02

108 5 0
                                    

Nagtagal ng ilang minuto bago ako tumahan. Nakatayo lang kaming mag-ina at tanging ang pagngawa ko ang ingay.

I wiped my tears away. Dumiretso ng tayo at ilang ulit humingi ng paumanhin kay Mama.

"Hindi hinihingi ng tawad iyan, Achie. Ano ba ang nangyari ro'n?"

Umiling lang ako at maliit na ngumiti na para bang walang nangyari.

Sa buong maghapon ay nagkulong lang ako sa kuwarto. Nakatitig sa kisame at nagitla noong may kumatok na sa pintuan.

"Bakit nandito iyan? Namamaga pa ang mga mata."

Hindi pa man ako nakakasagot ay may sumunod nang sinabi ang ama.

"Bumalik ka na ro'n sa mansiyon. Dapat ay kinukuha mo ang lugod ng mga magulang ni Miki. Pinagpaalam ka naman dito at pumayag kami, bakit bumabalik pa rito?"

"Carlos, dito muna si Achie. Itinutulak mo ba ang anak mo ro'n? Ito naman ang tahanan niyan."

"Marami siyang mapapala ro'n. Gustong-gusto pa ni kumare! Lahat ng hiling sa'yo at binibigay ay huwag mong tatanggihan! Maliwanag, Achie?"

"Pa..."

It was an unending conversation. Sa gabi rin na iyon ay nagpaalam ako kay Tita. Agad siyang tumawag.

"Bakit biglaan naman, Achie? Are you bored here? Sabi ko naman sa'yo ay magsabi ka kung may kailangan ka. I'm not here earlier, pero kay Manang! Hija naman... what time are you going back tomorrow?"

"Sumilip lang po ako saglit dito kina Mama," pagpapalusot ko.

Wala naman nangyari o nasabi siguro si Manang at si Kuya Maddox kay Tita. She sounds cheerful and all.

"Anyway, magpasundo ka na lang kay Obeng bukas! How's school? Do you need anything?"

The call continued with Tita being all over the place. Hinayaan ko lang at sinakyan. When she ended it, I released a deep breath.

Ang braso ay pumatong sa noo at natulala muli. I guess she's also feeling this way. She's probably crying as she prepares for bed.

A tear escaped from my eyes down to my temples and ears.

Miki and I should be stressing about our respective courses. Sa mga oras na ito ay paniguradong naririndi na iyon sa mga reklamo ko ukol sa mga professors. I would also listen to what happened on his day.

But I am alone now. In our university. In my room. With no one to rant and listen with.

"Sobrang daya, Miki. I didn't get to hug you tight... and to kiss you. Hindi mo man lang narinig ang huling mahal na mahal na mahal na mahal kita..." napapikit ako saglit at dumilat na hinahaplos ang nakaukit niyang pangalan. "I can say it to you so many times and you wouldn't be stressed about how it is not enough."

I crossed my arms this time. Umangat ang gilid ng labi.

"Are you happy up there? Kuwentuhan mo naman ako."

I slowly closed my eyes and sat up straight.

Kuwentuhan mo naman ako, Miki. I miss your voice. Your breath. Warmth. And a crooked smile. Kuwentuhan mo ako, yung lalong ikaiinggit ko pa. Because I am deeply jealous because they have you there now.

I have nothing to see but total darkness. Kinalma ko at tinuwid ang mga kilay. I exhaled and planted a small smile. The freshly crisp morning wind caresses my cheeks.

Nakaligtaan ko na ang oras sa ganoong posisyon. I wanted to hear Miki so badly that I didn't even know I stopped my own breathing.

Pagdilat ay hinahabol ko ang paghinga. My palm rested on my chest. Ang kaliwang kamay ay napako sa damuhan para saluhin ako. Hindi nagtagal ay nagsalubong ang aking mga kilay.

A few feet away from my place, a tall shadow was depicted on the grass.

Isang lingon ko lang sa gilid ay nakatagpo ang mga mata ni Kuya Maddox. He started walking when I am now probably aware of his presence.

Kanina pa rito?

"Don't you have classes?"

Nakatingala pa ako sa paglapit niya hanggang sa para akong napapaso na tumayo. His free hand is in his pocket. The other one placed a bouquet on Miki.

Diretso ang tingin sa kung saan at wala ng sunod na sinabi.

Tumikhim ako. "It's Miki's ninth day."

"And?"

Napalunok ako at tumingin sa mga bulaklak naming binigay.

Kailangan pa bang tanungin iyon?

Kumunot ang noo ko at bumalik ang tingin sa lalaki. I can only see the side of his face. His eye is in a straight line with some creases on his forehead. Panigurado'y salubong ang mga kilay.

My eyes focused on his cheek. It's so similar to Miki's.

"I'm waiting for an answer."

Napapikit-pikit ako at lalong umurong palayo kay Kuya Maddox.

"I'm visiting him."

"And not attending your classes?"

"Yes," halos pabulong kong sabi.

Hindi rin naman ako mahilig na magpaligoy-ligoy pa. Today is important and I wanted to be with Miki.

I heard a light chuckle but I couldn't see his face. "You sound proud of it too."

Isang hakbang muli ang inatras ko noong lumingon na siya sa akin. He crossed his arms and looked at me straight on the face.

"If you're alive and well, I'd rather have you attending your classes. Sa tingin mo ay natutuwa si Miki sa'yo ngayon?"

"Kuya Maddox," I blurted out so suddenly. He's also surprised as his eyes turn a little bigger. "Gusto ko rito kay Miki. Kahit ngayon lang..."

His shoulders sagged. Bahagyang umiling at binaba na ang mga kamay sa magkabilang gilid.

"Ihahatid kita sa school mo."

Umawang ang bibig ko lalo na noong lagpasan niya ako. Does he expect me to follow him?

Gusto kong magmatigas sa pagkakatayo ko rito pero hindi rin ako mapakali kay Kuya Maddox. Natataranta ay mabilis akong pumikit at nagdasal. I bid goodbye to Miki and ran towards his brother.

"No need, Kuya Maddox. I'll stay here. I don't even have my things. Hindi na dapat mag-abala."

Para akong kumausap sa hangin. Kahit ano namang pilit kong sumuway, hindi nakikisama ang katawan ko. Patuloy na humahabol kay Kuya Maddox.

"That's not even an excuse. Daanan natin sa bahay niyo."

My jaw almost dropped. Halos sapituhin ko ang sarili dahil natanto ko na lang na sumasakay na rin ako sa SUV.

I gave him directions and I can't help but to sighed. Sa dinadagang dibdib ay nilakasan ko na ang loob.

"Puwede akong pumunta mamaya sa bahay niyo?"

A swift glance at me on the steering wheel, Kuya Maddox nodded.

"When your classes are over."

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Where stories live. Discover now