BAYAD

325 3 0
                                    

Balisa na naman si Jack nang dumating ito sa tambayan nila ng kanyang mga barkada

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Balisa na naman si Jack nang dumating ito sa tambayan nila ng kanyang mga barkada. Nandoon sila,maliban sa isa. Si Intoy na siyang naging driver noon ng tricycle,nang gabing tinambangan nila si Mamu.

"Saan ba naroon iyang si Intoy?" Paghahanap pa ni Jack dito.

"Hayaan mo na, baka ini-enjoy lang nun ang kinita natin sa baklang iyon." Sambit pa ni Cholo.

"Teka nga lang, pare...saan ka ba galing?Huwag ka ngang gala ng gala baka tayo pa pagdiskitahan ng mga pulis doon." Paalala pa ni Nato.

"Nakita ko ang Hector mga tol, nadoon siya sa bakanteng lote. Nakatingin ng masama sa akin." Sabi pa ni Jack.

"Sinong Hector? Ang dating boarder nila Maru?...eh di ba wala na iyon dito? Baka namalik mata ka lang. Siya nga pala pare laylo muna tayo, magkanya kanya muna tayo hanggat mainit pa ang balita kay Mamu."ayon pa kay Nato.

Nag bigla na lang natamik ang lahat nang makarinig sila ng ingay sa labas , tila may nakatabig ng mga latang nandoon sa labas ng kanilang tambayan. Nagkatinginan ang mga ito. Agad napasilip si Cholo.

"May tao" sambit nito.

"Baka mga bata lang lang iyan na naglalaro. Siya nga pala Nato pare, may bago tayong target si Margie, ang alahera diyan sa may Humay road. Papalamigin lang natin ang balita kay Mamu tsaka tayo kikilos." Ayon pa kay Jack.

"Ang pekeng babaeng iyon?" natawang tanong ni Bingo.

"Pansin ko lang pare, nitong huli mukhang nawiwili kang biktimahin ang mga tulad nila ah, May galit kaba sa mga bakla?" tanong pa ni Nato kay Jack.

"Wala naman , naaalibadbaran lang Ako sa kanila. Ang sakit lang sa mata minsan. At iyong may mga laman lang naman ang titirahin natin." tugon ni Jack.

"papatayin din ba natin?" tanong naman ni Cholo.

"Nanakawan lang natin, pero kung manglaban eh di sunggaban. Hindi naman siguro kayo dadagain, nagawa niyo na iyon kay Mamu." sagot ni jack na may sarkastikong ngiti kay cholo.

"Anong Ako, si Intoy kaya ang sumaksak sa dun." dipensa ni Cholo.

"Pero sinakal mo." Sabi pa ni Jack

"Sumisigaw kasi. kaya na taranta ako."

"Ang mahalaga walang kakanta sa atin, dahil pag may nag laglag sa grupo. Pasensiyahan na mga pare,...uunahan ko na siya." Ang sabi pa ni Nato ,sabay labas ng tinatago nitong baril.

"Kaya nga kung ano man ang tungkol sa atin, Dito lang iyon at hindi na dapat makakalabas pa." tugon naman ni Jack na nagpakita din ng pag aari nitong baril.

May sampung miyembro ang grupo nina Jack. Sila ang tinuturing na lider ng grupo,sina Cholo, Nato at si Luca, na nauna ng nabiktima ng killer. Nalagasan din sila ng Isa pa nang sumunod na natagpuang patay si Dagul.

DAYOWhere stories live. Discover now