CHAPTER 10

1.4K 37 2
                                    

"WHAT a lovely bride!" bulalas ng isang may-edad na babaeng puno ng alahas ang katawan, bagaman mataba ay maganda ang mukha.

"And very young, amiga. Sa palagay ko'y buntis na kaya agad ipinakasal ni Mercedes sa apo ni
Rosalina. Kunsa-bagay, ang kasal na ito ng dalawa ay nangangahulugan din ng pagsanib ng dalawang mayayamang pamilya. And we're talking of not only a hundred million, darling," sabi naman ng katabi nitong babaeng sa kabila ng edad ay maganda pa rin at alagang-alaga ang katawan.

Malinaw na narinig ni Terry ang sinabi ng mga ito habang dumadaan sa tapat ng mga ito. Bakit ay para siyang pagong na usad-usad ang bawat hakbang. Kaipala'y upang patagalin pa ang napipintong pag-isang-dibdib nila ni Cain.

Pinigil niya ang nagbabantang pagpatak ng luha at itinuon ang mga mata sa kinaroroonan ng binata. Magkahalong inis at lungkot ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Inis dahil pinagdududahan pa ngayon ang kanyang reputasyon, at lungkot dahil hindi pa man nagdidisiotso ay mamamaalam na siya sa pagiging dalaga.

Itinuon niya ang paningin sa mapa-pangasawa. Cain was undeniably gorgeous. Mula sa guwapong mukha, matikas na pangangatawan at porma ay larawan ito ng isang perfect groom sa suot na puting tuxedo.

Kung nagkataong hindi arranged marriage ang kasalang ito ay baka sabihin niyang siya na ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo. Pero dahil nga ang pagpapakasal niya sa lalaki'y bilang pagsunod lamang sa kagustuhan ng abuela, nangangahulugan lamang na habambuhay İyong pagtitis sa piling nito.

"Smile, sweetheart," masayang sabi ni Andrea nang matapat siya sa kinauupuan ng ina.

Si Ronald, na nakatayo sa tabi nito ay nakangiting tinanguan siya matapos alisin ang pagkakasilip sa handy cam.

Nang mga sandaling iyon ay naram-daman ni Terry na ibig niyang tumakbo at magpakulong sa mga bisig ng ina ngunit nang maalala ang abuela ay pinigil niya ang sarili. Naririto na siya, ngayon pa ba siya uurong? Mas lalong makasasama kay Mercedes kung ngayon pa niya ito bibigyan ng kahihiyan.

"Isn't she beautiful, darling?" baling ni Andrea sa asawa na mabilis namang sinang-ayunan ng lalaki.

Nakagat ni Terry ang ibabang labi bago nagpatuloy sa paghakbang.

Nang malaman ni Andrea na pakakasal siya kay Cain ay labis ang pagtataka nito. At sino nga ba ang hindi? Lahat ng kakilala niya at kaibigan ay nagulat dahil bukod sa napakabata pa niya para mag-asawa ay madalian ang kasal.

Tatlong linggo lamang mula nang mamanhikan sina Cain sa kanila-o mas tama sigurong sabihing ang abuela nito sa kanyang abuela-ay itinakda ang kanilang kasal.

Ang dalawang matanda rin ang siyang excited sa preparasyon kaya hinayaan na lamang nila ang mga ito.

Nang usisain siya ng ina kung bakit biglaan siyang magpapakasal kay Cain ay simple lang ang kanyang isinagot: mahal niya ito. Kahit salat iyon sa katotohanan ay minabuti na niya ang magsinungaling kaysa sabihin ang totoo.

Alam niyang hindi papayag ang ina sa ideyang
ipinagkasundo lamang sila ng binata sa isa't isa.

Naalala niya nang araw na kausapin siya nito nang masinsinan.

"Tell me, Terry, hanggang ngayon ba'y galit ka pa rin sa akin dahil sa muli kong pag-aasawa?
Dahil kung ginagawa mo lamang ito para gantihan ako-"

"No, Mama," putol niya sa sasabihin pa nito. "M-mahal ko si Cain kaya ako pakakasal sa kanya at wala nang ibang dahilan."

"But you're too young to enter into a lifetime commitment," tila nanlulumong sabi pa nito.

Upang huwag nang humaba ang usapan ay hindi na lamang siya nakipagtalo pa sa ina.

GEMS 8: My Husband's WeddingWo Geschichten leben. Entdecke jetzt