SUNDO : second part

126 7 2
                                    

"Resbak'

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Resbak'

Natapos ang fiesta na walang aberya, ngunit matagal na pawi ang tampo ni Maru kay Fil. Alas dose na mahigit nang magsara si Maru ng tindahan at tumulong sa kanya si Fil sa pag ligpit ng mga gamit nito. At dahil may pa-sayaw sa barangay matapos ang programa at pa-fireworks, marami paring mga naglalakad na tao sa kalye. Kaya kahit na hatinggabi na, hindi man lang dinapuan ng pagod at antok ang dalawa.

"Uy Maru, kanina ka pang walang imik diyan. Dinadamdam mo parin ba ang pagsama ko kay Rodge? Kung nag siselos ka, sinasabi ko na sa iyo hindi ako papatol dun nuh. Di pa ako despirado para bumaling sa kapwa lalake. Pero kung sa iyo, susubukan ko." Pangungulit pa ni Fil sa kaibigan.

"Ewan ko talaga sa iyo Fil,akala mo talaga may epek ka sa akin nuh? At anong selos iyang pinagsasabi mo?"

"Bakit di mo ako kinikibo? Niyaya kita manood ng miss gay, ayaw mo. Niyaya kita sa sayawan ayaw mo rin. Tapos kanina pa nakasalubong ang mga kilay mo, kunti na lang mag-sasabunutan na nga iyan sa subrang lapit." saad ni Fil

"Bakit Fil, pinakikialaman ko ba ang mukha mo? At nawalan na ako ng gana sa dami ng mga tao na pabalik-balik dito sa tindahan ko. Bilisan mo na kaya diyan nang makauwi na tayo at makapagpahinga, inaantok na ako." sagot pa ni Maru.

Nang matapos ang dalawa sa pagsasara ng tindahan,magkasabay ang dalawa na lumalakad pauwi kina Maru. Sa daan papunta sa kanila, madalang na ang mga naglalakad ng oras na iyon. Sarado na ang mga bahay at tahimik na ang kalye. Magkasama man ang dalawa sa kalsada, tahimik naman ang mga ito at walang imikan. Isang kanto na lang at bahay na nila ni Maru. Madilim sa bahaging iyon ng kalye dahil sa patay sinding poste.

Nagulat si Fil nang bigla na lang napahawak sa kanyang braso si Maru.

"Bakit, gusto mo i-holding hands kita? ok game." pabirong tugon ni Fil kay Maru.

"Umayos ka nga, may nakita akong mga anino na nagtago sa likod ng mga yerong iyan sa bakanteng lote. Baka ang killer na iyan." Ang kabadong sambit ni Maru.

Tinignan ni Fil ang bahaging iyon ngunit wala naman itong napansing anino O bakas ng tao ayon kay Maru. Gayunpaman naghanda ito, inutusan nito si Maru na tumawag ng tulong sa tiya niya O sa tatay niya. Sinabihan din nito si Maru na humanap ng puwedeng pampalo sa paligid. Naglabas naman ng di tiklop na patalim si Fil mula sa kanyang bulsa. May hinala si Fil na baka holdaper iyon, gawa nga nang may bitbit silang pera mula sa benta ni Maru.

Di numero ang bawat hakbang ng dalawa, nakikimatyag at nakikimasid sa paligid. Nakapag text na rin si Maru sa tiya nito. Kanto lang naman ang pagitan kaya kung mababasa iyon ng tiya, mapupuntahan agad sila ng tulong na sundo.

Malapit na ang dalawa sa bakanteng lote kung saan may bakod na yero. Hindi sakop ng liwanag ng poste ang bahaging iyon dahil sa makakapal na dahon ng mangga na nakalaylay sa daan mula sa bakanteng lote. Kabado ang dalawa kahit wala naman silang napansing kakaiba.

DAYOWhere stories live. Discover now