part 22

1.2K 39 3
                                    

Author's POV

Ngayong araw ang paglipat nila Freenie sa kanilang bahay. Kasabay nito ay ang pablessing nila dito.

"Daddy ready na ba ang lahat sa bahay natin? Baka mamaya may mga kulang pa. Tumawag na sila Heng at sinusundo na lang niya sina Nam." tanong ni Becky kay Freen.

"Oo ready na. Syempre ako nag asikaso nun eh. Saka galing ako dun kahapon" ani naman ni Freen

"Sige titignan ko lang if ready na si Sky" paalam nito

"Sige babe" sagot naman ni Freen.

Lumabas na si Becky sa kwarto nila at nagtungo sa kwarto ni Sky.

"Hello my Sky. You're ready hmmm?" binuhat niya si Sky at hinalikan sa pisngi

"Ah ready na po Maam. Yung gamit po ni Sky eh nasa van na po" sambit ng yaya ni Sky.

"Eh yung mga gamit mo? Nailagay mo na ba sa van?" tanong naman ni Becky sa yaya.

"Opo maam. Pinakiusap ko na po kay Mike" sagot nito

"Okay sige. Baba na tayo" saad niya at binuhat si Sky and kinuha naman ng yaya ni Sky ang bag ng bata. Saktong paglabas nila ay naghihintay na rin si Freen sakanila.

"Akin na si Sky babe, ako na magbubuhat sakanya" agad namang inaabot ni Becky ang anak nila at bumaba na sila.

"Mom, dad tara na po. Baka mamaya mauna pa sila Heng dun sa bahay" pag aaya ni Freen sa magulang niya.

Magkakasama sa sasakyan sila Freen, Becky, Sky, at ang yaya nito. Habang sila Helios at Hera naman ay nasa sarili nilang sasakyan. At ang mga gamit nila Freen ay nasa isang van.

After ng isang oras na biyahe ay narating na nila Freen ang kanilang bagong bahay. Nakaready na ang lahat at ang ibang bisita ay naghihintay na rin. Maya maya lang din ay dumating na rin ang mga kaibigan nila.

"Pre ready na ba for later?" tanong ni Freen kay Heng

"Oo pre wag kang mag alala. Okay na ang lahat. Wag ka lang kakabahan" sagot naman ni Heng.

Nag umpisa na ang blessing nang bahay nila. Simple lang din ang handaan dahil family at friends lang ang invited.

"Ngayon naman ay magpalaro na tayo. Pinoy Henyo. Pick your partners at kung mahulaan niyo ito in within 2 minutes ay may premyo" paliwanag naman ni Nam na nagsilbing host sa ginawang blessing ng bahay nila Freen at Becky.

Agad naman nagsipalista ang mga kalahok. Unang sumalang si Noey at Irin. Naupo na sila sa upuan at si Noey ang manghuhula ng word.

"Oh galingan mo ha, kung hindi sa labas ka matutulog mamaya" pananakot ni Irin kay Noey.

"Opo master" sagot naman ni Noey. At nag umpisa na rin ang timer nila. Walang humpay sa katatawa ang mga nanonood dahil kahit malapit na ang mga binabanggit na word na Noey sa kailangan niyang hulaan ay di niya pa rin ito makuha. Hanggang sa maubusan na sila nang oras.

"Ano ka ba, yan lang di mo makuha. Ayan ohh napkin. Di ka ba gumagamit niyan?" nagsitawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Irin.

Hanggang natapos ang lahat ng mga sumali at naibigay na ang lahat ng premyo nila.

"Bago po matapos ang lahat ay meron po ang inihandang magandang presentation. Let's go near the beach" sambit ni Freen.

"Huh? Anong presentation yan? Bat diko alam yan?" sunod sunod na tanong ni Becky.

LOVE IN MISTAKEWhere stories live. Discover now