CHAPTER 5

1.6K 38 1
                                    

"I'M SORRY I didn't mean to be arrogant and brute. Mas lalong hindi ko gustong makadagdag pa sa problema mo sa iyong mama," ani Cain matapos iparada ang pick-up sa driveway.

"It's all right," sagot niya. "Ako rin naman ang may kasalanan, e."

"So.. friends?" Inialok ng binata ang kamay for a handshake.

Nakangiting tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Pagkatapos na muling magpasalamat ay umibis na siya ng sasakyan. Bumaba rin si Cain at nagbo-luntaryong ito na ang bubuhat sa travelling bag niya papanhik sa pitong baitang na balkonahe.

Hinayaan niyang mauna ang binata at sandaling may hinanap ang mga mata. Wala sa garahe ang Mercedes-Benz sedan na pag-aari ni Ronald Zimmerman. Umalis na kaya ito kasama ang kanyang mama?

Napabuntong-hininga siya kaakibat ang antisipasyon. Kung sumama na nga si Andrea sa Amerikanong nobyo nito ay wala na siyang magagawa pa kundi tanggapin ang katotohanan gaano man kasakit iyon.

"Cain! Ano't iniuwi mo na ang aking apo?"

Ibinaling niya ang pansin sa balkonahe nang marinig ang tinig ng abuela.

"Bakit biglaan naman yata ang pag-uwi mo, hija?" tanong sa kanya ni Mercedes bago muling binalingan ang binata. "May ginawa bang kalokohan si Terry sa inyo?"

Nagtawa si Cain. Kinuha ang kamay ng matanda at nagmano. "She's a good girl, Lola Mercedes. Pero hindi ko alam kung bakit biglaan ang kanyang pag-uwi. Maybe she misses you already."

"Umalis na ba sila, Lola Mercedes?" tanong niya matapos lapitan at hagkan sa pisngi ang abuela.

"Halos wala pang kalahating oras na nakakaalis ang lalaki ng mama mo,' nakaismid na pahayag
nito. "Pero hindi sumama si Andrea sa hindi ko malamang dahilan. Naroon siya sa kanyang
kuwarto at nagkukulong."

Nakahinga siya nang maluwag sa kaalamang nagpaiwan ang ina. Maybe she never really wanted to leave her. Siguro, na-realize nitong hindi ganoon kadaling talikuran ang isang anak na bunga ng pag-ibig sa unang lalaking minahal.

"Papanhik na muna ako sa aking kuwarto, Lola," paalam niya at sinulyapan si Cain. “Pakisabi na lang kay Lola Rosalina na maraming salamat."

"TIl tell her," anang binata.

"Bakit hindi ka muna tumuloy at magpapahanda ako ng meryenda?" ani Mercedes.

Magalang iyong tinanggihan ni Cain. "i gotta go, Lola Mercedes," anito. "May mahalagang lakad pa akong pupuntahan."

"0, siya, sige, kung hindi na kita mapipigilan. Ipaabot mo na lamang ang pasasalamat ko sa iyong abuelita."

"Makakarating, Lola Mercedes."

Hindi na hinintay ni Terry na makaalis si Cain. Pagtalikod pa lamang ng binata'y iniwan na niya ang abuela sa balkonahe at mablis na pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay-asyenda upang puntahan sa kuwarto nito ang ina.

Nang nasa tapat na ng pinto'y humugot muna siya ng isang malalim na buntong-hininga.
Pinagluwag ang dibdib na pinagsisikip ng magkakahalong emosyon.

Nag-atubili siya kung kakatok o tatawagin ang pangalan ng ina. Pinihit niya ang seradura at
napagtanto niyang hindi naka-lock iyon.

Bahagya niyang iniawang ang pinto at sumilip.
Wala sa loob si Andrea ngunit nakabukas ang sliding door patungong terasa. Tiyak niyang naroon ito.

Pumasok siya at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ng ina. Hindi siya nagkamali ng akala sapagka't naroon nga ito. Nakaupo sa tumba-tumba habang tila nakatingin sa kawalan.

"M-mama.." bulalas niya sa paos na boses. Namumugto ang mga mata nito at basa sa luha ang mga pisngi.

Wala siyang masabi nang tumayo ito at salubungin siya ng mahigpit na yakap. Animo ba'y ilang taong hindi siya nakita ng ina gayong kahapon lamang nang umalis siya ng asyenda.

GEMS 8: My Husband's WeddingOnde histórias criam vida. Descubra agora