part 14

1.4K 49 1
                                    


Becky's POV

Napagdesisyunan kong sundan si Freenie ngayon araw. Dahil ayon sakanya kagabi ay bibisita daw siya dun sa Baby niya. Inabot ang biyahe ng dalawang oras. Buti na lang at hindi niya napansin na sinusundan ko siya dahil hiniram ko ang kotse ni Irin at iyon ang pinadrive kay Mike, ang aking personal driver.

Bumaba si Freenie sa sasakyan at sinalubong siya nang isang babae mas lumalim ang galit ko nang makita kong magbeso sila at pumasok sa isang malaking gate. Kayat bumaba din ako para sundan sila. Nagtago ako sa likod ng isang sasakyan para makinig sa pinag uusapan nila.

"Ah Baby kailan ba to matatapos?" tanong nito sa babae. Parang dinudurog ako sa mga sandaling ito.

"Malapit na to. Ilalagay na lang ang mga inorder na furnitures then ready to move na" sagot naman nung babae na tinatawag na Baby ni Freenie.

"Sige Baby salamat" pagkasabi niya nito ay lumabas ako sa likod ng sasakyan at nakita ko ang pagkagulat ni Freenie.

"Babe what are you doing here?" taka niyang tanong sakin.

"Ikaw!? What are you doing here? So siya pala yung kausap mo kagabi na tinawag mo pang Baby. Freen alam mo, akala ko nagbago ka na totally. Akala ko matino ka na. Pero nagkamali ako, dahil puro akala ko lang pala lahat nang yun" galit kong sambit sakanya.

"Hey babe wait let me explain ple-" hindi ko na siya pinatapos at bumalik na ako sa sasakyan para umalis.

Bumalik ako sa bahay at nag empake ng gamit ko. Pagkatapos ko mag empake ay lumabas ako, sakto namang nandun na at naghihintay ang taxi na tinawag ko. Nang pagsakay ko ay sakto namang paparating na ang sasakyan ni Freen kayat inutusan ko ang driver na umalis na kami agad upang di na niya ako maabutan.

Freen's POV

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan para abutan si Becky. Pagdating ko sa bahay ay pumasok agad ako sa kwarto ngunit wala dito si Becky. Nakita ko ang cabinet na nakabukas, pagtingin ko dito ay wala ang ibang gamit ni Becky. Kayat dali dali akong bumaba.

"Yaya flor!? Manong Ador?! Mike?!" tawag ko. Sabay sabay naman silang nagsidatingan.

"Bakit anak?" tanong ni Yaya flor

"Si becky ho?" tanong ko naman sakanya

"Abay umalis siya kanina kasama si Mike" sagot nito

"Mike asan ang Maam Becky mo?" tanong ko sakanya.

"Eh Sir kaninang pagdating namin inutusan niya lang akong tumawag ng taxi tapos umakyat na siya sa taas. Diko na po alam kung saan sila pumunta" sagot naman niya. Biglang dumating sina mommy at daddy

"Hey what's happening here?" tanong ni daddy.

"Dad naglayas po si Becky" sagot ko.

"What?! Oh my gosh, delikado na apra sakanya ang mag isa. Malapit nang manganak yun" singhal ni Mommy.

Biglang lumapit sakin si daddy. Binigwasan ako at sinikmuraan, pagkatapos ay hinawakan ako sa kuwelyo.

"Ano nanaman bang ginawa mo at naglayas ang asawa mo ha?!" sigaw nito sakin.

"Dad, nasundan kasi ako dun sa pinapagawang kong bahay. Eh diko naman alam na susundan niya ako today eh. Tapos namisinterpret niya pa yung pangalan ng pinsan kong si Baby. Mag eexplain na sana ako dad pero bigla siyang umalis di na niya ako hinintay. Sinundan ko siya pauwi pero pagdating ko nakaalis na siya" kwento ko sakanila.

"Anak sinabi ko naman kasi sayo na kami na nang daddy mo ang bahala dun sa bahay at ang dapat mong asikasuhin ay ang asawa mo lalo na't malapit na siyang manganak. Oh pano na yan ngayon. Saan natin siya hahanapin?" alalang sabi ni mommy.

LOVE IN MISTAKEWhere stories live. Discover now