundo kami ni Belinda?" tanong ni Becky sakin habang nakayakap siya.

"Oo naman babe. Pareho nga kayong maangas eh. Hindi maipagkakaila na magpinsan kayo" sambit ko sakanya

"Really babe?" aniya

"Yes babe. Kaya magrelax ka lang at magmimeet na kayo bukas" sambit ko

"Hmm okay babe, goodnight" saad niya

"Goodnight babe I love you" sambit ko sakanya sabay halik sa noo "no I love you too?" dugtong ko nung wala akong marinig na response.

Nang wala talaga akong narinig na response galing sakanya ay tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin at tinanggal ko din ang ulo niyang nakaunan sa braso ko sabay talikod sakanya. Kunwari magtatampo tayo. Naramdaman kong bumangon siya at pilit akong pinapaharap sakanya.

"Hey babe ito naman di mabiro. I love you babe. I love you" okay akala ko kaya ko siyang tiisin pero hindi pala.

Dahan dahan akong humarap sakanya at nagulat ako ng bigla siyang maglean saakin at hinalikan niya ako sa labi. I was shocked at first pero syempre dapat maangas tayo kaya hinawakan ko siya sa batok to deepen the kiss. Unti unti kong pinapasok ang kamay ko sa damit niya nang bigla niyang pinutol ang halik.

"That's enough. Kiss lang ang maibibigay ko sayo" sambit niya at humiga na. Kinuha niya na ang braso ko at ginawa itong una at yumakap na. Papakipot pa ba ako eh nakakuha na ako ng kiss, kayat niyakap ko na din siya at natulog na kami.

Morning

Becky's POV

Hi guys! You missed my POV no. Well heto ako nagreready na dahil any minute ay dadating na ang pinsan kong si Belinda. After so many years ay may mamimeet na rin akong relative ko. Hindi ko kasi sila kilala. Hindi naman makwento si papa about sa family niya. Ang tanging nakwento niya lang is yung reason why left them.

"Babe are you ready? Malapit na daw sila sabi ni Mike" biglang pumasok si Freenie sa kwarto

"Yes babe. Tara na sa baba" saad ko at bumaba na kami.

Naghihintay kami sa labas, at maya maya nga lang ay dumating na ang kotse na dinadrive ni Mike upang sunduin ang pinsan kong si Belinda. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko ngayon.

Unang bumaba si Mike at pinagbuksan niya nang pinto si Belinda. Pagkakita sakin ni Belinda ay gulat na gulat siya. Well pati rin naman ako nagulat sa pagkakamukha namin.

"Ow my pakengshet, totoo ba to?" saad niya sabay takip sa bibig "Putek akala ko nagbibiro lang tong driver niyo kanina. Ngayon naniniwala na ako" sambit ni Belinda.

"Ahm tara pasok ka sa bahay namin" pag imbita ko sakanya

"Mayaman pala tong pinsan ko, sana all naman. Ang gara nang bahay niyo ah" pagpupuri niya sa bahay namin.

"Hindi naman ako ang mayaman, ang family nitong asawa ko" tugon ko sa papuri niya "upo ka muna dito sa couch, ireready ko lang yung snacks" sambit ko

"Mommy!" narinig ko si Sky na tinawag ako, pero ang nakakatuwa ay kay Belinda siya pumunta kayat nagulat ito.

"Uy uy uy single ako, wala akong anak. Di ako nanay mo bata" saaad ni Belinda na gulat na gulat ng lumapit sakanya si Sky.

LOVE IN MISTAKEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें