CHAPTER 7

1.3K 33 0
                                    

PORMAL ang anyo ni Mercedes habang nakasilip sa bintana at tinatanaw ang papaalis na apo kasama ng mga kaibigan. Magpi-picnic ang mga ito sa bukal malapit sa kakahuyan.

Hindi siya tumutol dahil ayaw niyang maging kontrabida sa paningin ng apo. Isa pa'y safe naman ang lugar. Malayo sa karawagan at mararating ng sasakyan.

Ngunit sa kabila niyon ay hindi niya mapigilan ang sarili na huwag mag-alala dahil kay Kurt.

Kung wala ang Kurt na iyon dito ay hindi siya mababahala kahit saan pumunta si Terry kasama ang mga kaibigan. Bukod sa magagalang ay mukhang matitino naman ang mga ito.

But with Kurt around, hindi siya nakasisigurong ligtas sa "kapahamakan" ang kanyang apo.

Unang tingin pa lamang niya sa lalaki ay wala na siyang tiwala rito. Tingin niya'y naghihintay
lamang ito ng tamang pagkakataon upang maisahan si Terry.

At iyon ang hindi niya papayagang mangyari. Hindi niya inalagaan ang kanyang apo nang higit pa sa pag-aalaga niya noon sa anak niyang si Fernando para lamang lokohin ng isang lalaki. Isa pa'y may mga plano na siya para dito.

Nang makitang lumabas na ang lumang pick-up sa driveway ay saka pa lamang siya umalis mula sa pagkakasilip sa bintana. Nagtungo siya sa sala at naupo sa single sofa na katabi ng mesitang kinapapatungan ng telepono.

Lingid sa kaalaman ng lahat, tinawagan niya si Rosalina para muling hingan ng tulong.
Pinakiusapan na kung maaari, katulad kagabi, ay papuntahin sa asyenda si Cain kung walang
importanteng gagawin.

At dahil may lihim na unawaan ang dalawang matanda sa binabalak na pagma-match sa mga apo ay agad ding sumang-ayon si Rosalina sa suhestiyon niyang pabantayan sa binata si Terry.

NASA study si Cain at pinag-aaralan ang libro ng asyenda nang pumasok si Rosalina. Nang
mamalayan ang presensiya ng abuela ay agad niyang itinabi ang ginagawa upang harapin ito.

"Hijo, wala ka namang masyadong gagawin sa araw na ito, hindi ba?" panimula ni Rosalina.

Bagaman alam na hindi ito magagawang pahindian ng apo ay ayaw rin namang direktang manduhan ang binata.

"May kailangan ka sa akin, abuelita?" tanong ni Cain at iniunat ang likod sa sandalan ng upuan.

Sa maikling pananalita ay ipinaliwanag ni Rosalina ang dahilan ng pagtawag ni Mercedes.

Habang matamang nakikinig sa sinasatbi ng abuela ay papalit-palit ang ekspresyon sa mukha ni Cain. From amusement to disbelief and disbelief to confusion. Kagabi pa siya nalilito sa mga aktuwasyon ng lola ni Terry.

"So, what do you want me to do?" aniya upang tapusin na ang pagpapaliguy-ligoy ng abuela.

"Maaari mo ba siyang bantayan, hijo? Nag-aalala si Mercedes na baka samantalahin ng boyfriend ni Terry ang pagiging vulnerable niya sa mga panahong ito. Alam mong hindi pa siya nakaka-recover sa pag-aasawang muli ng kanyang mama. She's lonely and she desperately needs Someone."

"Do you not think it's invading someone's privacy, abuelita? Besides, malaki na si Terry para bantayan pa. Kung marunong na siyang makipag-boyfriend, dapat ay alam na rin niya kung paano iingatan ang kanyang sarili. Not unless she asks for it."

"That's beside the point, Cain, pormal na sabi ng matanda. "Kaya nga hinihingi ni Mercedes ang tulong mo, para maiwasan ang hindi kanais-nais na mga pangyayari."

"So, you're serious about this?"

"Tingin mo ba'y nagbibiro ako? Come on, Cain. Ang maglola na lamang ang natitira sa Hacienda Guerrero. They need a man's help. Ipagkakait ko ba iyon sa aking matalik na kaibigan?"

GEMS 8: My Husband's WeddingWhere stories live. Discover now