06

96 4 5
                                    

Naging mahirap alagaan si Tita sa mga sumunod na araw. She tends to snap at everyone including me.

Minsan ay nahihirapan akong makisama pero iniintindi ko na lang. Makikita na lang namin siya ni Manang na lumuluha sa bawat sulok ng mansion.

"Hanggang kailan ba ang Kuya Dox mo ro'n? Sabi niya ay mabilis lang!"

"Hindi ko rin po alam, Tita. But I know that he will keep his promise. Kain muna tayo…"

"Leave me alone now, Achie!"

Pipilitin ko pa sana pero kinalabit na ako ni Manang. We know that she's having her episode now.

It's hard consoling her especially if we have no idea when Kuya Maddox will be back.

"Today's Miki's death anniversary! Ano ba ang inaayos mo riyan at mas mahalaga pa sa kapatid mo?!" 

Hindi ko na narinig ang sinagot ni Kuya Maddox sa video call dahil tumalilis na ako paalis. That's what has been happening for the next few months and years.

"All the special events… he didn't care about me! Kawawa naman si Miki!" Pagwawala ni Tita.

Birthdays, anniversaries, christmas, and new years have passed. Hindi ko alam kung ano ba ang depinisyon ni Kuya Maddox sa mabilis lang.

Thankfully, Tita slowly recovered from her sadness. Madalas namin libangin lalo na ni Tito na hindi rin siya pinapabayaan.

"Miki's supposed to be graduating this year, 'no? That kid would be so great at your business. Mabait na bata at magaling! Hindi ba't batchmates sila ng anak ko? Josh is also preparing for his graduation."

Lumapit agad ako kay Tita na kausap ang ilang kaibigan niya. Lumingkis ako sa braso niya at malamyos na ngumiti. 

From her side, I can see tears forming. Hinawakan ko siya sa mga kamay at lumingon sa mga matatanda.

"You are?"

"Oh! This is my daughter," maligalig na harap sa akin ni Tita.

May bahagyang pagtawa sa isang doña.

"You have a daughter pala?"

"No. That's Miki's girlfriend. Parang anak na nga iyan ni Chona."

Maliit lang akong ngumiti. Tita ultimately was diverted. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag.

"So beautiful, right? Kamukha ko. She's also graduating."

"It would just be nice if you're graduating with Miki. Pagkatapos no'n ay paniguradong bubuo kayo ng pamilya," ani muli ng isa. She likes to trigger Tita. May pagtingin pa sa katabi ko.

Wala namang kumibo sa amin ni Tita kaya nagpatuloy ang matanda.

"Paniguradong ang gaganda at guwapo ng mga apo mo 'non, Chona! May apo na rin ako, and I tell you, I am the happiest I could ever be."

Kumuyom ang kamao ko. Lumipat ang tingin ko sa matanda at tinitigan siya. A playful smirk was on her face. Hinawakan pa si Tita at kunwari'y inaalo.

"Uh, Tita, nasa labas na po si Kuya Obeng. We should leave…"

Lingaw na tumango sa akin si Tita kaya ako na ang nagpaalam sa mga kausap niya. We turned around but I can still hear them.

"Chona is definitely delusional. Anak raw niya," tawa pa nito.

I tried hard to maintain my posture as we walked towards the car. I hope Tita didn't hear that. Nakayuko siya at tahimik lang.

Dala-dala ko ang mga sinabi nila hanggang pauwi. My chest got so heavy and I wonder what Tita feels too. 

I'd also like that to happen. To graduate with Miki. To start a family with him. And to grow old together.

Bumuntong hininga ako at inalalayan na si Tita noong makarating kami sa mansion. Her shoulders are saggy and I wanted to just take her burdens too. At least I can handle it.

"Ano na naman ang nangyari, Achie?" si Manang na sumalubong.

"Miki," I mouthed.

Mabilis akong niyakap ni Manang at tumakbo rin agad kay Tita Chona.

Once I shut the door in my room, I completely gave in and fell on the cold tiled floor.

Ang mga kamay ay humilamos sa mukha ko. Hot string of liquid drenches my face.

Hinayaan ko lang ang sarili ko sa ganoong tagpo sa loob ng dalawang minuto. I got up and washed my face. Tumigil ako sa pag-iyak dahil ayaw kong makita nilang namamaga ang mga mata kinabukasan. Lalo na si Tita. I should be strong for her.

"Kanino sasakyan iyan? May bisita yata sina Ma'am," bulalas ni Kuya Obeng.

I looked outside the car's window and a sleek black Bentley was parked on the lawn.

Halos mangudngod ako pababa noong masaksihan ang bumababa rin sa kabilang sasakyan.

"Dox? Dox!"

Kulang na lang ay magtatalon si Kuya Obeng palapit sa binata. My mouth is left ajar. Hindi makapaniwala sa nakikita.

Is it really Kuya Maddox? Nagsabi ba siya kina Tita? Wala akong naririnig patungkol sa pag-uwi niya!

I looked inside the house and I'm curious if they prepared something.

"Kuya, shh," natatawa at inilagay pa ni Kuya Maddox ang hintuturo sa bibig niya.

"Gago ka! Akala ko sinong magandang binata! Ngayon ka lang nauwi? Bakit? Mag-aasawa ka na? Alam ni Ma'am?"

"What?" Kuya Maddox chuckled. "Ano na ang mga balitang dumarating sa'yo, Kuya," umiling siya. 

Kuya Maddox's hair grew a little bit. Nakahati sa gitna at ang ilan ay tumatama sa noo niya. He recently celebrated his 25th birthday, dahil doon ay naghaka-haka ang mga kasama namin sa bahay na baka mag-aasawa na. He hasn't come home since and it's been three years.

He's tall and he's gotten bulkier. Namumula ang kutis lalo na ang mga pisngi. But just like the old times, his brow raised when he glanced at me.

"You're not staying here? Sino ang kasama ni Mom kung ganoon?"

Halos matanga ako at hindi siya maintindihan. He then looked at the duffel bag I'm carrying.

"Ha? Si Achie ang nag-aalaga kay Ma'am!"

"I just came from overnight."

"Busy itong si Achie sa school pero maaga rin nagpapasundo mula nga sa pagtulog nila ng mga kaklase. Wala kang dapat ialala kay Ma'am," pagsasalba muli sa akin ni Kuya Obeng.

I gave our driver a small smile.

"Spokesperson mo na rin si Kuya Obeng?"

Nawala ang maliit kong ngiti. Kuya Maddox sounded like he's joking but he gave me a meaningful stare.

All these years and I concluded that he's still the same.

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Where stories live. Discover now