HABLOT

95 3 0
                                    

Lampas na sa napagkasunduang oras ngunit hindi parin makontak ni Fil si Maru

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lampas na sa napagkasunduang oras ngunit hindi parin makontak ni Fil si Maru. Nag aalala na ito. Dahil simula ng matapos ang palabas sa plasa hindi na nito nakita ang kaibigan. Sinubukan din nitong tawagan si Maru ngunit naka patay ang cellphone nito. Nagsiuwian na ang mga kasamahan nina Fil mula sa pag a-usherette pero nagpa-iwan parin ito, nagbabakasakaling pupuntahan parin ito ng kaibigan doon. Kasama si Joey naghintay pa sila.

"Uwi na tayo pare, antok na ako. Baka nakauwi na sa kanila si Maru. Doon mo na siya hintayin." Wika ni Joey.

"Sige pare, mauna ka na. Salamat sa pagsama. " Tugon ni Fil.

"Ingat pare, kung wala parin siya tawagan mo na si Tiyo Paeng. Kita na lang tayo bukas. "

Naiwan si Fil na matyaga paring hinihintay ang kaibigan. Upang hindi mabagot , nag ikot-ikot muna ito sa harapan ng stage at naki-usyoso muna sa nagbabaklas ng mga ilaw at sound system. Sa pagmamasid nj Fil napansin nito ang lalake na kasama ni Maru na kabilang sa mga staff ng organizer ng event. Nilapitan niya ito upang itanong kung napansin nito si Maru.

"Kasamahan mo pala iyon, kanina dumaan siya sa backstage habang nag a-awarding. Kaso umalis din iyon ng lapitan ng kanyang kasama. " Tugon ni Joey kay Fil.

"Sino ang kasama niya? " Tanong muli ni Fil.

"Ewan, hindi ko na naitanong jowa siguro. May itsura din kasi iyong lalake, maporma at matangkad. "

Dahil sa sinabi na iyon sa kanya ni Joey napatahimik na lang si Fil. Nagtataka kung sino ang lalaking sinamahan nj Maru. Nang iwan ito ni Joey nakaramdam na lang panlalamig si Fil, pinagpawisan ito ng malala. Nanginginig ang kanyang mga kamay kaya agad niya itiniklop ang mga kamao upang pigilan ang panginginig nito. Kasunod ng kanyang pagpapawis ang pag-init naman ng tenga nito na tila sinidihan. Malalim ang iniisip nito na napapatingin na lang sa walang kasiguraduhang direksyon. Nabasag lang ulirat ni Fil nang pinaalis na ito ng isa sa mga nagliligpit ng gamit sa stage.

Doon na lumayo si Fil. Umalis ito na may kinikimkim na inis sa loob.

Sa isang maliit na bar malapit lang din naman sa plasa naroon si Maru kasama ang bagong kakilalang lalake na si Zek. Game na nakipag inuman si Maru sa lalake kasama ang dalawa pang barkada ng Zek na kararating lang ng oras na iyon.

"Ok lang ba na mag join sa atin ang mga kaibigan ko? Siya nga pala si Dice at si Yab. Mga tol si Maru nga pala. " Wika ni Zek ng pinakilala ang mga barkada.

"Sure, bakit hindi. Nice to meet you both." Tugon ni Maru.

Hindi talaga sanay si Maru sa maramihang inuman kaya halata na sa kilos nito ang pagkalasing. Hindi pa man na tapos ng huli ang bote ng beer na inorder sa kanila ni Maru, nag senyasan na ang dalawa na aalis na. Nang sina Maru at Zek na lang ang naiwan humirit na rin si Zek.

DAYOWhere stories live. Discover now