CHAPTER 2

1.8K 38 0
                                    

"TERRY, saan ka pupunta?" tanong ni Mang lsyo nang basta na lamang kunin ng dalagita ang kabayong nakatali ang renda sa puno ng niyog na nasa gilid ng kuwadra. "Papalitan ko pa ng sapatos si Miles!" habol ng matandang katiwala ngunit nakalayo na siya.

Napapailing na napakamot na lamang sa ulo si Mang Isyo. Bagaman sanay na sa ugali ng sutil na apo ni Mercedes ay hindi pa rin maiwasan ng matanda na hindi ma-amuse sa dalagitang kasing-galing ng namayapang ama sa pangangabayo.

Bata pa noon si Fernando ay tauhan na sa asyenda si Mang lsyo. Ang ama nito ang kauna-unahang katiwala sa mga alagang kabayo ng namayapang si Senyor Arturo. Binata pa ito noon at doon na rin nakapag-asawa. Hanggang maging ang pamilya nito ay naging tauhan na rin sa
asyenda.

Halos nasubaybayan ng matanda ang paglaki ng kaisa-isang anak nina Arturo at Mercedes. Mula kay Fernando hanggang kay Terry ay si Mang isyo ang naging tagapag-alaga ng paboritong kabayo ng mag-ama.

Kaya alam nito, kapag ganoong basta na lamang hinihila ni Terry si Miles ay tiyak na masama na naman ang timpla ng dalagita.

"HIYAA! Bilis pa, Miles! Bilis pa!" sigaw ni Terry gayong tumatakbo na nang mabilis ang puting
kabayo.

Kapag ganoong masama ang loob niya ay ibinubuhos niya ang galit sa pangangabayo. Kapag sakay siya ni Miles, at tumatakbo ito nang mabilis, pakiramdam niya'y nililipad sumandali ng hangin ang lahat ng kanyang problema.

Pero bakit ngayon ay naroroon pa rin at hindi maalis ang bigat sa dibdib niya?

"Bilis pa, Miles! Bilis pa!" sigaw niya at tinawid ang ilog na hanggahan ng Hacienda Guerrero at Hacienda Rosalina.

llang sandali pa at halos liparin ng kabayo ang malawak na kaparangang natatamnan ng mga
ligaw na bulaklak. At kung sa ibang pagkakataon ay humihinto siya para manguha ng mga sunflowers, hindi ngayon. Hindi rin niya binigyang-pansin ang mga bulaklak ng talahib na lumulutang sa paligid habang tinatangay ng hanging amihan.

Ang nasa isip niya lang nang mga oras na iyon ay ang makalayo sa ina. Makalayo sa sakit na
dulot ng paglilihim nito sa kanya at sa kanyang Lola Mercedes.

She felt betrayed. Dahil ba sa wala pa siya sa hustong gulang ay wala na siyang karapatang
malaman ang mga bagay na magdadala ng malaking pagbabago sa buhay niya?

Hindi kita mapapatawad, Mama! sigaw ng nagrerebeldeng puso niya. Kahit kailan ay hindi ko matatanggap ang katotohanang mas pinili mo ang lalaking iyon kaysa sa akin na anak mo!

Sadness, bitterness and pain. lyon ang halo-halong damdaming nararamdaman niya nang mga oras na iyon. At dahil nalalambungan ng galit at pagkamuhi ang kamalayan ay hindi niya napansin ang asul na pick-up na paparating.

At sa mabilis na takb0 ng kabayo ay posibleng mag-abot sila sa dirt road na humahati sa malawak na kaparangan.

"TAMA ang kutob mo, Cain," sabi ni Will sa kaibigan habang muling binabalikan ang hawak na mga papeles. "Magulo ang mga numerong nakatala sa libro ng asyenda sa nakalipas na dalawang taon. Bagaman malaki ang ani ng mangga at niyog ay pinalalabas dito na sunud-sunod ang pagkalugi. Malinaw na niloloko ng Tiyo Doro mo ang iyong Lola Rosalina.

Mabagsik na nagpawala ng isang malalim na buntong-hininga si Cain. Namuti ang mga bukong ng kamay dahil sa humigpit na pagkakahawak sa manibela.

"Kahit kailan ay hindi ako nagtiwala sa pinsang hilaw na iyon ng Lola Rosalina. Noon pa man ay masama na ang kutob ko sa kanya. Siya ang tipo ng taong hindi dapat pagkatiwalaan," tiim-bagang na sabi ng binata.

Napatango si Will bago ibinalik ang mga papeles sa loob ng attaché case nito. The same moment, nilingon ni Cain ang kaibigan kaya hindi niya naita ang biglang pagsulpot sa unahan ng kabayong kinasasakyan ng dalagita.

GEMS 8: My Husband's WeddingWhere stories live. Discover now