CHAPTER 13

1.6K 33 0
                                    

KINAGABIHAN ay bisita ni Terry si Will sa Hacienda Guerrero. Nang marahil ay mapansing may hinahanap ang kanyang mga mata'y ipinaalam ng lalaki na hindi nito kasama si Cain dahil inihatid nito si Salome sa kabilang bayan.

"Hindi siya ang hinahanap ko, Will," depensa niya sa sarili ngunit tinawanan lamang siya nito.

Napabuntong-hininga siya. Alam niyang hindi siya maaaring magsinu-ngaling pero walang
mawawala kung susubukan niyang papaniwalain ito.

"Bakit ngayon ka lang dumating, Terry? Matagal ka nang hinihintay ni Cain."

"Walang dahilan para bumalik ako rito noon, Will.." aniya ngunit nang ma-realize ang kahulugan ng sinabi ay napabuntong-hininga siya.

"At ngayon ay mayroon na, ganoon ba? Si Cain?" pananalakab nito.

Nagkibit siya ng mga balikat bago malungkot na ibinaling sa malayo ang paningin. Kunwa'y may tinatanaw ngunit ang totoo'y wala naman.

"Do you love Cain, Terry?" mayamaya'y tanong sa kanya ni Will.

"Ayoko nang dagdagan ang sakit na nararamdaman ko, Will," amin niya sa hindi direktang paraan.

"Hindi mahal ni Cain si Salome. Napilitan lang siyang pakasalan ang babae dahil buntis ito. But you know what? May palagay akong nagsisinungaling ang babaeng iyon. Maaaring buntis nga siya, pero duda ako kung si Cain nga ang ama niyon."

"Paano mo naman nasabi iyan? Kilala mo ba si Salome?"

"Hindi. Kaya nga nagpapaimbestiga ako nang hindi nalalaman ni Cain. Wala akong tiwala sa
babaeng iyon."

"Bakit hindi na lang natin sila pabayaan, Will? Paano kung nagsasabi naman ng totoo si Salome?"

"I don't know."

Patlang.

"All| T know is hindi ka dapat magpatalo sa kanya. Ano kung naitakda na ang kanilang kasal? Maaari mo pang agawin si Cain."

"I wouldn't do that, Will," aniyang nagugulat sa mga sinasabi ng lalaki. "I can't. Hindi ko
magagawang agawan ng isang ama ang batang ipinagbubuntis ni Salome."

"Yes, you can, Terry. Dahil kapag mahal mo ang isang tao, ipaglalaban mo siya. Bukas, kapag
nakapagpahinga ka na nang lubusan ay pumasyal ka sa kabilang asyenda. Simula na ng gapasan ng tubo. Isa pa, bukas ay natitiyak kong darating na naman si Salome."

"Hindi kO alam, Wil."

"Please, Terry, nakikiusap ako. Gawin mo iyon alang-alang sa sarili mo. Kayo ni Cain ang bagay sa isa't isa. At hindi ba't iyon din ang kagustuhan ng inyong mga abuela?"

"K-kung kami ang para sa isa't isa ay hindi na sana kami nagkahiwalay ni Cain, Will. Pero ninais ng Diyos na magkahiwalay kami. at ngayon namang nagbalik na ako'y siya naman ang hindi puwede.."

"Dahil iniisip mong hindi na kayo ang para sa isa't isa ni Cain."

Muling pumatlang ang mahabang katahimikan.

"Kung talagang mahal mo si Cain ay ipaglalaban mo siya, Terry. Ipaglalaban mo ang pag-ibig mo.

Nakaalis na si Will ay para pa rin niyang naririnig ang huling mga katagang binitiwan nito. At naitanong niya sa sarili:. dapat nga ba niyang ipaglaban ang pag-ibig niyang hindi niya tiyak kung may katugon?

Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga bago nagpasyang magpahinga na. She needed some rest. Baka sakaling bukas, kapag maayos na ang kanyang pakiramdam, ay makapag-isip na rin siya ng mabuting solusyon sa kinakaharap na problema.

Bago pumanhik sa kuwarto ay nagtungo siya sa kusina para magtimpla ng gatas. Makakatulong iyon upang baka sakali'y makatulog siya nang mahimbing.

Naabutan niya roon si Manang Loleng na nagliligpit ng mga kasangkapan. Ngumiti ito pagkakita sa kanya.

GEMS 8: My Husband's WeddingWhere stories live. Discover now