CHAPTER 14

1.7K 30 0
                                    

TERRY felt bruised and used. Ngunit higit ang sakit na iniinda niya sa kanyang kalooban kaysa sa pisikal.

Magdamag halos mula nang iwan siya ni Cain ay hindi na siya pinatulog pa ng sari-saring isipin.

At sa mga sandali ng kalungkutang tulad niyon ay nahihiling niyang sana'y buhay pa ang
kanyang Lola Mercedes na lagi na'y handang makinig at umalo sa kanya.

Ngunit wala na ito. At ibig din niyang sisihin ang sarili sa miserable niya ngayong kalagayan. Kung hindi niya sinuway ang kagustuhan ng kanyang abuela, sana ngayo'y maligaya siya sa piling ni Cain.

Kung naghintay lang sana siya ng ilang panahon, mare-realize niyang hindi mahirap mahalin ang lalaki.

Pero pinutol niya ang magandang kapalarang pinagdesisyunan ni Mercedes para sa kanya nang hilingin niya kay Cain na ipawalang-bisa ang kanilang kasal.

At ngayon, habang binabalikan niya sa isip ang nangyari'y napatunayan niyang iyon ang
pinakamalaking pagkakamaling nagawa niya sa kanyang buhay.

Now, it's only just that I live a miserable life, kutya niya sa sarili. Mapait ang ngiting sumilay sa mga labi niya habang nakatitig sa sariling repleksiyon sa salamin ng tokador.

Ibig din niyang pagsisihan ang ginawang pag-uwi nang hindi muna tinatawagan si Cain. Kung hindi pa siya umuwi ay hindi pa siya masasaktan nang ganito.

But I wanted to surprise him. nanlulumong pagtatanggol niya sa sarili. Hindi niya inisip na sa pagbabalik niya'y siya ang higit na masosorpresa.

Kung sana'y dumating siya sa panahong kasal na sina Cain at Salome, marahil ay hindi ganito
kasakit ang kanyang mararamdaman.

Dahil kung nagkataon ay wala na siyang magagawa pa kundi tanggapin ang katotohanang hindi talaga sila ni Cain ang itinalaga ng Diyos para sa isat İsa.

Then I would go back to the States at sisikaping kalimutan na lamang ang lahat ng bagay na may kaugnayan kay Cain.

But now, it wasnt that easy. For she still had a choice to fight and lose, or lose without even
trying.

Parang sasakit ang ulong naihilamos niya ang mga palad sa mukha. Hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Pagkatapos ng marahas na pag-angkin sa kanya ni Cain ay ibig na niyang mawalan ng pag-asa. He had been gentle to her when they first made love in her apartment.

Pero kagabi. Kagabi ay hindi niya naramdaman ang pagsambulat ng mga fireworks nang ipikit niya ang mga mata. Manapa, ang naramdaman niya'y panlulumo at desperasyon.

Oh, Cain..! Nagpawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Sana'y hindi na kita minahal.

Stop it, Terry! Walang mangyayari sa pagse-self pity mo! sigaw ng munting tinig at the back of her mind.

Napaunat siya at muling pinagmasdan ang repleksiyon sa salamin. Pinahid niya ng mga daliri ang luhang bumasa sa magkabilang pisngi. Mugto ang kanyang mga mata. Hindi maipagkakailang magdamag siyang umiyak.

Ipinaalala niya sa sariling kailangan niyang magsuot mamaya ng dark glasses bago lumabas ng kuwarto. Hindi niya gugustuhing makita ng kahit na sino ang mugto niyang mga mata, lalo na ni Cain. Ayaw niyang pagtawanan siya ng binata, o pagtakhan ng mga kawaksi.

Muli siyang nagpawala ng isang malalim na buntong-hininga. Kaipala'y upang mabawasan kahit kaunti ang paninikip ng kanyang dibdib.

Tama na ang sentimiyento, sabi niya sa sarili. It's time to move on.

Paano niya maisasalba ang pride na naiwala niya kagabi kung maghapon siyang magmumukmok lamang dito sa loob ng kuwarto?

Lalo lamang niyang gagawing miserable ang kanyang sarili. May mas mahahalagang bagay pa sa asyenda na maaari niyang pagtuunan ng pansin maliban kay Cain.

GEMS 8: My Husband's Weddingحيث تعيش القصص. اكتشف الآن