Sekreto o Surpresa?

109 3 1
                                    

Muling umalingasaw ang isa na namang nakakagimbal na balita sa lahat.Ang balita na muling nagpasindak sa mga tao sa kalapit na mga barangay lalo na sa Kwatro Uno.

"Akala ko wala na iyang killer-killer na iyan, bakit may mga biniktima na naman siya, hindi lang isa o dalawa, jusko,anim talaga!"

"At ang nakakapangilabot pa nito, hindi lang pugot ulo, chop-chop na talaga! kaloka, nakakatakot na tuloy gumala pag gabi."

"Ayon pa nga sa basurero sa Dos Palmas, iyong nakakita ng putol na braso. Akala niya karne lang at bahagi ng baboy ang pinag-aagawan ng aso. Iyon pala braso na ng tao."

"Paano ba naman kasi ang kupad ng mga pulis natin dito, panay porma at dakdak lang wala namang nagagawa. Puro hinala, puro lead,pero ni larawan ng suspek of ng killer wala."

"Feel ko nga totoo ang kumakalat na balita sa social media, na ang lahat ng ito ay palabas lang ng kapulisan upang takutin ang mga kriminal at mga tarantado dito sa atin lalo na ang mga sakit sa ulo na mga adik na iyan. At ang totoo, pulis din ang may gawa. Hindi pa ba halata lahat ng mga biktima, mga adik, kawatan, tulak, wanted, at mga mamamatay tao rin. Kaya kung may dapat mang matakot dito ang mga kriminal na iyon!."

"May punto ka pero hangga't walang linaw sa mga nangyayari, banta pa rin sa seguridad at kaligtasan natin ang gumagalang killer. Hindi natin alam baka front lang ito ng killer para linlangin tayo sa totoo niyang pakay. Kaya dapat talaga mahuli na iyan."

Iyon ang palitan ng mga kuro-kuro ng mga tao saan mang kanto at kalye ng mga barangay na kadikit lang ng lugar kung saan natagpuan ang mga katawan ng biktima. Higit na ang barangay Kwarto Uno na ilang lakaran lang layo mula crime scene.

At mula nga sa siksikan at kumpulan ng mga tao sa fishport, nandoon sina Nato at Jack na nakikibalita sa mga kaganapan.

"Buwesit talaga ang hinayupak na killer na iyan , malaman ko lang kung sino siya, mas pino pa sa giniling na karne ang gagawin ko sa katawan niya." Ang nagpupuyos sa galit na si Jack habang pasimple lang na humihigop ng kape sa isang maliit na kapihan doon.

"Buti na lang talaga nakatakas agad tayo, kung hindi,isa na siguro tayo sa mga pinag aagawan ng mga aso. Ano na ang plano pare?" tanong ni Nato.

"Hindi tayo magpapasindak sa killer na iyon. Hindi iyon alien na hindi namamatay. Kailangan lang maunahan natin siya. " sagot ni Jack.

"Paano, hindi nga natin alam kung sino ang demonyong iyon?"

"Siya ang magpapakilala sa atin pare,"

"Tang ina pare, huwag mong sabihin na ipapain natin ang sarili natin sa kanya. Gago ka ba? Parang suicide mission iyang binabalak mo eh." pag aalangan ni Nato.

"Paano ba dapat manghuli ng maiilap na hayop sa masukal na gubat? Basta sisiguraduhin ko na sa atin babagsak ang hayop na iyan. Bilisan mo na mag kape at may operasyon pa tayo." saad ni Jack sabay tayo.

Sumunod sa kanya si Na'to na hindi man lang nila binayaran sa matanda ang ininom nilang kape at ang inalmusal nila. Na kahit ano'ng sigaw at mura pa sa kanila ng tindera balewala lang sa kanila.

Inabutan ni Fil si Maru na nag aayos ng mga dadalhing paninda sa tindahan nito. Tinanghali na nga ang dalawa ng gising. Dalawa na lang sila ang naiwan sa bahay dahil maagang umalis si Paz at si Paeng naman hindi pa nakauwi mula sa trabaho.

DAYODove le storie prendono vita. Scoprilo ora