AMA: fifth part

149 4 2
                                    

Ikinadismaya ni Paeng ang ginawa ng kanyang mga kasamahan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ikinadismaya ni Paeng ang ginawa ng kanyang mga kasamahan. Ngunit wala naman itong magawa, umalma man ito, hindi rin naman mapapakinggan ang kanyang boses. Dagdag pa ang daot ng husto ng pangalan nito dahil sa maling impormasyon sa pagtukoy ng katauhan ng killer. Pansamantala nabunutan ng pangamba ang mga tao dahil sa wakas tapos na ang bangungot nila, patay na ang pagala-galang killer. Ngunit hindi ang pamilya ng mismong pinaslang na killer.

"Hindi killer ang asawa ko! Mga sinungaling ang mga pulis na iyan! Sila ang tunay na halimaw na lihim na umaatake sa ating mga inosenteng mata. Sila ang tunay na demonyo, si ang killer!!! Dahil pinatay nila ang asawa ko na walang kalaban laban! Hindi killer ang asawa ko!Mga hinayupak kayo!" sigaw ng nawawalang misis sa isang interbyu sa balita matapos nga mapatay ng task force Ayam ang kanyang mister na siyang tinuturong killer sa lugar.

"Lihitimo po ang isinagawang operasyon. Wanted ang asawa niyo sa salang multiple murder at attempted murder. At base sa mga pag iimbestiga siya ang tinuturong salarin sa mga nangyayaring serye ng mga patayan dito sa atin. Pero kung pinag didiinan niyo na inosente ang iyong asawa, may karapatan naman po kayong ilaban siya. Iyon kung maipaglaban niyo po siya sa mga pamilya na kanyang pinaslang." tugon ni Bellegaz.

Wala nang naisagot pa ang babae, dahil maging siya ay kinuyog na rin ng mga dating binikma ng kanyang asawa. Naging malaking ingay ang nangyaring operasyon, at naging daan muli ito para manumbalik ang amor ng tao sa mga kapulisan. Nabigyan ng parangal si Bellegaz ang team nito dahil sa kanilang ginagawa na siya namang pinang-asar nito kay Paeng.

"Ganun dapat ang trabaho, swabe lang hindi iyong naghahalungkat pa ng files ng patay. Bukod sa nakakaabala sa iba, ang bagal pa. Parang ang pag-asenso mo Makalaay, lahat umabante na, ikaw dito pa rin, kuntento na sa ganito. Hindi lang sipag ang puhunan ng achievements Makalaay, minsan ang diskarte kailangan samahan mo rin ng kaunting pakikisama. Hindi sana ngayon kasama ka namin sa selebrasyong ito." bida ni Bellegaz at pagmamayabang.

"Tapos ka na? sir?Una sa lahat hindi ko kailangan ng inspirational message sa isang katulad mo,dahil hindi ka ka-inspire inspire. Sige lang magpakasaya ngayon dahil baka ito narin ang huli niyo.Good job nauto niyo ang mga tao, pero hindi ako. Tama iyong babae, mas masahol pa kayo sa pinatay niyo." tugon ni Paeng, at lumabas ito ng presinto.

Umuwi agad ito sa kanila, at doon ibinuhos ang galit at ngitngit sa mga kasama. Sa kanyang emosyon nasira ang pintuan ng kanyang kuwarto.

-*-

"sa tingin mo ba, lalabanan ka ng pintuang iyan? Ilang beses ko na sinabi sa iyo na umalis ka na lang sa serbisyo. Kahit ano'ng gawin mo'ng linis sa departamento niyo, wala na iyan kapag-asa-asa.Mula ugat hanggang bunga inu-uuod na." kumento ni Paz nang makita ang sitwasyon ng kapatid.

Buhos na buhos ang galit ni Paeng, duguan na ang kamao nito. Napasalampak na lang ito sa sahig at humagulgol. Lumapit si Paz bitbit ang medkit para gamutin ang sugat ng kapatid. Sa kabilang kuwarto rinig ni Fil ang bigat ng dinadala ni Paeng. Nakaramdam ng awa si Fil sa itinuturing na nitong pangalawang ama. Masakit din kahit papano para sa kanya ang masaksihan ang hirap na pinagdadaanan ni Paeng. Mula kasi nang makilala si Paeng ni minsan hindi pa niya ito nakitang magalit, umiyak at bumigay ng ganun sa isang problema. Lahat ang labas kay Paeng puro positibo at chillax lang. Kaya nagulat din si Fil sa kanyang nakita. Maging siya napaluha na lang sa pinagdadaanan ni Paeng.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DAYOWhere stories live. Discover now