VIRAL

100 3 1
                                    

Nag viral sa lahat ng soc-med ang ginawang biglaang paghabol ni Paeng sa isang tao, na sinasabi ng ilan na siyang tunay na killer

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Nag viral sa lahat ng soc-med ang ginawang biglaang paghabol ni Paeng sa isang tao, na sinasabi ng ilan na siyang tunay na killer. Nagmistulang palabas sa isang action series ang habulan na nangyari. Maraming exit point sa area na iyon kaya nakatakas din ang tinutugis nila Paeng. Samo't saring komento ang pinukol sa mga kapulisan dahil sa nangyari, karamihan negatibo. Pero higit na apektado ang mga taong naninirahan sa lugar na iyon at sa mga katabi pang barangay. Sa pagkalat ng video, parang apoy din na kumalat ang takot sa mga tao. Naging sentro ng atensyon si Paeng.

"Ano ito Makalaya? Sa halip na papahupain natin ang tensiyon at takot ng mga tao, lalo mo lang ginagatungan. Sino ba kasi iyong hinahabol niyo roon, binulabog niyo pa ng wang-wang ang lahat. Sino at ano ba iyong hinahabol niyo? Siya ba iyong killer na hinahanap ng lahat?" Pagsabon ng hepe kay Paeng matapos ang nangyari.

"Hindi po hepe, hindi siya ang killer. "

"Then who?! Alam mo ba kung anong eskandalo ito sa departamento natin. Nanghahabol tayo ng mga taong inosente at walang alam. Ano sa tingin mo ngayon ang sasabihin ng mga tao sa mga pulis. Mga baliw, kung sino-sino na lang ang gagawing suspek. " Saad pa ng hepe.

"Iyon naman ang ginagawa dito ah, diba hepe. Kapag walang madukot kung sino-sino na lang para sabihing kumikilos ang mga pulis. " Sabat ni Paeng.

"Don't give me your nonsense back! And don't blame this department for your stupidity! Hindi iyan ang isyu dito kung hindi ang kabobohan mo! Dismiss. " Ang pigil na ngitngit ng hepe dahil na back to you ito ni Paeng.

"Pasensya na sa pagiging bobo hepe, pero hindi ako tanga. At papatunayan ko na ang bobo na ito ang lilinis sa bulok na departamentong ito. " Tugon ni Paeng tsaka lumabas.

At tulad ng kanyang inaasahan, pangbubuyo at pang-aasar na naman ang sumalubong sa kanya mula sa grupo ni Bellegaz. Hindi na rin ito pumatol sa mga iyon dahil tanggap naman ni Paeng ang malaking pagkakamali. Nilapitan ni Ignacio si Paeng na tulad niya matinding pagsabon din ang inabot sa kanilang hepe.

"Nag wang-wang ka pa kasi. " Nakangiting hirit ni Paeng kay Ignacio.

"Aba malay ko naman, akala ko naman talaga kriminal iyong hinahabol natin kaya nagpawang-wang ako para walang sagabal. Ikaw naman kasi basta ka na lang nagtatatakbo, nataranta na rin ako. Pero, pare siya ba talaga iyon? "

"Hindi ko rin kilala sa totoo lang pare. Minsan ko na siya nakasalubong doon sa night market ng Lulos. Iba ang naramdaman ko sa kanya ng makita ko siya. Tapos iyong talim ng mga tingin niya sa akin parang nanghahamon. Kaya nang muli ko siyang makita sa kumpulan ng tao sa crime scene, bigla ko na lang naisip na habulin siya. " Kuwento ni Paeng.

"Ang labo mo naman pala pare, eh baka may gusto lang sa iyo iyong tao kaya ganun kung makatitig sa iyo. Na damay tuloy ako sa suspensyon. " Napakamot na lang ng batok si Ignacio sa kuwento ni Paeng at sa sinapit nila.

"Para tatlong araw lang eh, mainam na rin iyon para masamahan mo ako sa misyon ko. Huwag ka mag alala sagot ko pagkain at pantulak mo. " Wika ni Paeng.

DAYOTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang