Kaibigan

168 5 0
                                    

Nagulat ang dalawa nang makarinig sila ng ingay mula sa labas ng gate nina Maru

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagulat ang dalawa nang makarinig sila ng ingay mula sa labas ng gate nina Maru.

"Huwag" pag pigil ni Fil kay Maru nang akma itong tatayo para silipin ang gate.

"Titingnan ko lang sa bintana, baka mga akyat bahay na naman iyon. Last week lang kasi , ninakawan ng mga cellphone at tv sina Mang Marsing." ayon kay Maru.

"Sabay na tayo."

Tumayo ang dalawa at marahang lumapit sa may bintana. Sa unang silip pa lang ng dalawa na gulat na Ang mga ito nang makita sa labas sina Jack at Nato na tinatangkang akyatin ang kanilang gate.

"Ang mga walang hiya, Ang lakas ng apog. Humanda kayong mga gago kayo."

"Anong gagawin mo? Tumawag na lang tayo ng tanod" Sabi ni Fil.

"Sige tumawag ka sa barangay,at gugulatin ko lang Ang mga ito." May kinuha sa kabinet sa may sala si Maru na ikinagulat ni Fil.

"uy teka, baka matuluyan mo Ang mga iyan"

"Sa ginawa nila kay Sue, baka tuluyan ko nga sila. Pero huwag ka mag alala, tatakutin ko lang Ang mga iyan. Tumawag ka na ng tanod sa barangay."

Tumawag ng tulong si Fil sa barangay, samantala sa likuran ng bahay dumaan si Maru para Hindi sila mapansin nina Jack na noon malapit nang maabot ang taas ng gate.

Handa na Ang mga itong tumalon nang gulatin ito ni Maru habang tinututukan sila ng hawak nitong baril.

"Sige , pumasok kayo nang hindi na kayo makakalabas ng buhay dito. Mga tang Ina niyo Ang lakas ng loob niyo at bahay pa mismo namin Ang napili niyo!"

Natigilan na ang dalawa sa taas nang gate nang makita si Maru. Sa takot agad na napa talon si Nato at hindi maganda ang pagkabagsak nito. May kataasan Ang gate nila ni Maru na rehas. Walang ano mang patusok o patulis na desinyo Ang gate. Pero mataas talaga Ang gate na pantay sa pader.

Pinutukan ni Maru si Jack pero hindi niya ito pinatamaan. Sa takot ni Jack napabitaw ito sa kakakapit kaya nahulog din ito at nabagsakan pa si Nato. Sa pagpapaputok ng baril ni Maru, nagising Ang mga kapitbahay nila at nagsilabasan Ang mga ito.

Hirap sa pag bangon Ang dalawa dahil sa pagkabagsak.

"Putcha pare, tayo...bago pa tayo makuyog dito." Ang pa ika-ikang galaw ni Jack habang inalalayan si Nato para tumayo.

"Kasalanan mo ito, Nabalian pa tuloy Ako."

Kahit hirap kumilos Ang dalawa nagawa parin nilang makaalis sa harapan ng gate. Ngunit dahil sa sama ng pagkabagsak nila hindi na Ang mga ito nakalayo at inabutan na ng mga tanod. Rumesponde din sina Paeng para hulihin sina Jack. Sa pagkakahuli kay Jack at Nato nabawasan na ang pangamba ni Fil.

"Sa dami ng kasong kinasangkutan nina Jack mabubulok na Ang mga iyan sa kulungan. Buti na lang gising pa kayo nang pagtangkaan kayong pasukin ng dalawa."

DAYOWhere stories live. Discover now