CHAPTER 15

3.4K 68 4
                                    

CAIN!"

Masuyong yakap ang naging bati ni Salome sa binata at kung hindi lamang nakatingin sa kanya ang huli na parang hinihintay ang kanyang magiging reaksiyon ay hindi pa niya magagawang paglabanan ang mga luhang nais magpahilam sa kanyang mga mata.

She tried to be casual at upang disimulahin ang nararamdaman ay ibinaling niya ang atensyon kay Will. Maluwang ang ngiting sinalubong niya ang lalaki.

"Hello, Terry," anito na halatang nagulat nang ialok niya ang kanyang pisngi para sa isang beso-beso.

Nang sulyapan niya si Cain ay nakita niya ang pagngingitngit sa anyo nito. Lihim siyang
nakadama ng tagumpay.

"Hindi mo ba ako ipakikilala sa maganda mong kaibigan, Cain?" nakangiting sabi ni Salome nang sabay silang lumapit ni Will sa mga ito.

Pinagkilala sila ni Cain at hindi maipagkakaila ang magkahalong gulat at kasiyahan na bumakas sa mukha ni Salome nang makilala siya.

"Ikaw ang nag-iisang apo ni Senyora Mercedes? Ang kaisa-isang tagapag-mana ng Hacienda Guerrero?" nangingislap ang mga matang bulalas pa nito.

Pilit ang ngiting tumango siya. Hindi niya kilala ang babae pero bakit may pakiramdam siyang
kilalang-kilala na siya nito?

"Ikinagagalak kitang makilala, Terry. Kailan ka pa bumalik? Hindi ba't nasa Amerika ka?" sunud-sunod na tanong nito.

"T just arrived yesterday," maikli niyang tugon. Ayaw niyang tanggapin sa sariling madaling
kagaanan ng loob ang babaeng ito.

"Ikakasal na kami ni Cain," may pagmamalaking pahayag nito. "Tamang-tama ang dating mo.
Puwede bang ikaw na lang ang maging maid of honor ko? Ikararangal ko kung papayag ka."

"Salome, hindi natin alam kung magtatagal dito si Terry. Baka bago pa ang ating kasal ay bumalik na siya sa Amerika, sabad ni Cain na halatang hindi sang-ayon sa suhestiyon ng babae.

Nasaktan siya sa sinabi nito kaya bilang ganti'y ipinasya niyang tanggapin ang alok ni Salome. "If Will here is going to be Cain's best man, as I'm sure he is, wala akong makitang dahilan para tanggihan ang alok mo, Salome. I'Il be happy to be your maid of honor.

Habang sinasabi iyon ay matamis ang ngiting binalingan niya si Will. Nakakunot-noo ang lalaki nang marahang mapailing.

"Oh, thank you, Terry!"

Hindi siya tumanggi nang yakapin siya nito na para bang matagal na silang magkakilala.
Nang muli niyang sulyapan si Cain ay wala nang anumang damdaming mababakas sa mga mata nito. At lalo siyang nasaktan nang sa harap niya'y hapitin nito sa baywang si Salome at halikan.

Kung hindi pa tumikhim si Will ay hindi pa maghihiwalay ang mga ito.

"Ipapaalala ko lang ang lakad natin mamayang hapon, Cain," anito.

"May pupuntahan ka?" tanong ni Salome sa binata.

"Kakausapin namin ang mga mamimili ng tubo, paliwanag nito.

"Pero ngayon ang appointment natin sa modista." May bahagyang pagpo-protesta sa tono nito ngunit sa isang tingin lamang ni Cain ay natahimik ito.

"Why don't we go ourselves, Salome? Siguro nama'y sagot na rin ninyo ni Cain ang gown na
isusuot ko," ani Terry sa pagnanais na lalong asarin si Cain.

Habang ipinapakita nito ang disgusto sa pagiging abay niya sa kasal ng mga ito ay lalo niyang ipagsisiksikan ang kanyang sarili.

"That's a good idea! Saan tayo magkikita?" excited na baling sa kanya ng babae.

"Just tell me the name of the place and I'll meet you there at three o'clock this afternoon. It's the most convenient time for me, if you will ask me."

"Three o'clock then. I'll see you at Julianna's."
Isinaulo niya ang lugar na ibinigay nito at pagkatapos ay nagpaalam nang babalik sa bahay-asyenda.

GEMS 8: My Husband's WeddingWhere stories live. Discover now