part 10

1.9K 53 2
                                    

Author's POV

Maagang nagising si Freen dahil may pasok pa sila sa office. Napangiti siya ng masilayan ang asawa niyang mahimbing na natutulog at syempre nakasubsob ang mukha sakanyang leeg.

"Babe gising na." bulong niya dito.

"Hmmm!" becky said in a grumpy voice.

"Sige na babe gising ka na. Papasok pa tayo sa office. Malelate tayo sige ka" pilit niyang paggising kay Becky. Agad namang tumayo si Becky.

"Pinuyat puyat mo yung tao tapos gigisingin mo nang maaga. Promise promise ka pang isa lang, halos di ka na matulog. Aish!" pagkasabi nito ay dumiretso na siya banyo para maligo. Napapangiti naman si Freen sa pagrereklamo ni Becky.

Pagkatapos maligo ni Becky ay sumunod na rin si Freen. Naunang bumaba si Becky para mag almusal. Pagbaba niya ay pansin agad ni Helios at Hera na wala siya sa mood.

"Good morning po mommy, daddy" saad nito at umupo.

"Good morning Patricia" - Helios

"Good morning anak. Sige na kumain ka na" - Hera

Maya maya lang ay bumaba na si Freen.

"Good morning mom, dad" - Freen

"Oh anak halika na at magbreakfast ka na din." naupo na si Freen. Sinenyasan naman ito ng mommy nya at animoy tinatanong kung anong nangyari kaya Becky.

"Bad mood" Freen mouthed and her mom responded with a nod.

"Siya nga pala Freen, anak. We will be holding an inauguration for you this coming friday. Prepare for a speech, and we will also introduce your wife." sambit ni Helios.

"Okay po dad" tugon naman nito. Maya maya lang ay tumayo na si Becky.

"Mauna na po ako sa labas" saad nito at dumiretso na sa labas.

"Ano bang ginawa mo dun Freen?" tanong ni Hera.

"Wala naman mom, ginising ko lang siya kanina then ganyan na siya. Grumpy" sagot nito.

"Ganyan talaga ang mga buntis anak, ganyan din mommy mo nung pinagbubuntis ka. Suyuin mo na lang" ani ni Helios sa anak

"Sige po dad. Ah mauna na rin po ako baka mas lalong magalit si buntis" paalam nito at lumabas na. Nakita niyang nakatayo si Becky sa may harap ng sasakyan niya. Pinagbuksan na niya ito, nang makasakay na si Becky ay sumakay na rin siya, at nagdrive na. While they were on their way to office Freen can still sense Becky's anger and grumpy mood. He reached out for her hand and gently kissed it.

"Babe sorry na please?" panunuyo nito. Ngunit hindi sumagot si Becky. "Babe please, sorry na. Promise I'll do anything you want, just forgive me okay?" napatingin naman si Becky sakanya.

"Anything?" she asked.

"Yes babe, anything for you to forgive me" sagot naman ni Freen. Napasmirk si Becky.

"I want you to dance on the elevator's CCTV" sambit ni Becky.

"Ah babe ano kasi eh-" naputol si Freen sa sasabihin niya nang biglang hilain ni Becky ang kamay niya then turn her back to Freen. "Okay babe I'll dance." saad ni Freen.

Nang makarating sila sa parking ay nagtext ito sa security head na wag munang magpapasok ng ibang employee sa elevator. Pagsakay nila ay humarap siya sa CCTV and started dancing. (Insert Hello Madlang Pipol Mabuhay song)

Napapangiti si Becky sa pagsayaw ni Freen. Nang matapos ito ay humarap na siya kay Becky.

"There babe. Are we okay now?" tanong nito.

LOVE IN MISTAKEWhere stories live. Discover now