DUDA

94 2 0
                                    

"Pre, para saan ba pinapahanap mo?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pre, para saan ba pinapahanap mo?"

Tanong ni Ignacio ng makita si Paeng na tila aligaga sa kakahalungkat ng mga lumang file sa archive section ng kanilang opisina.

"Tulungan mo na lang akong hanapin ang file ng kaso ni Romero Gabon. Baka iyon ang sagot sa kaso ng mga patayan ngayon sa atin. " Sagot ni Paeng.

"Kalimutan mo na ang misyon pare. Ipinatitigil na ni chief ang misyon natin. " Biglang sabi ni Ignacio.

"Ano? Bakit? Case closed na ba? "

Nagtaka at nagulat si Paeng sa biglaang desisyon ng kanilang hepe ukol sa pinahahawakan nilang kaso. Ikinabahala iyon ni Paeng dahil alam niya na may ginawa na maling hakbang ang mga kasamahan. Kinausap nito ang hepe at iginiit na maling-mali ang ginawa nilang solusyon sa kinakaharap nilang problema. Ngunit na balewala lang ang lahat ng pagpapaliwanag nito dahil kasado na ang lahat at pinal na ang desisyon ng kanilang hepe. Lumabas ng opisina ng hepe si Paeng na hindi maipinta ang mukha sa inis at galit. Lalo na nang makita nito ang mga kasamahan na naka ngiti at nagtatawanan na nakatingin sa kanya.

"Makalaay, huwag mo ng pagurin ang sarili mo sa kakahanap sa killer na iyan. Sumang-ayon ka na lang sa amin at makakaasa ka isasama namin ang pangalan mo sa bibigyan ng credit kapag na interview na kami ng mga press. " Dagdag pang aasar pa ni Bellegaz kay Paeng.

"Alam niyong mali itong gagawin niyo. Maaaring babango muli ang departamentong ito, pero saan ba at aalingasaw din ang bulok na sistema dito. At lahat kayo mangangamoy sa sarili niyong baho, lalo ka na. " Tugon ni Paeng na ikinapikon ni Bellegaz.

Nagkainitan ang dalawa kaya bago pa lumapot ang eksena, inawat na sila ng mga kasamahan upang ilayo sa isa't isa. Umuwi si Paeng sa kanila bitbit ang sama ng loob sa mga kasamahan.
Napansin ito ni Fil na sa mga oras na iyon ay nasa bakuran at nagpipintura ng kanyang bike.

"Ayos lang po kayo tito? "

"Pagod lang, ikaw lang ba tao rito? "

"Nasa taas po si tita Paz nagluluto si Maru po nasa tindahan niya. Gusto niyo po ng kape tito?"

"Salamat na lang, magpapalit lang din naman ako ng damit at aalis din. Tapusin mo na lang iyang ginagawa mo. " Tugon ni Paeng na seryosong nakatingin kay Fil.

Nahuli ni Fil ang kakaibang titig na iyon sa kanya ni Paeng kaya na ilang ito. Inilihis nito ang atensyon at bumalik sa kanyang ginagawa. At kahit hindi nakatingin kay Paeng, batid ni Fil na naka tingin parin ito sa kanya. Ramdam niya parin si Paeng sa likuran niya at hindi pa nakapasok ng bahay. Nanibago si Fil sa kilos ni Paeng, dahil hindi ito ganito base sa kanyang nakasanayan. Na kahit pagod at problemado sa trabaho, masaya parin at maaliwalas pa din ang mukha nito. Ibang-iba sa napapansin niya ngayon na tila may bigat at diin ang kilos nito.

DAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon