Anino ng Pagdududa

116 7 1
                                    


Mag-aalas otso na ngunit wala pang Fil na dumating sa bahay nila ni Maru. Maging si Paeng nag alala na rin sa binata, lalo pa at hindi na nito matawagan ang numero. Ayaw mag isip ng masama Paeng ngunit kinakabahan ito.

"Aalis ka na naman? Puwede kahit saglit lang pagpahingahin mo naman ang sarili mo. Wala ka pang tulog. Bukas balik trabaho ka na naman." wika ni Paz ng mapansin ang kapatid na si Paeng na nag-susuot na naman ng jacket.

"Wala pa si Fil, susunduin ko lang sa terminal baka nandoon na iyon. Hindi rin ako makakatulog ng maayos pag ganitong nag-aalala ako." Tugon ni Paeng.

"Masyado nang nalalagay sa alanganin ang mga anak mo. Nasa paligid lang ang panganib at mas lalo na ngayon. Baka panahon na para sundin mo ang payo ko. Nang sa ganun matahimik na ang buhay niyo." saad pa ni Paz.

"Wala sa ibang bansa ang katahimikan. At kahit saan pa kami naroon, kung susundan talaga kami ng panganib magiging ganito parin ang takbo ng sitwasyon. Ang solusyon dito. Kailangan mahuli na kung sino ang mga salarin sa mga pangyayaring ito ng hindi lang ako ang matahimik pati na ang mga tao na apektado." ayon pa kay Paeng.

"Bahala ka, ang sa akin lang naman ang kaligtasan ng mga anak mo. Siya nga pala tumawag si Mercedes kanina, nag alala sa nangyari kay Maru at balak na isama ang anak mo sa Canada." sambit ni Paz.

Natigilan si Paeng sa sinabi na iyon ni Paz. Nadagdagan tuloy ang iniisip nito. Hindi nito ikinasaya ang narinig na balita sa kapatid.

"Kapag tumawag muli sabihin mong hindi puwede, hindi ko ipapadala sa kanya si Maru. Dito lang ang anak ko. Kaya kong proteksiyunan ang anak ko." sambit ni Paeng bago ito lumabas ng bahay.

Samantala sa isang luma at abandonadong bodega, malayo sa barangay naroon si Fil at minamanmanan ang grupo nina Jack. Nakita niya ang mga ito nang papunta ito kina Maru. May kutob si Fil na grupo ni Jack ang may kagagawan ng pambubugbog sa kanila noon. Napansin pa ni Fil na tila na dagdagan pa ang mga kasamahan ng grupo, hindi pamilyar sa kanya ang mga iba sa kanila kaya batid nitong hindi taga barangay nila ang mga ito.

Lumapit pa si Fil sa kanila, ngunit maingat ito sa kanyang galaw. Madilim sa kanyang puwesto kaya hindi siya agad mapapansin doon. Sa kanyang distansiya rinig nito nang malinaw ang kanilang pinaplano. Isang bahay ang balak nilang looban at pagnakawan. Matapos marinig ang lahat sa mga ito umalis din si Fil.

Napatingin ito sa kanyang relo, at naalala sina Maru at baka nag aalala na ang mga ito sa kanya. Nangalsada ito upang mag abang ng masasakyan nang may napansin at nakita ito sa katapat na daan. Nagmamadali itong tumawid upang habulin ang taong kanyang nakita ngunit mabilis itong nawala sa mga taong nandoon. Isang jeep ang huminto sa tapat ni Fil kaya sumakay na ito. Ngunit nang nakaupo na ito sa loob ng jeep, muli nitong natanaw ang nakitang lalake na nakatingin sa kanya habang papalayo na ang jeep na sinakyan niya.

Hindi siya nagkakamali si Rodge iyon.

Lalo namang nag alala si Paeng nang pagkadating nito sa terminal, napag-alaman nitong kanina pang alas sais ng gabi ang huling dating ng inaabangan nitong bus. Pabalik na ito sa kanyang sasakyan nang tumawag sa kanya ang anak na si Maru at sinabing nasa bahay na nila si Fil. Nakahinga ng maayos si Paeng ng malaman iyon sa anak kaya nagmadali na itong umuwi.

Sa bahay naman kung saan naroon si Jericho, hindi ito makatulog ng maayos. Pabaling-baling lang ito sa kanyang kama. Inaalala nito ang kapatid na si Joram. Bumangon ito sa pagkakahiga at hinugot ang bag sa ilalim ng kanyang kama. Kinuha mula doon ang isang box na gawa sa matibay na karton. Binuksan niya iyon ang kinuha ang isang litrato ng isang masayang pamilya. Ang kanyang ina, ama, siya at ang kapatid nito na nasa tatlong taong gulang palang, anim na taong gulang naman ito sa larawan.

DAYOWhere stories live. Discover now