CHAPTER 8

1.6K 43 5
                                    

"I-I CAN'T walk!" bulalas ni Terry bago tila hapung-hapong napaupo sa damuhan.

"You have to, Terry. Kaya mo iyan," awang-awang sabi ni Cacai, hindi makapaniwalang muntik na siyang lapastanganin ni Kurt.

"Walanghiya pala ang Kurt na iyon, e," ani Melissa sa nanggagalaiting tono. "God, I can't believe na naging pinsan iyon ni Bunny!"

"Please, guys, huwag n'yo nang mababanggit ang pangalan ng lalaking iyon," ani Terry sa
nararamdamang magkahalong galit at panlulumo.

Maging siya ay hindi makapaniwalang pagtatangkaan siya ng masama ni Kurt. He was a known playboy in school, all right, but he had been gentle with her during their five-month relationship.

Ang Kurt na nakilala niya'y ibang-iba sa Kurt na nagtangkang gumawa ng masama sa kanya kani-kanina lang.

"Come on, let's go," yaya ni Cacai matapos lumingon at makitang nakasunod na sa kanila si Cain.

Ngunit bago pa makasagot si Terry ay nakalapit na ang binata.

"What is wrong this time?" anito sa galit na tono sa kanya nakatuon ang paningin.

"She said she cant walk," nagpapa-unawang sabi ni Melissa na sinang-ayunan ni Cacai sa
pamamagitan ng marahang tango.

Nagbuntong-hininga ang binata bago walang sali-salitang inilang-hakbang ang pagitan nila ni Terry at bale-walang binuhat ito. Animo sako ng bigas na isinampay siya sa balikat nito ang kanyang katawan.

Nagtitili siya at inis na pinagbabayo sa likod ang binata. “Put me down! Put me down!" aniyang galit na galit sa kawalang-ingat nito.

And how could he be so rough pagkatapos ng dinanas niya sa mga kamay ni Kurt? At least, inaasahan niyang magiging gentle ito sa kanya dahil sa pangyayari. Hindi ganitong para siyang hayop sa pasan-pasan nito.

"Will you please, at least, be gentle with her?" ani Melissa na nakasunod sa kanila. Sa tono'y hindi rin nagustuhan ang ginawa ng binata sa kanya.

Ngunit hindi ito pinansin ni Cain. Ang tanging nasa isip ng binata nang mga sandaling iyon ay maiuwi si Terry sa bahay-asyenda. Mailayo sa manyak na Kurt na iyon.

"Mr. Cain?" untag ni Melissa.

Sinaway ito ni Cacai. Pabulong. "Hayaan mo na, Issa. Tutal, ang sabi naman ni Terry, hindi niya kayang maglakad. 'Buti nga at binuhat pa siya ni Cain."

"Magtigil ka nga, Cacai!" Pinandilatan ni Melissa ang huli. "Muntik na ngang mapahamak ang kaibigan nati'y kinikilig ka pa riyan!"

"Bakit, kasalanan ko ba iyon?" nakasimangot na sabi nito. "Hindi ko rin gustong
pagsamantalahan siya ni Kurt, ano?"

Nagbuntong-hininga si Melissa at hindi na lamang pinansin ang kaibigan. Nanahimik na rin ito.

Hinayaang buhatin na ni Cain si Terry.
Ibinaba lamang ng binata ang dalagita nang marating nila ang kinaroroonan ng sasakyan.

"Sakay!" paasik na utos nito matapos buksan ang pinto ng pick-up para sa kanya.

"Opo, Kuya!" sigaw niya na naningkit ang mga mata sa nadaramang galit. Kung kumilos at
makasinghal ito sa kanya ay parang siya pa ang may kasalanan.

"Hop in," baling nito kina Cacai at Melissa, hindi pinansin ang pagdadabog niya.

Lalo lamang siyang nanggigil sa galit dahil sa pambabale-wala nito sa kanyang emosyon. Dahil doon ay ito ang napag-balingan niya ng galit niya kay Kurt. Sigawan pa siya nito at makikita nito kung paano magalit ang isang Guerrero.

Ngunit nang sumakay ito sa driver's seat ay pinukol lamang siya nito ng sulyap at hindi na
nagsalita pa. Pinatakbo nito ang sasakyan pabalik sa bahay-asyenda sa pagitan ng malalalim na buntong-hininga.

GEMS 8: My Husband's WeddingWhere stories live. Discover now