LAPIT-KAPIT

82 4 0
                                    

Matapos nga samahan ni Fil si Jericho sa barangay hall sumaglit muna ang mga ito sa tindahan ni Maru para uminom ng malamig na softdrinks

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matapos nga samahan ni Fil si Jericho sa barangay hall sumaglit muna ang mga ito sa tindahan ni Maru para uminom ng malamig na softdrinks. Pagparada pa lang ng motor ni Jericho, tinginan na lahat ng mga marites na noo'y tambay na sa puwesto ni Maru. Magara ang dalang motor ni Jericho kaya takaw pansin agad ito sa sino mang makakita. Lalo pang nagtaasan ang mga kilay ng mga tsismosang kapitbahay nang magtanggal na ng helmet si Jericho. Makisig, maangas at ang gwapo naman talaga ni Echo, pang action star ang tindigan at appeal. Ngunit ang nakakuha talaga ng pansin ng mga naroon ang pagkakahawig ng mukha nito kay Fil. Sa unang tingin pa lang masasabi mo talagang mag-utol ang dalawa.

Kaya hindi na nakapagpigil si Aling Maria na hiritan ng tanong si Fil.

"Uy Fil, kaano-ano mo ba itong poging mama na ito? Kapatid mo?o pinsan?"

"Si Aling Maria talaga, ganun na ba ako ka guwapo para mapagkamalan mo kaming magkakapatid? Sa bagay, sa basketball court nga napagkakamalan akong si Enrique Gill eh." tugon naman ni Fil sabay flex ng mukha nito at nagpa cute pa.

"Taas din talaga ng confidence mo nuh. Kamusta ang final interview?" sabat ni Maru sabay abot ng dalawang softdrinks kay Fil.

"Olats, bagsak tayo sa assessment. Pero laban lang makakahanap din ako ng trabaho, tutulungan din ako nito ni Echo. Siya nga pala tol si Maru, bespren ko. Mar si Echo bagong kaibigan taga Marang, diyan lang sa kabilang barangay." sagot ni Fil at pinakilala na rin ang dalawa sa isa't isa.

Maging si Maru napatitig talaga ng matagal sa mukha ni Jericho dahil nakikita nito sa kanya ang mukha ni Fil. Malaki lang ang katawan ni Jericho ng kaunti kay Fil pero magkasing tangkad lang ang mga ito. Makanto ang mukha ni Jericho na bagay sa brusko nitong features samantala medyo bilogan naman kay Fil.

"Kung inabutan niyo lang sana si Tatay tiyak maraming alam iyon dito sa barangay. Halos ng mga tao dito kilala niya. At sigurado akong kilala niya ang Joram Treyes na hinahanap mo. Hayaan mo ipagtatanong ko." saad ni Maru nang malaman ang pakay ni Jericho sa kanilang barangay.

"Tatanawin ko na malaking utang na loob kung matutulungan mo ako. Oh siya tol hindi na ako magtatagal at may dadaanan pa ako. Balitaan na lang kita kapag nakakita na ako ng bakanteng trabaho para sa iyo." wika ni Jericho.

Hindi na pumermi ng matagal pa roon si Jericho. Nang makaalis ito, sinabi agad ni Maru kay Fil ang napansin nitong pagkakahawig ng kaibigan kay Jericho. Ngunit sa halip na ma curious, ikinatuwa lang iyon ni Fil at sinabihan ang kaibigan na normal lang na may kamukha talaga ang mga tulad niyang artistahin at guwapo.

Sa presinto kahit day-off sinadya parin ni Paeng na kitain si Ignacio dahil sa mensaheng ipinaabot nito sa kanya ukol sa impormasyon ni Romero Gabon. Isang brown envelope ang inabot ni Ignacio kay Paeng.

"Lumang clips lang iyan mula sa mga diyaryo ng mga biktima noon ni Romero bago ito nadakip at nakulong. Inabot iyan sa akin ng asset ko. Isang Josefino Lansang ang nagmamay-ari niyan. Nang usisain ko sa files natin. Isa si Lansang sa kapatid ng isa sa mga nabiktima noon ni Romero."saad ni Ignacio

DAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon