Singaw

150 6 0
                                    

Hanggang sa pag-uwi, binabagabag parin si Fil sa kanyang nakita

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hanggang sa pag-uwi, binabagabag parin si Fil sa kanyang nakita. Pinaniwala na lang nito ang sarili na Ang lahat ng iyon ay  bunga lang nang malikot niyang mga mata.

Hirap makatulog si Fil, balisa ito sa kanyang kama. Naisipan nitong tawagan si Maru para kamustahin si Sue sa hospital.

"Gising ka pa, matulog ka na may pasok ka pa bukas. Daanan mo na lang kami ni Sue dito pag out mo."

"Sa Lunes na ako papasok,pero bukas dadalaw talaga Ako diyan. Mabuti at nakakakilos na si Sue. Wala parin ba update sa tatay mo tungkol kina Jack?" tugon ni Fil kay Maru.

"Mailap Ang mga hinayupak na iyon. Siguradong nagtatago na iyon sa impiyerno. Siya nga pala Fil, paki tingin-tingin na lang din muna sa tindahan ko. Ako bahala sa iyo pag nakalabas na si insan dito." Sabi ni Maru

"Kahit hindi mo pa iutos , palagi kong sinisilip Ang tindahan mo." Napangiting saad ni Fil.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag uusap, bigla na lang nakarinig ng sigaw si Fil mula sa kanyang lola. Agad na pinutol ni Fil Ang usapan nila ni Maru. Nagmadali itong lumabas ng kanyang silid, halos lundagin na nito ang hagdan pababa para lang puntahan ang nagtitiling Lola.

Inabutan ni Fil Ang lola nito sa may kusina, takot na takot ang itsura nito. Nanginginig din ito habang hawak sa kamay ang walis tambo.

"Nay bakit?"

"May ahas, napakalaking sawa, gumapang palabas ng kusina. Tapos dumaan diyan sa jalousie." Sagot ng lola nito.

"Ahas?naku akala ko kung ano na. Nakakatakot ang sigaw mo Nay, grabe!" Ang napakamot na lang na sabi ni Fil.

"Eh bakit hindi ka ba matatakot sa ahas tapos ang laki pa. Eh kung may kamandag pa iyon." ayon pa sa lola nito.

"Sige na Nay, bumalik ka na sa kuwarto mo at bukas din hahanapin ko Ang sawa na iyon. Malamang galing iyon diyan sa kabilang pader. Pagubat na kasi Ang mga tinim sa likod." Sabi pa ni Fil.

Pumasok na sa silid nito ang kanyang lola. Matapos maisara ang lahat sa kusina, umiinom muna ng tubig si Fil. Nang ilang saglit pa may kalampag itong narinig mula sa kanilang gate. Sinundan ito ng ingay na para bang may nambato sa kanila. Rinig ni Fil ang pagbagsak ng kung ano sa labas ng kanilang pintuan.

Agad na pinatay ni Fil Ang ilaw sa kusina at lumapit sa sala para silipin sa bintana ang labas ng kanilang gate. Tahimik naman sa labas at wala naman itong napansing kakaiba. Napaisip na naman ito na guni-guni niya lang iyon. Kaya binalewala niya na ito.

Samantala sa station nina Paeng, nagkagulo ang lahat dahil sa natanggap nilang report tungkol sa panibagong bangkay na naman na walang ulo ang natagpuan sa isang reclaimed area malapit sa pantalan.

"Sunod-sunod na ang pag aatake ng vigilante na ito, mukhang nawiwili na talaga siya sa kanyang ginagawa." Sambit ni Paeng sa kasamahan nitong pulis.

"Hinala ko nga nasa paligid lang iyon at buntot lang natin ang binabantayan nun. Hirap mahuli, magaling mag tago. Sa dami ng mga CCTV sa paligid ng crimen hindi man lang nahagip Ang pinaggagawa niya." tugon naman nito kay Paeng.

DAYOWhere stories live. Discover now