CHAPTER 6

1.5K 33 0
                                    

"KURT, What are you doing here?" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Terry nang bumaba mula sa modelong Corolla ang star player ng varsity team ng pinapasukang eskuwelahan.

Pagkatapos ng naramdamang kasiyahan ay pag-aalala ang humalili.

"Why, aren't you glad to see me?" tanong nito.
Ang six-footer na varsitarian na may German blood at nahahawig sa Hollywood actor na si Liam Neeson ay ang current boyfriend niya.

Ipinalit niya ito sa ex-boyfriend na mukhang nerd. Na kaya lang naman niya sinagot ay para may gumawa ng mga term papers niya.

So far, si Kurt pa lamang ang nagtatagal sa tatlong naging boyfriends niya dahil na rin sa nagki-click sila nito sa lahat ng bagay, lalo na sa kalokohan. Mag-aanim na buwan na nga sila sa isang linggo. Ngunit iyon ay lihim na lihim sa kanyang Lola Mercedes.

"I mean, bakit ka nagpunta rito? I don't remember inviting you here. Alam mo namang mahigpit ang lola at hindi niya alam ang tungkol sa iyo."

"Relax, babes. Marunong akong magdala kaya tiyak na hindi tayo mabubuking ng lola mo,"
nakangisi nitong sabi.

"Kurt's right, Terry," sang-ayon ni Bunny, pinsan nito at member ng cheering squad na
pinamumunuan niya.

"Ako, I'Il keep my mouth shut," sabi ng madaldal na si Cacai, pinakakalog sa grupo at
pinakaiyakin din. "Promise."

"You better keep that promise, Cai. Dahil kung hindi, out ka na sa grupo," sabi naman ni Melissa. Sumusunod ang ganda nito kay Terry, gayon din sa katarayan.

"Okay, everything is settled now. But wait..."

Isa-isang tiningnan ni Terry ang mga kaibigan. "Kayo lang? Nasaan sina Debbie at Ali?"

"Si Debbie, masa Maynila kasama ng kuya niya. Si Ali naman, as usual, ayaw payagan ng istrikta niyang tita," si Bunny. "Kahit sinabi na nga naming okay lang sa lola mo na magbakasyon kami rito for a week, ayaw pa ring payagan."

Napabuntong-hininga siya sa sinabi ni Bunny. Kunsabagay, wala nang bago sa pagiging istrikta ni Teresing. Minsan na siya nitong pinagsabihang huwag niyang kung saan-saan hinihila ang pamangkin nito nang ipagpaalam niyang dadalo sa isang birthday party. Mula noon ay hindi na siya nagpunta pa sa bahay ng kaibigan dahil sa sama ng loob sa matanda. Tingin ba nito sa kanya'y flirt at masamang impluwensya kay Ali?

"But, we're here! At magiging masaya rin naman siguro ang bakasyon namin dito kahit wala sila, hindi ba?" ani Melissa na pumutol sa pagbabalik-tanaw niya.

"Siyempre naman, aniya at niyaya nang pumasok ang mga ito sa loob.

Kilala na ni Mercedes ang lahat ng kabarkada niyang babae kaya si Kurt na lamang ang
ipinakilala niya sa abuela. Nakita niya nang mangunot ang noo nito kaya agad niyang ibinaling ang pansin nito sa iba. Sa isang tingin lang ay nahingi niya ang tulong ng mga kaibigan.

"Lola Mercedes, bakit mukhang bumabata yata kayo?" ani Cacai na inakbayan pa ang matandang babae. "Siguro, panay ang pa-beauty ninyo, ano? Tell me naman your secret kung bakit hanggang ngayon, ang ganda-ganda pa rin ninyo."

Halata namang naaliw si Mercedes sa pagkakikay ng dalagita. Napangiti si Terry. Naalalang sa mga kaibigan nga pala niya'y si Cacai ang madalas na kakuwentuhan ng abuela tuwing pupunta roon.

"Well, kung gusto mong malaman, ipapakita ko sa iyo ang aking beauty regimen. Come, hija."
Tumayo ang matanda at inakay si Cacai papanhik sa kuwarto nito. Interesado naman talaga ang dalagita kaya nag-thumbs up pa ito sa kanila.

"Terry, ipahanda mo na kay Siony ang meryenda ng mga kaibigan mo. Ipatawag mo na lang kami kapag kakain na,"' anitong tukoy ang may-edad nilang kusinera.

GEMS 8: My Husband's WeddingWhere stories live. Discover now