part 16

1.5K 48 1
                                    

Freen's POV

It's thursday na. Di na ako makapaghintay kahit alam ko namang friday na bukas. Ever since that night na binulungan ako ni Becky ay halos di nako makapagfocus dahil sobrang excited nako magclaim nang reward from my wife.

~Flashback~

Nagising ako nang madaling araw nang marinig kong umiiyak si Sky. Bumangon ako at nakita kong mahimbing na natutulog si Becky. Hindi ko na siya ginising at ako na ang nag asikaso sa anak namin dahil nagugutom ito. Nagtimpla ako ng milk niya, pagkatapos ay kinarga ko at dinala sa higaan. Sumandal ako sa headboard para pareho kaming kumportable. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Naramdaman kong nagising si Becky kaya napamulat ang mata ko.

"Bakit mommy? Anong kailangan mo?" tanong ko sakanya

"Nauuhaw lang ako. Diba sabi ko sayo ako na ang bahala kay Sky, papasok ka pa sa office" tugon naman nito

"Okay lang sakin. Saka mahimbing na ang tulog mo kanina kaya di na kita ginising. Saka alam ko naman magtimpla ng milk ni Sky." sagot ko

"Naks naman. Hands on daddy ah. Don't worry may reward ka sakin" sambit niya

"Pwede ko na ba makuha yang reward na yan?" saad ko at tinaas baba ang kilay ko habang nakangiti.

"Hay magtigil ka. Hindi pa pwede." sagot niya

"Hays badtrip naman. Ilang months na akong naghihintay eh" reklamo ko sakanya. Tumayo siya at uminom nang tubig. Bago siya muling matulog ay bumulong siya saakin.

"Friday next week may regalo ako sayong hindi mo makakalimutan" bulong niya at humiga na ito. Napangiti ako sa sinabi niya.

"Ahm babe hindi ba talaga pwede ngayon?" pangungulit ko.

"No. Next week." maikling sagot nito.

~end of flashback~

At the office

Habang busy ako sa pagbabasa ng mga reports and proposals ay biglang pumasok ang secretary ko.

"Sir may bisita po kayo" sambit nito.

"Diba sinabi ko sayo na di ako tatanggap ng bisita today dahil marami akong kailangang basahing reports and proposals" saad ko habang nakatutok pa rin sa binabasa ko.

"Sige uuwi na lang kami ni Sky. Ayaw mo pala magpaistorbo" napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Becky.

"Babe. What are you doing here?" tanong ko

"Dadalawin ka lang sana namin ni Sky. Kaya lang mukhang busy ka at ayaw mo ng bisita. Kaya uuwi na lang kani diba Sky" saad niya at akmang aalis na sila.

"Wait babe. Syempre gusto ko kayong nandito ni Sky" sambit ko at agad na lumapit sa anak ko. Kinuha ko ang isang lampin at nilagay dibdib ko para di mairritate si baby dahil sa suot kong suit, then kinuha ko siya sa kanyang nanny.

"Hello my Sky. You're so gwapo today ah. Hmmm" hindi ko talaga maiwasang manggigil sa anak ko.

"Hoy daddy ano ba. Don't kiss Sky sa pisngi baka mairritate ang skin niya. Look oh tumutubo na yung balbas at bigote mo" saway niya sakin

"Oo na mommy." tugon ko naman "Bakit pala kayo nagpunta dito sa office?" tanong ko

"May sasabihin kasi ako sayo" sagot niya

"Ano yun mommy? Mukhang importante ah at talagang di mo na hinintay na makauwi ako" sambit ko.

"Ah yaya pakikuha muna si Sky. Punta muna kayo sa office ng Ninang Irin niya. Natawagan ko na siya hinihintay na niya kayo dun" agad namang kinuha ni yaya si Sky at lumabas ng office.

LOVE IN MISTAKEWhere stories live. Discover now