part 21

1.2K 34 1
                                    

Becky's POV

Pagdating namin sa pinangyarihan ng aksidente ay maraming tao ang nagkukumpulan. May mga pulis at ambulansya rin na narito pati na rin ang mga bumbero.

Pinilit kong isiniksik ang katawan ko para makapunta sa pinakaharap.

"Excuse me! Excuse me po padaan ho! Asawa ko po yung naaksidente! Padaan ho!" Sigaw ko habang sinisiksik ang katawan ko sa kumpulan ng mga tao.

Ilang sandali lang ay nakarating ako sa pinakaharap at napaiyaka na lamang sa aking nadatnan. Nag uunahang bumagsak ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan.

Dali dali akong tumakbo papalapit kay Freenie na kasalukuyang nasa loob ng sasakyan at pilit na tinatanggal. Ngunit hinarang ako ng mga pulis.

"Maam, bawal po kayo dito" pagpipigil nila saakin.

"Sir asawa ko po yung nasa loob ng kotse" paliwanag ko.

"Dito na lang po muna kayo maam. Ayos naman po si sir. Medyo nahihirapan lang po kaming buksan ang pinto ng sasakyan niya." aniya at kumalma na lang ako at hinintay na mailabas nila si Freenie sa sasakyan.

Nung makalabas ang asawa ko ay mabilis akong tumakbo papunta sakanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Babe you shouldn't be running like that. Baka kung anong mangyari sainyo ni baby" sambit niya.

"Ikaw! Pinag alala mo ako ng husto. Akala ko kung ano nang nangyari sayo" saad ko at patuloy pa rin ako sa pag iyak.

"Shhh wag ka nang umiyak. Okay lang ako hmm. Hindi ako nasaktan. I'm fine. I'm sorry na if I made you worry" he explained.

Lumapit samin ang isang pulis at mayroong tinanong kay Freenie.

"Excuse me sir. May mga tanong lang po kami" saad ng isang pulis.

"Sige po sir" tugon naman ni Freenie

"Pwede niyo po bang ikwento ang nangyaring aksidente?" tanong ng pulis

"Yeah so I was driving and an old lady was crossing the pedestrian lane. I notice that the tricycle driver isn't looking on the road and was about to hit the granny so I blocked the tricycle with my car" paliwanag niya sa pulis.

"Sige po sir maraming salamat po" saad ng pulis at agad din itong umalis.

"Halika na nga pumunta na tayo sa office. Okay naman ako eh. Wala namang masakit sakin" aniya

"Sigurado kang walang masakit sayo ha?" tanong ko naman.

"Opo, sure na sure" pagsisisguro niya sakin.

Agad na kaming sumakay sa kotse na dala namin ni Mr. Reyes at nagtungo sa company. Dumiretso kami sa office ko para gamutin siya. The moment na pumasok kami ay narinig ko ang pagclick ng lock ng pinto. At nakaramdam ako na may binabalak ang asawa ko.

"Not now Freenie." agad kong sabi sakanya bago pa man siya makalapit sakin.

"Bakit? Ano bang gagawin ko?" sambit niya at yumakap mula sa aking likuran.

"Alam ko na yang mga galawan mong yan. And I said no. Di pa nga ako nakakamove on sa nangyari sayo. Alam mo ba kung gaano ako kinabahan nung nalaman kong naaksidente ka ha? Freenie naman, mag ingat ka naman palagi para saamin ng mga anak natin. I can't afford to lose you" mahaba kong litanya.

Mas humigpit ang yakap niya at nararamdaman ko ang bawat halik niya sa leeg ko at alam ko ang nais niya. Pero hindi. Kailangan kong icontrol ang sarili ko. Hindi oras ngayon ng kaligayahan.

LOVE IN MISTAKEWhere stories live. Discover now