CHAPTER 9

1.3K 33 0
                                    

"KAMUSTA na ang pakiramdam mo, Lola?" tanong ni Terry nang maupo sa gilid ng kama at gagapin ang palad ng abuela. Ibig niyang maawa sa nakikitang panghihina nito habang ang paghinga'y sinusuportahan pa rin ng oxygen.

"Tm fine now, hija. Will you help me get this thing off me? I can now breathe on my own. Lalo lang akong nahihirapan sa oxygen na ito," nakangiting sabi ni Mercedes.

"Pero bilin ni Doctor Parayno na—"

"A, maalam pa sa akin ang doktor na iyon, anito sa nagbibirong tono. "Get this thing off me, sige na. Huwag kang mag-alala, mabuti na ang pakiramdam ko."

Alam ni Terry na hindi titigil ang abuela hangga't hindi nasusunod ang kagustuhan nito kaya minabuti niyang sumunod na lamang. Kung mahihirapan itong muli sa paghinga ay madali lang namang ikabit ang oxygen.

"Thank you, hija," anito nang mawala ang hose na nakalagay sa ilong. "Umalis na ba ang mga
kaibigan mo?"

"Opo, Lola. Ipinahatid ko na sina Cacai at Melissa kay Mang Ambo."

"Ayoko nang makikita ang pagmu-mukha ng lapastangang Kurt na iyon dito sa asyenda. Oras na malaman kong bubuntut-buntot siya sa iyo'y ipapupulis ko siya."

"Huwag n'yo na siyang alalahanin, Lola. Hindi na ho magpapakita sa atin ang lalaking iyon."

"Mabuti kung gayon."

Patlang.

Makaraan ang ilang sandali'y binasag ng tikhim ni Rosalina ang katahimikang namamagitan sa kanila. Kasabay niyon ay tumayo na at lumapit sa gilid ng kama upang magpaalam.

"Aalis na muna kami, Mercedes," anito. "Babalik na lamang kami bukas. Magpagaling ka, ha?
Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano at baka makasama pang lalo sa iyo."

"Maraming salamat, Rosalina." Sumilay ang payak na ngiti sa mga labi ng donya.

Napansin ni Terry na tila biglang pumayat ang mukha ng abuela at ang mga labi'y nawalan ng kulay. Muli siyang nakaramdam ng guilt.

"Magpapaalam na kami, Lola Mercedes."
Hinaplos ni Cain ang noo ng matanda bago
nagbababala ang sulyap na ipinukol kay Terry.
Bilang tugon ay palihim na inirapan niya ito.

"Hija, ihatid mo na muna sila sa labas," pakiusap ni Mercedes.

Walang imik na tumayo siya. Tiniyak na sapat ang distansiya niya mula kay Cain upang hindi siya mahawakan nito. Nanatili siya sa tabini Rosalina.

"Thanks for coming, abuelita," aniya sa matanda nang nasa labas na sila ng balkonahe. Hinalikan niya ito sa pisngi.

"Alam mo namang hinding-hindi ko magagawang pabayaan ang lola mo, hija. Basta kapag kailangan mo pa ng tulong, huwag kang mag-atubiling tawagan kami. Okay?"

Tumango siya bilang tugon. Sa sulok ng mga mata niya'y nakita niyang muling nagdilim ang anyo ni Cain. Hindi niya alam kung sa nangyari pa rin kanina o dahil sa nakikita nitong closeness nila ni Rosalina. Kung ang huli ang ikinaiinis nito, bakit? Iniisip ba nitong nagpapalapad siya ng papel sa matandang babae?

"We better go, abuelita," yaya nito sa senyora. Hinawakan nito ito sa siko at iginiya patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan.

Hindi na umimik pa si Terry at inihatid na lamang ng tanaw ang dalawa.
Binalikan niya ang abuela pagkaalis ng mga ito.

Pagpasok niya ay iminosyon ni Mercedes na maupo siya sa tabi nito. Agad siyang tumalima at ginagap ang nanlalamig na mga palad ng matanda.

"I will never feel safe, Terry, lalo na sa nangyari ngayon. Hindi ko alam kung paano kita
mapoprotektahan mula sa mga mapagsamantalang lalaking katulad ni Kurt. At paano pa kapag nawala na ako sa mundong ito?"

GEMS 8: My Husband's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon