BAHAY : Fourth part

81 4 0
                                    

"TURO-TURUAN"

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

"TURO-TURUAN"

Nakahinga ng maluwag si Paz nang makita sina Maru at Fil na papasok na ng gate. Agad niya ang mga ito sinalubong.

"Ayos ka lang ba Maru?" Usisa ni Paz ng mapansin ang pamumutla ni Maru.

"Ok lang po si Maru Tita, nakainom lang kaya ganyan. " sabat ni Fil.

"Buti na lang talaga nahanap mo siya Fil, alalang-alala na si Paeng dito. Uy Maru tawagan mo agad ang tatay mo tiyak hilong-hilo parin iyon doon sa kakahanap sa iyo. Ikaw talaga, minsan ka na nga lang lumalabas pinapakaba mo pa kami." wika pa ni Paz nang pinagbuksan ng gate ang dalawa.

"Tinawagan na po ni Fil si Tatay Tiya. Pero mukhang may emergency yata sina Tatay." tugon ni Maru.

"Oh siya, tumuloy na kayo sa loob ng makakain kayo mukhang mga gutom ang mga itsura niyo. Tamang tama nag bulalo ako kanina. Iinitin ko lang iyon ng mahawasan ka sa kalasingan mo. Ikaw ba Fil nakipag-inuman ka rin ba?"

"Matagal na po akong graduate sa ganyan Tita."

"Rinig mo iyon Maru, buti pa itong si Fil umabot na sa ganung responsibilidad. Hindi ka naman pinagbabawalan ng Tatay mo na gumala at magliwaliw pero sana naman sa susunod magparamdam ka man lang sa amin. Lalo na ngayong hindi na ligtas ang kapaligiran." komento pa ni Paz.

"sorry po tiya, huli na po ito. Hinding hindi ko na po kayo bibigyan ng problema." Sabat ni Maru at tumuloy na ito sa kanyang silid.

Hinayaan na lang ni Paz si Maru. Alam naman nito na nais lang naman ni Maru na makaranas ng normal na buhay na hindi lang nakukulong sa apat na sulok ng kanilang bahay at matali sa kanyang tindahan. Nasa tamang edad na si Maru ngunit dulot ng naunang eskandalong naranasan nito naging limitado na lang ang espasyong ginagalawan nito. Buti na nga lang at nanatiling nakaprotekta si Fil sa kanya. Kahit papano nanumbalik ang kumpiyansa nito sa sarili.

Hindi na sumabay sa hapunan si Maru, kaya dinalhan na lang ito ni Fil ng sabaw sa kanyang silid. Pagkapasok ni Fil sa kuwarto ni Maru nasa banyo ito at naliligo. Pagkalapag nito ng bowl na may sabaw sa mesita nagpaalam na agad itong lalabas. Ngunit sa paglapit nito sa pintuan ng banyo ni Maru hindi lang lagaslas ng tubig ang kanyang narinig kung hindi ang mga pagtangis ni Maru na sadyang doon niya ibinuhos kasabay ng pag bagsak ng tubig sa kanyang katawan.

"Maru,ayos ka lang ba? Maru buksan mo ang pinto kausapin mo ako. Hindi mo dapat sinosolo iyan. Nandito kami. Ako. Maru..." sambit ni Fil habang kinakatok sa banyo si Maru.

Walang tugon si Maru sa loob at patuloy parin ito sa pag-hikbi. Sinubukan ni Fil na pihitin ang doorknob ng banyo, hindi ito naka-lock. Hindi nagdadalawang isip pa ang lalake na buksan ang pinto at pumasok sa loob. Doon nakita nito sa sulok ang hubo't hubad, nakatalungko na si Maru walang tigil sa pag-iyak habang bumubuhos sa kanya ang tubig ng shower. Awa ang kumapit kay Fil nang makita ang kaibigan. Agad niya itong nilapitan at niyakap ng mahigpit. Sa paglapit ni Fil lalong bumigay ang damdamin ni Maru humagulgol ito ng labis.

DAYODonde viven las historias. Descúbrelo ahora