30

62 2 11
                                    

“Sinabi naman kasi namin kay Maddox na susunduin na lang siya ni Kuya Obeng mo pero hindi talaga pumayag…” namula agad ang mga mata ni Manang.

“Iyon! Pinaiwan ang sasakyan niya kay Obeng malapit sa binabaan niya. Yung lapag pa naman niya ay oras nga ng biyahe ng mga trucks.”

“Mabuti na lang ay hindi salpukan ang nangyari. Hindi ko alam kung ano’ng mangyayari sa batang iyon,” si Kuya Obeng na bagsak din ang balikat.

I saw his car wrecked to the side. Sa gilid ang tama gano’n din sa truck na nakasagi. Ayon sa narinig namin ay dinadalaw ng antok ang driver ng truck, nakatulog din ang pahinante kaya hindi talaga malabong mangyayari iyon.

“Ako na po, Manang.”

“Sigurado ka ba? Baka masigawan ka ng Kuya Dox mo.”

“Wala lang po iyon. Naiintindihan naman po iyon,” maliit akong ngumiti at kinuha ang tray.

Pagpihit ko pa lang sa pintuan at kaunting uwang pa lang ay naririnig ko na si Kuya Maddox.

“I already said don’t step foot in here, Emma!”

“Kuya Maddox… kaaalis na ni Emma. Dinala ko lang ang tanghalian mo.”

Before Emma left the mansion, I saw how red her eyes were. Babalik na lang daw siya ulit at sisilipin ang negosyo nila.

Sa kabila ng benda na nakapalibot sa mata at ulo ni Kuya Maddox ay makikita ang pamumula ng mukha niya at leeg dahil sa iritasyon.

Unti-unti akong lumapit at prinepara ang sa higaan niya. I carefully assemble the tray table and place it near him.

“What’s your name again?”

There’s a sharp sound as he asked for my name.

“Kashina,” I looked at him in hopes that it would ring a bell.

Pumilig ang ulo ni Kuya Maddox at napailing. 

“That’s not what they call you.”

Agad gumuho ang katiting kong pag-asa.

“Achie. You can call me Achie.”

“Achie. Achie…” he tried to say slowly. Para bang pilit niyang inaalala.

Kumagat ako sa pang-ibabang labi at umatras. I straightened my back as I watched him full with bruises, tangled hair, and chapped lips.

“I heard from Mom that you’re my brother’s girlfriend. Where is he? Bakit ikaw ang nandito?”

Agad akong nag-angat ng tingin at nagtahip ang dibdib.

We’re all briefed by Tita on what to answer whenever Kuya Maddox will ask about Miki. Napalunok ako at nangilid ang luha.

“He's abroad.”

“His name?”

Hindi ko man nasasagot ay nagpakawala si Kuya Maddox ng isang mababaw na tawa at para ring nakakainsulto. He pointed at himself.

“Napakawalang kuwentang tao, ‘di ba? Pati kapatid ay hindi maalala.”

“Kuya Maddox-”

“Oh please, I know that’s what you’re thinking. Alagain, pabigat, at walang kuwenta.”

“Hindi, Kuya Maddox. No. That’s not true.”

“You can leave!”

Bahagya akong napaigtad sa gulat. He’s pointing in the air. Hindi ko naman malaman ang gagawin. Susundin ko ba? Paano ang pagkain niya?

Nag-aalangan man ay tinapangan ko na rin. I walk lightly towards his bed. 

I gently guided his hand on the utensils. Umilag pa siya noong una pero kinuha ko pa rin.

“You’re a caregiver now?” sarkastiko niyang wika. May insulto at galit.

Inilapit ko ang kutsara niya sa pinggan, “Dito yung mga prutas… dito naman yung kanin at ulam mo. Hinalo na.”

Inalis muli ni Kuya Maddox ang kamay niya sa hawak ko at pumilig-pilig. I took a breath and walk backwards.

“Umalis ka na.”

Nanatili lang akong tahimik at walang kibo. I held my hands in front of me as I watch him. Hindi nag-uumpisang kumain. 

Miki’s involved then in a road accident too. Gamit ang bagong kotseng regalo sa kanya nina Tito noong graduation namin. His car collided with a car too. Head to head. And based on the wreck of each cars, it’s impossible to survive.

Uminit agad ang gilid ng mga mata ko.

I think we can handle it. We all can handle it if only Miki just lose his memories too.

I can handle his tantrums, harshness, hard headedness, and constant questions. Ang mahalaga ay humihinga siya. Ang mahalaga ay nakikita namin siya.

“Leave, Achie!”

Napakurapkurap ako at halos mapatalon muli sa gulat.

Lumapit ako at pinulot ang ilang hiwa ng prutas na nahulog sa kama niya. Even with his eyes wrapped with a bandage, his head turned towards me.

Bahagya akong lumayo noong akala kong sisigaw muli. But I heard him take a breath. Itutukod pa niya ang kutsara pero lumihis ito at dumiretso sa malambot na higaan.

I instantly feel bad.

Kuya Maddox is just frustrated. Pumula ang mukha niya at inere muli ang kutsara. This time, I held it and guided it to his plate of food. Sinandok ko siya ng pagkain at inilapit sa kanya.

His lips are tight and he’s really fighting the urge to get some help from me.

“Miki,” I croaked. His hand loosened a bit at the mention of the name. “That’s his name. Your brother.”

Unti-unti kong inalalayan ang kamay niya. My right hand is below his chin to catch any bits of food that will fall.

“Kuya Maddox…” I called.

Maliit akong tumango at nangiti noong tinanggap na niya ang alok kong pagkain.

“Maddox and… Miki,” pag-uulit niya.

I nodded again. Umawang ang bibig ko habang pinapanood siya ro’n at mukhang nag-iisip. He’s slowly munching his food as his head tilted.

“Yes,” I said almost in a breath.

Napabaling muli siya sa gawi ko.

“You miss him?”

Kaunting nag-angat ang kilay ko at tuluyang nanlalabo ang paningin. My hand shook so I withdrew my hold on him.

Naiwan sa ere ang kamay niya na hawak pa ang kutsara. Mabilis kong inalalayan muli iyon at dinaan sa tawa ang tanong niya.

“Oo n-naman.”

“Kailan siya uuwi rito?”

It’s such an innocent question but it completely shattered my heart. Kung titingnan pa si Kuya Maddox… he’s just really waiting for my answer that is supposed to be the truth.

Napahinga akong malalim at tinulungan siya muli sa pagkain niya.

“T-tatanungin ko si… Miki,” I gulped and a tear completely gave away.

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Where stories live. Discover now