"HAWLA"

101 2 1
                                    

"Tiya, hindi ba umuwi si Tatay kagabi? Hindi ko napansin ang sasakyan niya mula kahapon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Tiya, hindi ba umuwi si Tatay kagabi? Hindi ko napansin ang sasakyan niya mula kahapon. " Wika ni Maru kinaumagahan nang lumabas ito ng bahay.

"Dumaan lang dito saglit ang tatay mo tapos umalis din agad. Ewan ko ba sa tatay mo, nitong huling mga araw mukhang hindi mapirmi dito sa bahay. Madalang na nga kami nag uusap. Parang may iniiwasan." Saad ni Paz habang nagwawalis ng mga tuyong dahon sa kanilang bakuran.

"Marahil pressure na naman iyon sa trabaho dahil sa hinahawakan niyang kaso. Dagdag pa ang panibagong pagpatay nitong huli." Pakiwari ni Maru.

Palabas na ito ng gate upang magbukas ng kanyang tindahan ng palabas din ng bahay si Fil at naka ayos ng todo.

"Balik trabaho ka na?" Tanong ni Maru nang magulat sa pormahan ng kaibigan.

"Maghahanap ako ng bago, susubukan ko sa kumpanya na pinapasukan ni Rodge. " Sagot ni Fil.

"Mag ko-call center ka? Kaya mo?"

"Kakayanin, nakakaburyo din ang tumambay na lang dito. Isa pa nakakahiya na sa inyo. Palamuning baboy na ako dito. Siya nga pala baka hindi ako makakauwi mamaya, raraket kami ni Joey sa kabilang barangay." tugon ni Fil.

"anong raket na naman iyan? baka iligal iyan ha at mapahamak ka, si Joey pa kamu ang kasama mo." may pa irap na komento ni Maru.

"legit na raket iyon, naghahanap kasi ng mga lalaking usherette ang kakilala ni Joey para sa mga VIP guests sa nagaganap na event ngayon sa barangay Lulos. Rinig ko mga bigating artista, producers at personalidad ang mga bisita nila doon. Malay mo, mahagip tayo ng swerte, eh di may best friend ka ng celebrity." saad pa ni Fil.

"Ito ba iyong Queen "V" Universe?" paglinaw na tanong ni Maru.

"Hindi ako sigurado kung iyan ba ang pangalan ng event ,basta ang sabi lang sa amin mga bigating tao daw ang dadalo mamaya."

"sama mo ako, Gusto ko rin manood."

"Eh di pumunta ka, libre naman yata iyon. Kaso nga lang malayo sa mismong stage. Pero nakita ko sa post ni Joey mukhang may malalaking LED Wall naman sa paligid ng plasa." tugon pa ni Fil.

"Gusto ko malapit sa VIP, sigurado ako guest nila si Meme. Sige na please, pag sinama mo ako hindi na ako galit sa iyo. Kahit ito na lang gift mo sa birthday ko."

"Susubukan ko, text na lang kita kung puwede. " Ang naisagot na lang ni Fil kay Maru.

Maaliwalas ang araw na iyon. Walang panibagong ingay ng krimen na napapabalita. Tila umaayon ang lahat sa engrandeng kaganapan sa katabing barangay. Daig pa ang may pa Festival sa siyudad sa dami ng mga makikitang atraksyon sa kahabaan ng kalye ng barangay Lulos. Kaliwa't kanang mga food both, souvenir stall, mga street performers at ang ilang mga daanan na sakop ng Lulos ay nagmistulang street food alley sa dami ng mga street vendor doon. Dagsa ang mga turista at mga lokal na dumadayo sa barangay.

DAYOWhere stories live. Discover now