40

45 1 0
                                    

“Marami k-kang pangarap, anak, ‘di ba?” gumagaralgal ang boses niya sa tanong.

Napaupo siya na mabilis kong inalalayan. Tumuloy sa pagpatak ang mga luha ni Mama at narinig ko ang hagulgol niya.

“Bakit wala na akong naririnig sa mga iyon? Achie… anak naman…”

“Ma-”

Itinapat niya ang hintuturo sa labi ko at umiling-iling. “Naiintindihan ko naman. Alam ko naman, Achie, na… m-malaki ang utang na loob natin sa mga Peñaloza pero kasi…”

Humilamos siya sa mukha. The look Mama gave me made me realize something. Kahit ako ay biglang bumigat ang dibdib.

“Paano ka naman? Paano k-ka, Achie? Ang mga pangarap mo…” she held my face.

Lumabi si Mama habang tinititigan ako. Naging malikot ang mga mata niya at hinahaplos nang marahan ang magkabilang pisngi ko.

“Kakausapin ko si Chona. Puwede ko naman siyang kausapin… p-puwede naman. Puwede mo naman piliin ang sarili mo.”

Umiling-iling ako. Tita Chona’s face popped up. She will cry. She’ll cry a lot. Masasaktan siya. Masasaktan ko siya. Kung dumagdag pa ako ay hindi ko na alam ang mangyayari sa kanya. And… Kuya Maddox. I closed my eyes but all I can see is him. He needs me too.

“Iyan na lang ba ang ikukuwento mo sa akin? Iyan ang isasalubong mo sa akin sa bawat pag-uwi mo? Achie… gusto kong marinig ang mga hinaing mo k-kung nahihirapan ka sa trabaho. Gusto kong mamalantsa ng mga damit mo pamasok… gusto kong makitang tinutupad mo ang pangarap mo…”

I tried to fight it but I started whimpering.

Si Mama. The lines are evident on her face. There are these subtle white strands on her hair… malungkot siya. Malungkot ang mga mata niya.

“Achie,” yugyog niya sa balikat ko. “Kasama mo ako. Kung natatakot ka… ako ang bahala. Maiintindihan ni Chona ang lahat.”

“Ma…” my lips quivered. Hindi ko alam kung paano sasabihin. Tita Chona’s not very understanding.

Then questions slipped my mind. Paano na nga ba ako? Ano na nga ba ang pangarap ko? Hanggang kailan ganito? Hanggang kailan… ako ganito?

My heart has too much space for Tita Chona, Miki, and Kuya Maddox. Napahawak ako sa dibdib. Lahat ba ito ay utang na loob? I cried harder because it aches. It aches too much.

I’ll be a hypocrite if I won’t admit that I also have space here for myself too.

Saan napunta si Achie?

Umangat ang tingin ko kay Mama. “Nandito pa r-rin naman ang mga pangarap ko, Ma… it’s just that they will take time. Hindi ko naman bibitawan iyon. Ma, k-kasi…”

I heaved a sigh. Si Mama ay ganoon din at yumuko. Nalaglag na ang hawak sa akin at parang nawalan na siya ng pag-asa.

“Alam ko na, Achie. Alam ko. Pero… kahit minsan… hindi mo talaga pipiliin ang sarili mo? Maiintindihan ka nila kung mahal ka talaga nila! Laging si Miki, ngayon naman ay si Maddox! Si Chona! Si Tita Chona! Achie naman!”

“M-mama-”

“Nakakahiya, Achie, alam kong mabuti kang bata. Gusto mong suklian lahat ng tulong nila… pero ayaw ko naman makita kang ganyan! Ako ang n-naaawa sa’yo…”

Sinisinok na ako at niyakap si Mama. 

Pagbalik sa mansion ay wala na ako sa wisyo. I tried to be happy for every improvement Kuya Maddox is going through, but I have this heavy feeling in my chest.

“May nangyari ba sa inyo, Achie?” napansin na ni Manang. “May problema ba sa bahay niyo?”

“Manang, wala po.”

“Wala? Simula pag-uwi mo ay mukhang laging malalim na ang iniisip mo. Magsabi ka lang sa akin, hija.”

“Manang, wala po talaga. Uh, tulog pa po siguro ang diwa ko,” bahagya akong tumawa.

Huminto siya sa pagpupunas sa counter at tinitigan ako. Naiiling at natahimik na lang.

Kinabukasan ay tinakbo ko ang dulo ng hagdanan noong matanawan si Kuya Maddox do’n.

“Kuya! Huwag kang gagalaw riyan at baka matisod ka pa!”

He’s already stepping on the first step. Kapit na kapit sa hawakan. Mabilis akong bumaba.

“Saan ka pupunta? I already told you that this will lead you to the second floor. Aano ka ba?”

Natikom ang bibig ko noong matanto ang tuloy-tuloy na litanya at bahagyang pagtaas ng boses. I just got scared for him. Paano kung hindi ko siya nakita? Kung hindi ako lumabas ng kuwarto?

Hinila ko siya sa braso at balak alalayan na sa baba. In a swift motion, he pulled my arm and embraced me in a tight hug. Naitukod ko ang kamay sa barandilya para hindi kami tuluyang matumba. My eyes widened and my breathing halted after a loud shriek.

“Nabanggit mo na nandoon ang kuwarto mo. Dadalawin lang kita.”

“A-ako? Ako pa?” I tried to move but he shook his head.

“I thought you already left without saying goodbye. I’ve been waiting for you to come to me… but you didn’t,” he stated in a low voice and almost shaking.

Tumindi ang hawak ko sa barandilya at natatakot na gumawa ng anumang kilos.

“Kaya ko naman, Achie. I can come up here and see you instead.”

“Kuya Maddox, mataas ito. You can’t just do it alone-”

“Are you okay? Have you been okay?”

Marahan akong natawa pero unti-unting nag-init ang gilid ng mga mata.

Bakit ako pa ang kinakamusta?

Tinapik ko siya sa likuran para kumawala na sa yakap pero nagpatuloy si Kuya Maddox.

“I miss you,” he whispered.

Natengga sa ere ang palad ko. My mouth was left hanging as it trembled. My left hand on the railing is now too white. Hindi ko alam ang isasagot.

My vision blurred and I didn’t know that my cheeks were now too damp. Sumiksik si Kuya Maddox sa nanginginig kong balikat. And he taps me on my back now. Inaalo ako.

Inaalo ako sa pag-iyak. Sa bigat. Sa kalungkutan. At sa kasiyahan.

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Where stories live. Discover now